Relihiyon
Ang relihiyon ay isang kalipunan ng mga sistemang paniniwala, mga sistemang kultural at pananaw sa daigdig na nag-uugnay ng sangkatuhan sa espiritwalidad at minsan ay sa moralidad.[1] Ang maraming mga relihiyon ay may mga mitolohiya, mga simbolo, mga tradisyon at mga sagradong kasaysayan na nilalayon na magbigay kahulugan sa buhay o ipaliwanag ang pinagmulan ng buhay o sansinukob. Ang mga ito ay humahango ng mga moralidad, etika, mga batas relihiyoso o pamumuhay mula sa mga ideya nito ng kosmos at kalikasan ng tao. Tinatayang may mga 4,200 relihiyon sa mundo sa kasalukuyan.[2] Ang karamihan ng mga relihiyon ay may organisadong mga pag-aasal, pinuno (gaya ng kaparian at pastor) o tagapagtatag, isang depinisyon ng kung ano ang bumubuo sa pagiging kasapi o pagsunod dito, mga banal na lugar at mga kasulatang relihiyoso. Ang pagsasanay ng relihiyon ay kinabibilangan rin ng mga ritwal, mga sermon, mga pag-alaala o benerasyon ng isang diyos, mga diyos o mga diyosa, mga paghahandog, mga pista, mga transiya, mga inisiasyon, mga puneral, mga matrimonyo, meditasyon, panalangin, musika, sining, sayaw, o iba pang mga aspeto ng kultura ng tao.[3]
Ang salitang relihiyon ay minsang ginagamit upang ipalit sa pananampalataya. Gayunpaman, ayon kay Émile Durkheim, ang relihiyon ay iba sa pananamapalataya o paniniwalang pansarili o pribado dahil ang relihiyon ay isang panininiwala na natatanging pang panlipunan.[4]
Pinagmulan ng salita
Ang salitang Tagalog na relihiyon na hinango sa Espanyol na religión o Ingles na religion mula sa Lumang Pranses na religion (pamayanang reliyoso) mula sa Latin na religionem (nom. religio) "paggalang sa sagrado, paggalang para sa mga diyos, obligasyon, pagbubuklod sa pagitan ng tao at mga diyos ay hinango mula sa Latin religiō na ang pinagmulan ay hindi maliwanag. Ang posibilidad ay isa itong paghango mula sa muling kinopyang *le-ligare na isang interpretasyong mula kay Cicero na nag-uugnay ng lego (basa), i.e (muli) + lego sa kahulugan ng pagpili, muling suriin o maingat na isaalang alang". Ang mga modernong skolar gaya nina Tom Harpur at Joseph Campbell ay pumapabor sa paghango mula sa ligare "buklod, umugnay" na malamang ay mula sa may panlaping re-ligar i.e. re (muli) + ligar (muling makipag-ugnayan) na pinasikat ni Augustine kasunod ng interpretasyon ni Lactantius. Ang paggamit mediebal ay pumapalit sa orden sa pagtatakda ng mga magkakabuklod na pamayan tulad ng mga orden na monastiko. Ayon sa pilolohistang si Max Müller, ang ugat ng salitang Ingles na religion na salitang Latin na religio ay orihinal na ginamit upang pakahulugan lamang ang "paggalang sa diyos o mga diyos, maingat na pagninilay nilay ng mga bagay na pang-diyos, kabanalan" na karagdagan pang hinango ni Cicero upang pakahulugang dilihensiya. Inilarawan ni Max Müller na ang maraming mga ibang kultura sa buong mundo kabilang ang Ehipto, Persia at India bilang may isang katulad na istruktura ng kapangyarihan sa puntong ito ng kasaysayan. Ang tinatawag ngayong sinaunang relihiyon ay kanila lamang tinatawag na "batas".
Distribusyon ng relihiyon at paniniwala sa Diyos
Ang tinatayang kinabibilangang mga relihiyon ng populasyon ng daigdig ay: 33% sa Kristiyanismo, 20% sa Islam, kaunti sa 1% sa Hudaismo, 6% sa Budismo, 13% sa Hinduismo, 6% sa tradisyonal na relihiyong Tsino at 7% sa iba't ibang mga relihiyon.[5] Ang karamihan ng mga relihiyong ito ay naniniwala sa isang diyos o mga diyos. Ang 15% ay hindi relihiyoso. Ang isang pandaigdigang poll noong 2012 ay nag-ulat na ang 59% ng populasyon ng daigdig ay relihiyoso, ang 23% ay hindi relihiyoso at ang 13% ay mga ateista.[6] Ayon sa isang poll, ang mga bansang may pinakamataas na populasyon ng mga ateista ang Tsina, Hapon, Czech Republic, Pransiya at Alemanya.[7] Ang mga bansang may pinakamataas na populasyon ng mga relihiyoso ang Ghana, Nigeria, Armenia, Fiji, Macedonia, Romania at Iraq.[7] Sa poll ng mga relihiyon, ang mga Hudyo ang pinaka hindi relihiyoso. Ang tanging 38% lamang ng populasyong Hudyo sa daigdig ang tumuturing sa kanilang mga sarili na relihiyoso samantalang ang 54% ng populasyong Hudyo sa daigdig ay hindi-relihiyoso.[7] Sa paghahambing, ang 97% ng mga Budista, 83% ng mga Protestante at 74% ng mga Muslim ay tumuturing sa kanilang mga sarili na relihiyoso.[7] Ayon sa isang pag-aaral, ang Pilipinas ay nangunguna sa daigdig sa pinakamaraming populasyon (94%) na naniniwala sa diyos.[8] Sa Israel, ang mga 50% ng mga Israeli na ipinanganak na mga Hudyo (sa etnisidad) ay tumuturing sa kanilang mga sarili na sekular o hilonim (hindi relihiyoso). Ang bilang ng mga atheista at agnostiko sa Israel ay mula 15% hanggang 37%. Ang mga ateistang Hudyo ang mga ipinanganak na Hudyo sa etnisidad ngunit naging mga ateista.[9]
