Panunumpang Olimpiko

Ang Panunumpang Olimpiko ay isinasaalang-alang ng isang manlalaro at isang hukom sa seremonya ng pagbubukas ng bawat Palarong Olimpiko.

Ang manlalaro, mula sa kuponan ng namumunung-abalang bansa, ay humahawak sa dulo ng Watawat ng Olimpiada habang binibigkas ang panunumpa:

Sa ngalan ng lahat ng mga mananaligsa, ipinapangako ko na gagampanan bilang bahagi ng Palarong Olimpiko, gumagalang at sumusunod sa mga tuntunin na namamahala sa kanila, mapagkakatiwalaan kami sa isang palakasan na walang paggamit ng narkotiko at walang droga, sa tunay na diwa ng mabuting pakikipaglaro, ukol sa kaluwalhatian ng palakasan at dangal ng mga ating koponan.[1]

Ang hukom, mula rin sa namumunung-abalang bansa, tulad din na humahawak sa dulo ng watawat subali't may kaibahan nang bahagya sa pagbibigkas ng panunumpa:

Sa ngalan ng lahat ng mga hukom at tagapamahala, ipinapangako ko na maglilingkod kami sa aming tungkulin sa mga Palarong Olimpikong ito na walang kinikilingan at walang pinapanigan nang lubos, gumagalang at sumusunod sa mga tuntunin na namamahala sa kanila sa tunay na diwa ng mabuting pakikipaglaro.[1]

Kasaysayan

Isang panawagan ukol sa panunumpa ay ipinahayag noong 1906 ng tagapagtatag at pangulo ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko na si Pierre de Coubertin sa Revue Olympique (Pagsusuring Olimpiko sa wikang Pranses).[1] Ginawa ito sa kusa upang tiyakin na walang kinikilingan at walang pinapanigan.[1]

Ang Panunumpa ng Olimpiko ay unang nabighani sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 1920 sa Antwerp ng isang manlalaro ng Eskrima/polong pantubig. Ang unang panunumpa ng hukom ay nabighani sa Palarong Olimpiko sa Taglamig 1972 sa Sapporo.

Ang panunumpa ni Victor Boin noong 1920 ay

Sumusumpa ako. Gagampanan namin bilang bahagi sa Palarong Olimpiko sa diwa ng matandang kaugalian ng kagandahang asal, ukol sa dangal ng ating bansa at ukol sa kaluwalhatian ng palakasan.[1]

Noong 1961, ang "sumusumpa" ay napalitan ng "ipinapangako" at "dangal ng mga ating bansa" sa "dangal ng mga ating koponan" sa isang halatang pagpupunyagi upang mabawasan ang pagkamakabansa sa Palarong Olimpiko.[1] Ang bahagi na may alintana sa paggamit ng narkotiko ay nadagdagan sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2000.

Mga tagapagbigkas

Ang mga manlalaro at hukom na nakapagbigkas ng Panunumpang Olimpiko ay nakatala sa ibaba.

Panunumpang Olimpiko
Mga OlimpikoManlalaroHukom
Palarong Olimpiko sa Tag-init 1920Victor Boin-
Palarong Olimpiko sa Taglamig 1924Camille Mandrillon-
Palarong Olimpiko sa Tag-init 1924Georges André-
Palarong Olimpiko sa Taglamig 1928Hans Eidenbenz-
Palarong Olimpiko sa Tag-init 1928Harry Dénis-
Palarong Olimpiko sa Taglamig 1932Jack Shea-
Palarong Olimpiko sa Tag-init 1932George Calnan-
Palarong Olimpiko sa Taglamig 1936Willy Bogner, Sr.-
Palarong Olimpiko sa Tag-init 1936Rudolf Ismayr-
Palarong Olimpiko sa Taglamig 1948Bibi Torriani-
Palarong Olimpiko sa Tag-init 1948Donald Finlay-
Palarong Olimpiko sa Taglamig 1952Torbjørn Falkanger-
Palarong Olimpiko sa Tag-init 1952Heikki Savolainen-
Palarong Olimpiko sa Taglamig 1956Giuliana Minuzzo-
Palarong Olimpiko sa Tag-init 1956John Landy (Melbourne)
Henri Saint Cyr (Stockholm)
-
Palarong Olimpiko sa Taglamig 1960Carol Heiss-
Palarong Olimpiko sa Tag-init 1960Adolfo Consolini-
Palarong Olimpiko sa Taglamig 1964Paul Aste-
Palarong Olimpiko sa Tag-init 1964Takashi Ono-
Palarong Olimpiko sa Taglamig 1968Léo Lacroix-
Palarong Olimpiko sa Tag-init 1968Pablo Garrido-
Palarong Olimpiko sa Taglamig 1972Keiichi SuzukiFumio Asaki
Palarong Olimpiko sa Tag-init 1972Heidi SchüllerHeinz Pollay
Palarong Olimpiko sa Taglamig 1976Werner Delle KarthWilly Köstinger
Palarong Olimpiko sa Tag-init 1976Pierre St.-JeanMaurice Fauget
Palarong Olimpiko sa Taglamig 1980Eric HeidenTerry McDermott
Palarong Olimpiko sa Tag-init 1980Nikolai AndrianovAlexander Medved
Palarong Olimpiko sa Taglamig 1984Bojan KrižajDragan Perovic
Palarong Olimpiko sa Tag-init 1984Edwin MosesSharon Weber
Palarong Olimpiko sa Taglamig 1988Pierre HarveySuzanna Morrow-Francis
Palarong Olimpiko sa Tag-init 1988Hur Jae
Shon Mi-Na
Lee Hak-Rae
Palarong Olimpiko sa Taglamig 1992Surya BonalyPierre Bornat
Palarong Olimpiko sa Tag-init 1992Luis Doreste BlancoEugeni Asensio
Palarong Olimpiko sa Taglamig 1994Vegard UlvangKari Karing
Palarong Olimpiko sa Tag-init 1996Teresa EdwardsHobie Billingsley
Palarong Olimpiko sa Taglamig 1998Kenji OgiwaraJunko Hiramatsu
Palarong Olimpiko sa Tag-init 2000Rechelle HawkesPeter Kerr
Palarong Olimpiko sa Taglamig 2002Jimmy SheaAllen Church
Palarong Olimpiko sa Tag-init 2004Zoi DimoschakiLazaros Voreadis
Palarong Olimpiko sa Taglamig 2006Giorgio RoccaFabio Bianchetti
Palarong Olimpiko sa Tag-init 2004Zoi DimoschakiLazaros Voreadis
Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008Zhang Yining[2]Huang Liping[2]
Palarong Olimpiko sa Taglamig 2010Hayley WickenheiserMichel Verrault

Tingnan din

Sanggunian