Unang Pahina

Napiling artikulo

Tanaw sa himpapawid ng bahaging Centro Storico ng Roma.
Tanaw sa himpapawid ng bahaging Centro Storico ng Roma.

Ang Roma (pagbigkas [ˈroːma]) ay ang punong-lungsod ng bansang Italya at isang espesyal na komuna ng bansa (pinangalanang Comune di Roma Capitale, "Ang Komuna ng Punong Lungsod ng Roma"). Nagsisilbi rin itong punong-lungsod ng rehiyon ng Lazio. Tatlong milenyo nang tinitirhan ito ng mga tao, simula noong unang itinatag ito, ayon sa tradisyon, noong 753 BK. Matatagpuan ito sa mga ilog Tiber at Aniene, malapit sa Dagat Mediteraneo. Makikita sa loob nito ang Lungsod ng Vaticano, isang malayang bansang kinikilala ng mundo, at nagsisilbing punong himpilan ng Simbahang Katolika at ang tirahan ng Santo Papa. Ang Roma ay ang pinakamalaking lungsod sa Italya at isa rin sa mga pinakamalalaki sa Europa, na may lawak na 1,285 kilometro kuwadrado (496.1 mi kuw). Ito ang sentro ng Kalakhang Lungsod ng Roma, na may populasyon ng 4,355,725 (2020) naninirahan, at may katayuan bilang ang pinakamataong kalakhang lungsod sa Italya. May KGK ito ng €75 bilyon—higit na mataas pa sa Bagong Zeeland at katumbas ng Singapore—noong taong 2001. Ibinubunga ng bayan ng Roma ang 6.5% ng pangkalahatang KGK ng Italya, ang pinakamalaking halaga sa lahat ng lungsod ng bansa. Umaabot ang kasaysayan ng lungsod nang 2,800 taon, kung kailan ito ay naging himpilan ng sinaunang Roma (Kahariang Romano, Republikang Romano, at Imperyong Romano), at sunod ng Estadong Papal, Kaharian ng Italya, at ngayon ng Republikang Italyano.

Alam ba ninyo ...

Napiling larawan

Ang Staatsoper Unter den Linden, kilala rin bilang Staatsoper Berlin (o Operang Pang-estado ng Berlin), ay isang nakatalang gusali sa bulebar Unter den Linden sa sentrong pangkasaysayan ng Berlin, Alemanya. Ang bahay opera ay itinayo sa pamamagitan ng utos ng Prusong hari na si Federico II ng Prusya mula 1741 hanggang 1743 ayon sa mga plano ni Georg Wenzeslaus von Knobelsdorff sa estilong Palladiana

May-akda ng larawan: A.Savin

Sa araw na ito (Marso 20)

Douglas MacArthur
Douglas MacArthur
Mga pangyayari

Mga huling araw: Marso 19Marso 18Marso 17

Patungkol

Ang Wikipedia ay isang proyektong online na ensiklopedya na panlahat, nakasulat sa maraming wika, at pinagtutulungan ang paggawa ng mga artikulo sa prinsipyong wiki. Naglalayon ang proyektong ito na mag-alok ng mga nilalaman na malayang muling magagamit, walang pinapanigan, at napapatunayan, na maaring baguhin at mapabuti ninuman.Nakikilala ang Wikipedia sa pamamagitan ng mga naitatag na prinsipyo. Nakalisensiya ang nilalaman nito sa ilalim ng Creative Commons BY-SA. Maari itong kopyahin at muling gamitin sa ilalim ng parehong lisensiya, na sumasailalim sa paggalang sa mga kondisyon. Ibinbigay ng Wikipedia ang mga nilalaman nito ng walang bayad, walang patalastas, at hindi nagsasamantala sa paggamit ng personal na datos ng mga gumagamit nito.

Mga boluntaryo ang nag-aambag o patnugot ng mga artikulo sa Wikipedia. Nakikipag-ugnayan sila sa isa't isa tungkol sa kanilang mga pagsisikap sa loob ng pamayanang nagtutulungan at walang pinuno.

Sa ngayon, mayroon ang Wikipediang Tagalog na:
46,855
artikulo
159
aktibong tagapag-ambag

Paano makapag-ambag?

Maaring maglathala ng online na nilalaman ang kahit sino basta't sundin nila ang mga pangunahing alintuntuning itinakda ng Pundasyong Wikimedia at ng pamayanan; halimbawa, pagpapatunay ng nilalaman, notabilidad, at pagkamagalang.

Maraming mga pahinang pantulong ang mababasa mo, partikular sa paglikha ng artikulo, pagbago ng artikulo o pagpasok ng litrato. Huwag mag-atubiling magtanong para sa iyong unang mga hakbang, partikular sa isa sa mga proyektong tematiko o sa iba't ibang espasyo para sa mga usapan

Ginagamit ang mga pahinang usapan upang isentralisado ang mga naiisip at kumento para mapabuti ang isang partikular na artikulo o pahina. Mayroon din sentrong portal o puntahan ng pamayanan, ang Kapihan, kung saan puwedeng pag-usapan ang pangkalahatang alalahanin sa pamayanang Wikipediang Tagalog. Pindutin ito upang magtanong o maghayag ng iyong naiisip para mapabuti pa ang Wikipediang Tagalog.

Kaganapan

  • Ipinabatid ni Punong Komander Oleksandr Syrskyi ng Ukranya ang buong pagbawi ng mga puwersang Ukranyo mula sa Avdiivka, kasunod ng buwan ng mabigat na labanan at ang pagsubok ng mga Ruso na ikubkob ang lungsod.
  • Pitong sundalo at dalawang armadong Dawlah Islamiyah ang nakipagbarilan sa bayan ng Munai (nakalarawan ang lokasyon sa mapa ng Lanao del Norte) sa Lanao del Norte, Pilipinas. Apat na mga sundalo ang nasugatan, habang may ilang militante ang tumakas.
  • Labing-dalawang tao ang napatay nang namaril ang isang lalaki sa kanyang pamilya sa isang pagtatalo sa isang nayon sa Kondehan ng Faryab, Lalawigan ng Kermān, Iran.
  • Krisis sa Dagat Pula: Winasak ng militar ng Estados Unidos ang Houti na walang-taong behikulong pantubig at Houti na walang-taong behikulong panlupa habang isinasagawa ang tatlong pagsalakay laban sa mga misil na Houthi na kontra sa barkong naglalayag.
  • Apat na tao ang namatay sa isang pamamaril sa isang linisan ng kotse sa Birmingham, Alabama, Estados Unidos.
Wika