Sinaunang relihiyon at paniniwala sa Diyos
Ang pinakamaagang ebidensiya ng mga ideyang relihiyoso ay mula sa ilang mga daang libong taong nakakalipas hanggang sa mga panahong Gitna at Mababang Paleolitiko. Tinutukoy ng mga arkeologo ang maliwanag na mga intensiyonal na libingan ng mga sinaunang homo sapiens (hindi modernong homo sapiens) mula sa 300,000 BCE bilang ebidensiya ng mga ideyang relihiyoso. Ang ibang mga ebidensiya ng ideyang relihiyoso ay kinabibilangan ng mga simbolikong artipakto mula sa Gitnang Panahong Bato sa mga lugar sa Aprika. Gayunpaman, ang interpretasyon ng mga artipaktong ito sa mga ideyang relihiyoso ay nananatiling kontrobersiyal. Ang mga ebidensiyang arkeolohikal sa mas kamakailang mga panahon ay hindi kontrobersiyal. Ang pinakamaagang hindi pinagtatalunang ebidensiya ng intensiyonal na libingan ay mula 130,000 BCE kung saan ang mga neanderthal ay naglibing ng kanilang mga namatay sa mga lugar gaya ng Krapina at Croatia.[10] Ang isang bilang ng mga artipakto mula sa Itaas na Paleolitiko (50,000-13,000 BCE) ay pinaniniwalaan ng mga arkeologo bilang kumakatawan sa mga ideyang relihiyoso. Ang halimbawa ng mga artipaktong ito ay kinabibilangan ng taong leon, mga pigurinang Venus, mga pinta sa kweba mula sa Kwebang Chauvet at ang detalyadong libingang ritwal sa Sungir. Ang pinakamaagang alam na paglibing ng isang shaman ay mula 30,000 BCE.[11]
Ang organisadong relihiyon gaya ng mga relihiyon sa kasalukuyan ay nag-ugat sa rebolusyong Neolitiko ca. 11,000 BCE sa Malapit na Silangan. Ang tinahanang lugar ng Çatalhöyük, Anatolia, Turkey sa panahong Neolitiko ay tinahanan ng mga 8,000 katao. Ito ay pinaniniwalaang ang espiritwal na sentro ng Anatolia.[12]
Ang kapansing pansing katangian ng lugar na ito ang mga pigurinang babae nito na kumakatawan sa babaeng diyosa ng uring inang diyosa. Bagaman ang mga diyos na lalake ay umiiral rin, ang mga estatwa ng diyosang babae ay mas marami sa diyos na lalake.[13] Ang mga pigurinang ito ay pangunahing natagpuan sa mga lugar ng Mellaart na pinaniniwalaang mga dambana. Ang isang pigurinang diyosa na nakaupo sa trono ay natagpuan sa isang lalagyan ng butil na nagmumungkahing ito ay paraan ng pagsisiguro ng pag-aani o pagpoprotekta sa suplay ng pagkain.Noong mga 5500–4500 BCE, ang mga taong Proto-Indo-Europeo ay lumitaw sa loob ng steppe na Pontic Caspian at nagpaunlad ng relihiyon na nakapokus sa ideolohiya ng paghahandog. Ito ay nakaimpluwensiya sa mga inapo ng kulturang Indo-Europa sa buong Europa at sa subkontinenteng Indiyano. Noong mga 3750 BCE, ang mga taong Proto-Semitiko ay lumitaw na may pangkalahatang tinatanggap na urheimat sa peninsulang Arabyano. Ang mga Proto-Semitiko ay lumipat sa buong Malapit na Silangan tungo sa Mesopotamia, Ehipto, Ethiopia at silanganing Meditareneo. Ang relihiyon ng mga Proto-Semitiko ang nakaimpluwensiya sa mga inapo nitong kultura at pananampalataya kabilang ang mga kalaunang umunlad na Abrahamikong relihiyon (Hudaismo, Kristiyanismo at Islam). Noong mga 3000 BCE, ang Sumerian Cuneiform ay lumitaw mula sa proto-literadong panahong Uruk na pumayag sa kodipikasyon ng mga paniniwala at paglikha ng detalyadong mga record na relihiyoso. Ang mga organisadong relihiyon ay pinaniniwalaang lumitaw bilang paraan ng pagbibigay ng katatagang panlipunan at pang ekonomika sa malalaking populasyon sa pamamagitan ng sumusunod:
- Ang organisadong relihiyon ay nagsisilbi upang pangatwiranan ang isang sentral na autoridad na nag-aangkin naman ng karapatan na kumolekta ng mga buwis kapalit ng pagbibigay ng mga serbisyong panlipunan at seguridad sa estado. Ang mga imperyo ng Sinaunang Ehipto at Mesopotamia ay mga teokrasya na may mga pinuno, hari at emperador na gumagampan ng dalawang mga papel na mga pinunong pampolitika at espiritwal.[14] Ang halos lahat ng mga lipunang estado at mga nasasakupan ng pinuno sa buong mundo ay may parehong mga istrukturang pampolitika kung saan ang autoridad na pampolitika ay pinangangatwiranan ng isang sanksiyon ng diyos.
