Pampublikong dominyo

Gawa na walang nagmamay-ari

Ang pampublikong dominyo (PD) ay binubuo ng lahat ng malikhaing gawa kung saan walang nalalapat na eksklusibong mga karapatan sa ari-ariang intelektuwal. Ang mga karapatang iyon ay maaaring napaso na,[1] forfeited o nawala dahil sa isang pagkukulang,[2] hayagang tinalikuran, o maaaring hindi nalalapat.[3] Dahil walang may hawak ng mga eksklusibong karapatan, maaaring legal na gamitin o tukuyin ninuman ang mga gawang iyon nang walang pahintulot.[3][4]

Icon ng pampublikong dominyo, na nasa pampublikong dominyo mismo

Bilang mga halimbawa, ang mga gawa nina William Shakespeare, Ludwig van Beethoven, Miguel de Cervantes, Zoroaster, Lao Zi, Confucio, Aristoteles, L. Frank Baum, Leonardo da Vinci at Georges Méliès ay nasa pampublikong dominyo sa bisa ng kanilang pagkakalikha bago umiral ang karapatang-ari, o napaso na ang termino ng kanilang karapatang-ari.[5] Hindi saklaw ng batas karapatang-ari ng isang bansa ang ilang mga gawa, at samakatuwid, nasa pampublikong dominyo; halimbawa, sa Estados Unidos, kabilang sa mga aytem na hindi kasama sa karapatang-ari ang mga pormula ng pisikang Newtoniyano at mga resipi sa pagluluto.[6] Aktibong inilaan ang iba pang gawa ng kanilang mga may-akda sa pampublikong dominyo; kasama sa mga halimbawa ang mga reperensyang pagpapatupad ng algoritmong kryptograpiko,[7] at ang software na nagpoproseso ng imahe na ImageJ (ginawa ng National Institutes of Health o Pambansang Instituto ng Kalusugan ng Estados Unidos).[8] Ang terminong pampublikong dominyo ay hindi karaniwang ginagamit sa mga situwasyon kung saan pinapanatili ng lumikha ng isang gawa ang mga natitirang karapatan, kung saan ang paggamit ng gawa ay tinutukoy bilang "sa ilalim ng lisensya" o "may pahintulot."

Dahil nag-iiba-iba ang mga karapatan ayon sa bansa at hurisdiksyon, maaaring sumailalim ang isang gawa sa mga karapatan sa isang bansa at nasa pampublikong dominyo sa iba. Ang ilang mga karapatan ay nakadepende sa mga pagpaparehistro sa isang bansa-sa-bansa na batayan, at ang kawalan ng pagpaparehistro sa isang partikular na bansa, kung kinakailangan, ay nagbibigay ng katayuan sa pampublikong dominyo para sa isang gawa sa bansang iyon. Ang terminong pampublikong dominyo ay maaari ding palitan ng paggamit sa iba pang hindi tumpak o hindi natukoy na mga termino gaya ng pampublikong globo o commons (o mga komun), kabilang ang mga konsepto tulad ng "mga komung isip", ang "intelektuwal na mga komun", at ang "mga komung impormasyon".[9]

Kahulugan

Ang mga kahulugan ng mga hangganan ng pampublikong dominyo na may kaugnayan sa karapatang-ari, o intelektuwal na pag-aari sa pangkalahatan, ay itinuturing ang pampublikong dominyo bilang isang negatibong espasyo; ibig sabihin, binubuo ito ng mga gawa na wala na sa termino ng karapatang-ari o hindi kailanman pinoprotektahan ng batas sa karapatang-ari.[10] Ayon kay James Boyle binibigyang-diin ng kahulugang ito ang karaniwang paggamit ng terminong pampublikong dominyo at tinutumbas ang pampublikong dominyo sa pampublikong pag-aari at mga gawa sa karapatang-ari sa pribadong pag-aari. Gayunpaman, ang paggamit ng terminong pampublikong dominyo ay maaaring maging mas pinong detalye, kabilang ang halimbawa ng paggamit ng mga gawa sa karapatang-ari na pinahihintulutan ng mga eksepsyon sa karapatang-ari. Itinuturing ng naturang kahulugan ang gawa sa karapatang-ari bilang pribadong pag-aari na napapailalim sa mga karapatan sa patas na paggamit at limitasyon sa pagmamay-ari.[11] Ang isang konseptong kahulugan ay nagmula kay Lange, na nakatuon sa kung ano dapat ang pampublikong dominyo: "dapat ito na isang lugar ng santuwaryo para sa indibiduwal na malikhaing pagpapahayag, isang santuwaryo na nagbibigay ng apirmatibong proteksyon laban sa mga puwersa ng pribadong paglalaan na nagbabanta sa gayong pagpapahayag".[10]

Mga sanggunian