- Ang organisadong relihiyon ay lumitaw bilang paraan ng pagpapanatili ng kapayapaan sa pagitan ng mga hindi magkakaugnay o magkakamag-anak na indibidwal. Ito ay pinaniniwalaang nagbubuklod sa pagitan ng mga hindi magkaugnay na indibidwal na kung wala nito ay mas malamang na magkakaroon ng awayan. Ikinatwiran na ang pangunahing sanhi ng kamatayan sa mga lipunang mangangaso ay pagpatay.[15]
Mga relihiyon
Mga Sinaunang relihiyon
Ang mga sinaunang relihiyon ay maaaring tumukoy sa mga sumusunod:
- Ang Prehistorikong relihiyon na isang pangkalahatang termino na tumutukoy sa mga paniniwalang relihiyoso at kasanayan ng mga taong prehistoriko. Ito ay sumasaklaw sa relihiyon ng mga panahong Gitnang Paleolitiko (300,000 hanggang 50,000 taong nakakalipas), Mesolitiko, Neolitiko.
- Relihiyon ng Gitnang Paleolitiko:
- Ang ilang pinakamaagang ebidensiya ng mga kasanayang relihiyon ay mula sa panahong ito. Ang intensiyonal na libingan na may mga isinamang bagay ang pinakamaagang matutukoy na anyo ng pagsasanay relihiyon. Ito ay nagpapakita ng "isang pagkabahala para sa namatay na lumalagpas sa pang-araw araw na buhay."[16] Bagaman tinutulan ng ilan, ang ebidensiya ay nagmumungkahing ang mga Neanderthal ang unang mga hominid na intensiyonal na naglibing ng kanilang mga namatay sa mga mabababaw na libingan kasama ng mga kasangkapang bato at mga buto ng hayop.[17] Ang ilang mga arkeologo ay nagmungkahi na ang mga lipunan ng Gitnang Paleolitiko gaya ng mga Neanderhtal ay maaaring nagsanay ng pinakamaagang anyo ng totemismo o pagsamba ng hayop bukod sa kanilang paglilibing ng mga namatay. Iminungkahi ni Emil Bächler ang ebidensiyang arkeolohikal na ang isang malawakang kulto ng oso ng mga Neanderthal ay umiral noong Gitnang Paleolitiko.[18]
- Ang mga kasanayan ng Shamanismo ay maaaring nagmula noong panahong Paleolitiko na nauna sa lahat ng mga organisadong relihiyon,[19][20] at tiyak noong panahong Neolitiko.[20] Ayon sa mga antropologo, ang shamanismo ay nabuo bilang isang kasanayan ng mahika upang masiguro ang isang matagumpay na pangangaso o pagtitipon ng pagkain. Ang ebidensiya sa mga kweba at mga guhit sa mga dingding ng kweba ay nagpapakita na ang shamanismo ay nagsimula noong panahong Paleolitiko. Ang isang larawan ay nagpapakita ng isang kalahating hayop na may mukha at mga hita ng isang tao at may mga antler at buntot ng isang stag.[21]
- Relihiyon ng Gitnang Paleolitiko:
- Mga relihiyon ng Panahong Tanso (3300 BCE hanggang 1200 BCE) at Panahong Bakal (mula 1200 BCE) na kinabibilangan ng mga sumusunod::
- Mga relihiyon ng Sinaunang Malapit na Silangan na sinanay sa Sinaunang Malapit na Silangan. Ang pinakamaagang sanggunian ng mga relihiyong ito ay mula 2500 BCE na pumapayag na masulyapan ang mga mitolohiyang Mesopotamian at Ehipsiyo. Ang mga sinaunang kabihasnan sa Sinaunang Malapit na Silangan ay malalim na naimpluwensiyahan ng kanilang mga paniniwalang espiritwal.[22] Sila ay naniniwala na ang aksiyon ng diyos ay umiimpluwensiya sa lahat ng mga pangdaigdigang bagay. Sila ay naniniwala rin sa dibinasyon o kakayahan na manghula ng hinaharap.[22] Ang mga omen ay kadalasang isinusulat sa sinaunang Ehipto at Mesopotamia.[22] May mga malawak na kasanayan ang mga relihiyon sa Sinaunang Malapit na Silangan na karaniwang pinagsasaluhan: Mga Puripikasyon at mga ritwal ng paglilinis, mga templo, mga pista, mga batas na moral o legal, mga saserdote o pari, mga himno at panalangin, mga propesiya at mga propeta, kabilang buhay, mga diyos, anghel/espirito at demonyo at mga multo, mga nagagalit na diyos, mga mito ng paglikha at mga manlilikhang diyos/diyosa, mga paghahandog (handog na hayop at halaman, mga libasyon), politeismo ngunit ang ilan gaya ng Ehipto ay henoteistiko (pagsamba sa iisang diyos ngunit tumatanggap sa pag-iral ng ibang mga diyos) o monolatrista gaya ng Mardukite. Ang Israel sa simula ay politeistiko ngunit tumungo sa monolatrismo (pagsamba sa isang diyos ngunit kumikilala sa pag-iral ng ibang mga diyos) at kalaunan ay naging monoteistiko pagkatapos ng ika-6 siglo BCE, teokrasya, dibinasyon (dibinasyon sa pamamagitan ng mga panaginip, dibinasyon sa pamamagitan ng palabunutan) at iba pa. Ang mga relihiyon ng Sinaunang Malapit na Silangan ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
- Relihiyong Assyro-Babilonian
- Relihiyong Sumerian
- Mitolohiyang Mesopotamian
- Relihiyon ng Elam
- Relihiyon ng Sinaunang Ehipto
- Relihiyong Cananeo na mga relihiyon sa Levant gaya ng Ugarit
- Mitolohiyang Hittite, Mitolohiyang Hurrian
- Urartu
- Relihiyong Minoan Mesopotamia
- Relihiyon ng mga Israelita
- Relihiyon ng Sinaunang Roma
- Relihiyon ng Sinaunang Gresya
- Vedismo ng India.
- Panahong Axial
- Mga relihiyon ng Sinaunang Malapit na Silangan na sinanay sa Sinaunang Malapit na Silangan. Ang pinakamaagang sanggunian ng mga relihiyong ito ay mula 2500 BCE na pumapayag na masulyapan ang mga mitolohiyang Mesopotamian at Ehipsiyo. Ang mga sinaunang kabihasnan sa Sinaunang Malapit na Silangan ay malalim na naimpluwensiyahan ng kanilang mga paniniwalang espiritwal.[22] Sila ay naniniwala na ang aksiyon ng diyos ay umiimpluwensiya sa lahat ng mga pangdaigdigang bagay. Sila ay naniniwala rin sa dibinasyon o kakayahan na manghula ng hinaharap.[22] Ang mga omen ay kadalasang isinusulat sa sinaunang Ehipto at Mesopotamia.[22] May mga malawak na kasanayan ang mga relihiyon sa Sinaunang Malapit na Silangan na karaniwang pinagsasaluhan: Mga Puripikasyon at mga ritwal ng paglilinis, mga templo, mga pista, mga batas na moral o legal, mga saserdote o pari, mga himno at panalangin, mga propesiya at mga propeta, kabilang buhay, mga diyos, anghel/espirito at demonyo at mga multo, mga nagagalit na diyos, mga mito ng paglikha at mga manlilikhang diyos/diyosa, mga paghahandog (handog na hayop at halaman, mga libasyon), politeismo ngunit ang ilan gaya ng Ehipto ay henoteistiko (pagsamba sa iisang diyos ngunit tumatanggap sa pag-iral ng ibang mga diyos) o monolatrista gaya ng Mardukite. Ang Israel sa simula ay politeistiko ngunit tumungo sa monolatrismo (pagsamba sa isang diyos ngunit kumikilala sa pag-iral ng ibang mga diyos) at kalaunan ay naging monoteistiko pagkatapos ng ika-6 siglo BCE, teokrasya, dibinasyon (dibinasyon sa pamamagitan ng mga panaginip, dibinasyon sa pamamagitan ng palabunutan) at iba pa. Ang mga relihiyon ng Sinaunang Malapit na Silangan ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
Mga Relihiyong Abrahamiko
Ang mga Mga Relihiyong Abrahamiko ang mga relihiyon na nag-aangkin ng karaniwang pinagmulan kay Abraham.[23] o kumikilala sa tradisyong pang-espiritwal na nauugnay sa kanya.[24][25][26]
- Ang Hudaismo ang relihiyon na nagmula sa bansang Israel na pinaniwalaang lumitaw noong Panahong Bakal (ca. 1200 BCE). Ang mga Israelita ay inaangking ang mga inapo ni Jacob (na pinangalanang Israel) na anak ni Isaac na anak naman ni Abraham. Ang mga inapo ng mga patriarkang ito na mga Israelita ay itinuturing na bansang hinirang ng diyos na si YHWH. Ang mga Israelita ay nakipagtipan kay YHWH na siya ang kanilang magiging diyos at ang Israel ang kanyang magiging bayan. Ang kasalukuyang nanaig na Hudaismo mula pa noong ika-6 siglo CE ang Rabinikong Hudaismo. Hindi tinatanggap ng mga Hudyo ang Bibliya ng mga Kristiyano (Bagong Tipan) at hindi sila naniniwalang si Hesus ang mesiyas.
- Ang Kristyanismo ang relihiyong batay sa mga katuruan ni Hesukristo na pinaniwalaang umiral noong unang siglo CE. Siya ay pinaniniwalan rin ng mga Kristiyano na tagapagligtas at ang mesiyas na inaasahan ng mga Hudyo. Si Hesus ay pinaniwalaan ring inapo ni Abraham. Ang Kristiyanismo ay nahahati sa pangunahing tatlo mga sekta; Katolisismo, Silangang Kristiyanismo (na kinabibilangan ng Silangang Ortodokso, Oriental na Ortodokso, Simbahan ng Silangan) at Protestantismo na humiwalay sa Romano Katolisismo noong ika-16 na siglo. Ang mga sektang ito na nahahati pa sa iba't ibang mga sekta. Marami ring mga sekta ng Kristiyanismo na kamakailan lang lumitaw gaya ng Mormonismo, mga Adbentista (Sabadista), Jehovah's Witnesses, mga Baptist, mga Ebanghelikal, mga karismatiko at marami pang iba.
- Ang Islam ang relihiyon na itinatag ng Muslim na Propeta na si Muhammad noong ika-7 siglo CE. Ang anak ni Abraham sa labas na si Ismael ay pininiwalaang propeta sa Islam at ninuno ni Muhammad. Ang Islam ay dominante sa Hilagang Aprika, Timog Asya at Gitnang Silangan. Katulad ng Kristyanismo ang Islam ay nahahati pa sa mga pangunahing sektang Shia at Sunni na nahahati pa sa iba't ibang mga sekta. Ang mga Muslim ay naniniwala sa mga propeta ng Bibliya kabilang si Hesus ngunit hindi tinatanggap ang kasalukuyang bibliya ng mga Hudyo at Kristiyano sa paniniwalang ang mga ito ay naglalaman ng korupsiyon.
- Pananampalatayang Bahá'í ay isang relihiyon na tinatanggap ang lahat ng mga propeta galing sa Hudaismo, Kristyanismo at Islam, at mayroong rin mga dinagdag na mga propeta katulad ng kanilang tagapagtatag Bahá'u'lláh.
- Mayroong mga maliliit na mga grupo nasa ilalim ng relihiyong Abrahamiko katulad ng Druze, Rastafari, Mandaeismo, atbp.
Mga relihiyong Indiyano
Ang Mga Relihiyong Indiyano ay sinimulan o sinasanay sa subkontinente ng Indiya.
- Ang Vedismo ang relihiyon ng mga sinaunang Indiyano sa panahong Vedic (1500 BCE hanggang 500 BCE[27])na nagsasalita ng maagang Lumang mga dialektong Indiko na nagmula sa wikang Proto-Indo-Europeo. Ito ang historikal na predesesor ng Hinduismo. Ang liturhiya ay naingatan sa tatlong mga Vedic Samhitas: the Rigveda, Sama-Veda at Yajur-Veda. Sa mga ito, ang Rigveda ang pinakamatanda na isang kalipunan ng mga himno na may petsang 1700 BCE hanggang 1100 BCE at posibleng may petsang mula pa noong 4000 BCE.[28]
- Ang Hinduismo ay isang synecdoche na naglalarawan ng mga magkakatulad na pilosopiya ng Vaishnavismo, Shaivismo at mga kaugnay na pangkat na sinanay o itinatag sa subkontinenteng Indiyano. Ang mga konseptong karaniwang pinagsasaluhan ng mga ito ay kinabibilangan ng karma, caste, reinkarnasyon, mantras, yantras at darśana. Ang Hinduismo ang pinakamatandang aktibo pa ring relihiyon sa kasalukuyan. Ang Hinduismo ay hindi isang monolitikong relihiyon ngunit isang kategoryang relihiyoso na naglalaman ng mga dose dosenang magkakahiwalay na mga pilosopiya ng pinagsama bilang Sanātana Dharma na pangalan na ang Hinduismo ay kilala sa buong kasaysayan ng mga tagasunod nito.
- Ang Hainismo na pangunahing itinuro ni Parsva (ika-9 na siglo BCE) at Mahavira (ika-6 siglo BCE) ay isang sinaunang relihiyon ng Indiya na nag-aatas ng isang landas na hindi marahas para sa lahat ng mga anyo ng nabubuhay na nilalang sa mundong ito. Ang mga Hain ay pangunahing matatagpuan sa Indiya.
- Ang Budismo ay itinatag ni Siddharta Gautama noong ika-6 siglo BCE. Ang mga buddhist ay naniniwala na si Gautama ay naglayon na tulungan ang mga may kamalayang nilalang na wakasan ang kanilang pagdurusa (dukkha) sa pamamagitan ng pag-unawa sa tunay na kalikasan ng phenomena at sa gayon ay tumatakas sa siklo ng pagdurusa at muling kapanganakan (saṃsāra) na pagtatamo ng Nirvana. Ang dalawang kilalang bagong mga sektang Budismo ang Hòa Hảo at ang Dalit na Budismo na hiwalay na umunlad noong ika-20 siglo.
- Ang Theravada Budismo na pangunahing sinasanay sa Sri Lanka at Timog Silangang Asya ay nagsasalo ng ilang mga katangian ng mga relihiyong Indiyano. Ito ay batay sa isang malaking kalipunan ng mga tekstong tinatawag na Kanon na Pali.
- Ang Mahayana Budismo (o ang Dakilang Sasakyan) ay nagsimula sa pagpapaunlad nito sa Tsina at sinasanay pa rin sa Vietnam, Korea, Hapon, Europa at Estados Unidos. ito ay kinabibilangan ng mga hindi magkakatulad na katuruan gaya ng Zen, Dalisay na Lupain at Soka Gakkai.
- Ang Vajrayana Budismo ay unang lumitaw sa Indiya noong ika-3 siglo CE. Ito ay sinasanay sa mga rehiyong Himalaya at sa buong Asya.
- Ang Sikhismo ay isang relihiyon na itinatag batay sa mga katuruan ni Guru Nanak at 10 mga sunod sunod na Gurung Sikh noong ika-15 siglo sa Punjab. Ang karamihan nito ay matatagpuan sa Indiya.
Mga relihiyong Iraniano
Ang mga relihiyong Iraniano o relihiyong Irani ang mga sinaunang relihiyon na ang mga ugat ay nauna sa Islamisasyon ng Iran. Sa kasalukuyan, ang mga relihiyong ito ay sinasanay lamang ng mga minoridad.
- Ang Zoroastrianismo ay isang relihiyon at pilosopiya na batay sa mga katuruan ng propetang si Zoroaster noong ikaanim na siglo BCE. Ang mga Zoroastrian ay sumasamba sa manlilikhang si Ahura Mazda. Sa Zoroastrianismo, ang kabutihan at kasamaan ay may mga natatanging pinagmulan. Ang masama ay sumusubok na wasakin ang nilikha ni Ahura Mazda at ang kabutihan ay sumusubok na panatilihin ito. Ang relihiyong ito ay pinaniniwalaan ng mga skolar na may malaking impluwensiya sa mga mga paniniwala sa Hudaismo.
- Ang Mandaeismo ay isang monoteistikong relihiyon na may malakas na pananaw ng daigdig na dualistiko. Ang mga Mandean ay minsang tinatawag na mga Huling Gnostiko.
- Ang mga relihiyong Kurdish ay kinabibilangan ng mga tradisyonal na paniniwala ng Yazidi, Alevi, at Ahl-e Haqq. Ang mga ito ay minsang tinatawag na Yazdânismo.
Mga relihiyong katutubo
Ang Relihiyong katutubo ay tumutukoy sa hindi mas organisadong mga pagsasanay ng mga katutubo. Ito ay tinatawag ring paganismo, shaminismo, animismo, pagsamba ng ninuno, relihiyong pang-aina o totemismo. Ang kategoryang relihiyong katutubo ay pangkalahatang kinabibilangan ng anumang relihiyon na hindi bahagi ng isang organisasyon. Ang mga modernong neopagano ay humahango mula sa relihiyong katutubo para sa inspirasyon.
- Ang Aprikanong tradisyonal na relihiyon ay isang kategorya na kinabibilangan ng anumang uri ng relihiyon na sinanay sa Aprika bago ang pagdating Islam at Kristiyanismo gaya ng relihiyong Yoruba o relihiyong San. Maraming mga iba't ibang relihiyon na pinaunlad ng mga Aprikano sa Amerika na hinango sa mga paniniwalang Aprikano kabilang Santería, Candomblé, Umbanda, Vodou, at Oyotunji.
- Ang mga relihiyong katutubo ng mga Amerika ay kinabibilangan ng relihiyon ng Aztec, relihiyon ng Inca, relihiyon ng Maya, at mga modernong paniniwalang Katoliko gay ang Birhen ng Guadalupe. Ang relihiyon ng katutubong Amerikano ay sinasanay sa buong kontinente ng Hilagang Amerika.
- Ang kulturang Aborihinal na Australya ay naglalaman ng isang mitolohiya at mga sagradong kasanayan na katangian ng relihiyong katutubo.
- Ang relihiyong katutubo ng Tsinana sinasanay ng mga Tsino sa buong mundo ay pangunahing isang panlipunang pagsasanay kabilang ang mga popular na elemento ng Confucianismo at Taoismo na may ilang mga labi ng Mahayana Budismo. Ang karamihan ng mga Tsino ay hindi kumikilala sa mga sarili nito bilang reliyoso sanahi ng malakas na impluwensiyang Maoista ngunit ang pagsunod sa mga seremonyang relihiyoso ay nananatiling karaniwang. Ang mga bagong kilusang ito ay kinabibilangan ng Falun Gong at I-Kuan Tao.
- Ang tradisyonal na relihiyong Koreano ay sinkretikong pagsasama ng Mahayana Budismo at shamanismong Koreano. Hindi tulad ng Shinto ng Hapon, ang shamanismo ng Korea ay hindi kailanman isinabatas at ang Budismo ay hindi kailanman ginawang pangangailangang panlipunan.
- Ang tradisyonal na relihiyong Hapones ay pagsasama ng Mahayana Budismo at sinaunang katutubong mga kasanayan na isinabatas bilang Shinto noong ika-19 siglo. Ang mga Hapones ay nagpanatili ng kaugnayan sa parehong Budismo at Shinto sa pamamagitan ng mga seremonyang panlipunan ngunit ang kawalang relihiyon ay karaniwan sa bansang Hapon. Ang pananampalatayang ito'y naniniwala sa Kami, mga spiritong naninirihan sa mundo.
- Ang katutubong relihiyon sa Pilipinas ang animismo na sinanay bago ang pagdating ng mga Kastila. Ito ay kalipunan ng mga paniniwala gaya ng paniniwala sa mga espirito, mga diwata at iba pa. Kabilang sa mga sinasambang diyos ay sina Bathala, Adlaw, Mayari, Tala, Kan-Laon at iba pa. Ang iba ay nagsasanay ng pagsamba sa mga ninuno o mga anito. Ang paniniwalang mga katutubo sa Pilipinas na pinaniniwalaan pa rin ng ilan hanggang sa kasalukuyan ay kinabibilangan ng paniniwala sa mga pamahiin, mangkukulam, mambabarang, aswang, dwende at iba pa.
Mga kilusang bagong relihiyoso
Ang mga kilusang bagong relihiyoso ay kinabibilangan ng:
- Ang Shinshūkyō ay isang pangkalahatang kategorya para sa isang malawak na iba ibang mga kilusang relihiyoso na itinatag sa Hapon simula ika-19 siglo. Ang pinakamalaking mga kilusang ito na nakasentro sa Hapon ang Soka Gakkai, Tenrikyo, at Seicho-No-Ie.
- Ang Cao Đài ay isang sinkretistikong monoteistikong relihiyon na itinatag sa Vietnam noong 1926.
- Ang mga repormang kilusang Hindu na mga bagong kilusang sa Indiya ay kinabibilangan ng Ayyavazhi, Swaminarayan at Ananda Marga.
- Ang Unitarianong Unibersalismo ay isang relihiyon na inilalarawa ng pagsuporta sa isang malaya at responsableng paghahanap ng katotohanan at kahulugan ngunit walang tinatanggap na kredo o teolohiya.
- Ang Scientology ay nagtuturo na ang mga tao ay mga nilalang na imortal na nakalimutan ang kanilang tunay na kalikasan. Ang paraan ng rehabilitasyong espiritwal nito ay isang uri ng pagpapayo na kilala bilang auditing kung saan ang mga nagsasanay nito ay naglalayon na may kamalayang muling maranasan ang mga masasakit o traumatikong pangyayari sa kanilang mga nakaraan upang palayain ang kanilang mga sarili sa mga naglilimitang epekto nito.
- Ang Eckankar ay isang relihiyong panteistiko na ang layunin ay lumikha ng diyos sa pang-araw araw na realidad ng buhay ng isang tao.
- Ang Wicca ay isang relihiyong neopagano na unang pinasikat noong 1954 nang British na si Gerald Gardner na kinasasangkutan ng pagsamba ng diyos at diyosa.
- Ang Druidry ay isang relihiyon na nagtataguyod ng pagtataguyod ng harmoniya sa kalikasan na humahango sa mga pagsasanay ng mga druid.
- Ang mga relihiyong UFO ang mga kilusang relihiyoso na naniniwalang ang buhay ng tao ay nauugnay sa mga alien. Ang halimbawa nito ang Raëlism at Lipunang Aetherius.
- Ang Satanismo ay isang malawak na kategorya ng mga relihiyon na sumasamba kay Satanas bilang diyos (teistikong Satanismo) o gumagamit kay Satanas bilang simbolo ng karnalidad at mga kahalagahang panglupa (Satanismong LaVeyan).
Ang mga sosyolohikal na klasipikasyon ng mga kilusang relihiyon ay nagmumungkahi na sa loob ng anumang ibinigay na pangkat relihiyoso, ang isang pamayanan ay maaaring kamukha ng iba't ibang mga uri ng istruktura kabilang ang "mga simbahan", "mga denominasyon", "mga sekta", "mga kulto" at "mga institusyon".
Mga isyu
Relihiyon at ekonomika
Ayon sa mga pagsasaliksik, may pangkalahatang negatibong kaugnayan sa pagitan ng pagiging relihiyoso ng mga mamamayan nito at ang kayamanan ng bansa. Sa ibang salita, ang isang mas mayamang bansa ay mas hindi relihiyoso.[29] Ayon sa isang pag-aaral, ang "mga antas ng pagiging relihiyoso at kreasyonismo ay bumabagsak habang ang mga lebel ng sahod ay tumataas..."[30]
Relihiyon at katalinuhan
Ang iba't ibang mga pag-aaral ay nagmungkahi na ang pag-iisip batay sa intuisyon at pangangatwirang induktibo ay tumataas sa pagkakaroon ng paniniwalang relihiyon at mas konserbatibong mga paniniwala. Ang mga taong hindi relihiyoso ay gumagamit ng pag-iisip na analitikal at pangangatwirang deduktibo.[31] Ang ideya na ang pag-iisip na analitikal ay gumawa sa isang tao na mas hindi relihiyoso ay sinusuportahan ng mga naunang pag-aaral sa isyung ito [31][32] Noong 2008, sinuri ni Helmuth Nyborg kung ang IQ ay nauugnay sa relihiyon at sahod gamit ang data mula sa National Longitudinal Study of Youth. Ang mga resulta ay nagpapakita na ang mga ateista ay nakaiskor ng aberahe na 1.95 mga punto ng IQ[33] na mas mataas sa mga agnostiko at 5.8 mga punto ng IQ kesa sa mga dogmatiko (relihiyoso).[34]
Sa isang pag-aaral nina Nyborg at Richard Lynn, ang relihiyosong paniniwala at ang aberahe na pambansang IQ ng 137 mga bansa ay kinumpara.[35][36] Sa mga sample ng 137 bansa, ang tanging 23 (17%) sa mga bansang ito ay may higit sa 20% mga ateista na bumubuo ng "halos lahat ng mga bansa na may mataas na IQ".[35][36] Ang paniniwala sa diyos ay mas mababa sa mga akademiko kesa sa pangkalahatang populasyon dahil ang mga skolar ay may mas mataas na IQ.[37] Ang ilang mga pag-aaral ng gallup poll ay nagpapakitang ang mga taong may mas mataas na IQ ay mas malamang na hindi maniwala sa diyos.[38] Ang isang pag-aaral na inilimbag sa Social Psychology Quarterly noong Marso 2010[39] ay nagsasaad na "ang ateismo ay nuugnay sa mas mataas na katalinuhan".[40]
Relihiyon at krimen
Ang ilang mga pag-aaral ay nagpapakita na ang mas mababang mga lebel ng pagiging relihiyoso sa isang lipunan ay nauugnay sa mas mababang mga rate ng krimen lalo na ang mga marahas na krimen. Ayon sa 2008 aklat ni Phil Zuckerman na Society without God, ang Denmark at Sweden "na malamang na pinakahindi relihiyosong mga bansa sa mundo at posibleng sa buong kasaysayan ng mundo ay may pinakamababang mga rate ng mga marahas na krimen at ang pinakamababang mga lebel ng korupsiyon sa buong mundo".[41][a] Ang 2005 pag-aaral ni Gregory Paul ay nagsaad na "Sa pangkalahatan, ang mas mataas na rate ng paniniwala sa isang manlilikha ay nauugnay sa mas mataas na mga rate ng homisidyo (pagpatay), mortalidad ng bata at simulang matanda, rate ng impeksiyon ng STD, pagkabuntis ng mga tinedyer at aborsiyon sa mga masaganang demokrasiyang bansa". Isinaad rin dito na "sa lahat ng mga sekular na umuunlad na bansa, ang mga tumagal na mga siglong trend ay nakakita ng mga rate ng homisidyo sa mga mababang historikal maliban sa Estados Unidos at Portugal.[42][b] Noong 26 Abril 2012 ang resulta ng isang pag-aaral ay nagsasaad na ang mga hindi relihiyosong tao ay may mas mataas na mga score ng mga sentimentong pro-panlipunan na pagpapakita na ang mga ito ay mas malamang na maging mapagbigay sa mga walang pinipiling akto ng kabutihan gaya ng pagpapahiram ng mga pag-aari nito at pag-aalay ng isang upuan sa isang punong bus o tren. Ang mga taong relihiyoso ay may mas mababang mga score pagdating sa kung gaanong pagkahabag ang nagtulak sa mga ito na maging matulungin sa ibang mga paraan gaya ng pagbibigay ng salapi o pagkain sa isang walang tirahang tao o sa mga hindi mananampalataya sa diyos.[43][44] Sa isang meta analisis ng mga pag-aaral sa relihiyon at krimen, isinaad na "ang mga pag-aasal na relihyoso at paniniwala ay nagdudulot ng katamtamang pagpipigil na epekto sa pag-aasal na kriminal ng mga indibidwal".[45]
Relihiyon at karahasan
Ang panatisismong relihiyoso ang panatisismong nauugnay sa debosyon at kasigasigan ng isang indibidwal o isang sekta sa kanilang relihiyon. Ang karahasang relihiyoso ay isinasagawa ng mga panatikong tagasunod ng isang relihiyon upang makamit ang mga layuning pampolitika, pwersahin ang kanilang relihiyon sa ibang mga tao, ipagtanggol ang kanilang relihiyon laban sa mga kaaway o dahil sa paniniwalang ang karahasan ay kalooban at inutos ng diyos.[46][47][48] Kabilang sa mga karahasang ito ang mga henosidyong inutos ng diyos sa bibliya, pagpatay sa mga pinaniniwalaang manggagaway o nasasapian ng demonyo,[49] mga ritwal na karahasan gaya ng pagpatay at paghahandog ng mga tao sa (mga) diyos, pag-uusig at pagpatay sa mga heretiko sa inkisisyong Katoliko, mga banal na digmaan gaya ng mga krusada,[50][51][52] antisemitismo ni Martin Luther, terorismong Islamiko at iba pa.
Mga kritisismo
Ang mga kritisismo sa relihiyon ay may matagal na kasaysayan simula pa noongika-5 siglo BCE. Sa mga panahong klasiko, ang mga kritiko ng relihiyon sa Sinaunang Gresya ay kinabibilangan nina Diagoras ng Melos at noong unang siglo BCE ay ni Titus Lucretius Carus sa kanyang De Rerum Natura. Noong Gitnang Panahon, ang mga potensiyal na kritiko ng relihiyon ay inusig at pinwersang manahimik. Ang isang kilalang kritiko ng relihiyon na si Giordano Bruno ay ipinasunog dahil sa pagtutol sa autoridad na relihiyoso. Noong Panahon ng Kaliwanagan noong ika-17 at ika-18 siglo, ang mga kritiko ng relihiyon ay kinabibilangan nina David Hume at Voltaire. Noong ika-19 at simulang ika-20 siglo, ang kritiko ay kinabibilangan nina Thomas Huxley, Jeremy Bentham, Karl Marx, Charles Bradlaugh, Robert Ingersol, at Mark Twain. Sa ika-20 siglo, ang pagbatikos ng relihiyon ay ipinagpatuloy nina Bertrand Russell, Siegmund Freud, at iba pa. Sa kasalukuyang panahon, ang mga kilalang kritiko ng relihiyon ay kinabibilangan nina Sam Harris, Richard Dawkins, Victor J. Stenger at si Christopher Hitchens. Ang kritisismo ng mga relihiyon ay nagpapatuloy pa rin hanggang sa kasalukuyan at ito ay isinagawa sa internet. Ang relihiyon ay binabatikos ng mga kritiko dahil sa sumusunod: ito ay luma na at hindi na mahalaga sa modernong panahon, ito ay mapanganib sa mga tao gaya ng brainwashing ng mga bata at matanda, ito mapanganib sa lipunan gaya ng mga banal na digmaan at terorismo at pagpapatiwakal ng mga kulto, ito ay humihikayat ng diskriminasyon sa mga hindi kapananampalataya ng relihiyon, ito ay humihikayat sa pagkakaron ng mga hindi makatwiran at mga hindi siyentipikong paniniwala gaya ng paniniwala sa mga faith healer, ito ay paraan ng pagpapayaman at pagkakaroon ng kapangyarihan ng mga pinuno at tagapagtatag ng relihiyon, ito ay sumusupil sa pagsulong ng agham (kung ang agham ay sumasalungat sa paniniwala ng relihiyon), at marami pang iba. Ang relihiyon ay itinuturing ng mga kritiko na: opium ng masa, delusyon, lason, sakit sa pag-iisip, virus ng isipan, pagkontrol ng isipan, batay sa takot ng misteryoso, pagkatalo at kamatayan, isang saklay para sa mga taong may mahinang pag-iisip na nangangailangan ng lakas sa mga bilang, katamaran ng pag-iisip, batay sa kamangmangan at laban sa malayang pagsisiyasat, at iba pa.
Mga karanasang relihiyoso
Ayon sa mga siyentipikong pagsasaliksik, ang mga ilang anyo ng tumor o epilepsiya sa temporal lobe ay nauugnay sa sukdulang pagiging relihiyoso at ang mga tagapagtatag ng mga relihiyon ay pinaniniwalaang posibleng dumanas nito.[53] Ang ilang mga substansiya na tinatawag na entheogen ay pumupukaw sa mga karanasang espiritwal at mistikal.[54] Mayroon ring mga pag-aaral sa phenomenon ng mistisismo at ang mga kaugnayan sa pagitan ng mga aspeto ng mga karanasan ng isang mistiko at sa mga kaugnayan sa mga karanasan pang-aabuso sa kabataan nito.[55][56][57] Ang isang karaniwang ulat mula sa mga indibidwal na may schizophrenia ay pagkakaroon ng isang uri ng delusyong relihiyoso na kinabibilangan ng paniniwalang sila ay mga diyos o mesiyas, ang diyos ay nakikipag-usap sa kanila, sila ay nasasapian ng demonyo at iba pa.[58][59][60] Sa isang pag-aaral ng mga pasyenteng may schizophrenia na nakaraang ipinasok sa hospital, ang 24% ay mayroong mga delusyong relihiyoso.[61] Naipakita ng pag-aaral na ang mga indibidwal na may schizophrenia na dumaranas ng mga delusyong relihiyoso ay mas relihiyoso kesa sa mga hindi dumaranas ng mga delusyong ito.[62] Naipakita rin ng pag-aaral na ang mga dumaranas ng mga delusyong relihiyoso ay mas malamang na hindi magpatuloy sa pangmatagalang paggamot ng schizophrenia ng mga ito.[62] Ang mga halimbawa mula sa isang pag-aaral (Rudaleviciene et al 2008) sa Lithuania ng 295 pasyente ay nagpapakitang ang pinaka-karaniwang anyo ng delusyong relihiyoso sa mga babae ay ang pagiging santo at sa mga lalake ay pagiging diyos.[63] Ang delusyong relihiyoso ay natagpuan na malakas na nauugnay sa pagiging hindi matatag ng temporolimbic ng utak. (Ng 2007).[64]
Sikolohiya ng relihiyon
Ang mga siyentipiko ay naniniwalang ang mga tao ay nag-ebolob ng pagdeteta ng ahente bilang isang stratehiya ng pagpapatuloy. Sa mga sitwasyong hindi sigurado ng isang tao ang presensiya ng ahenteng intelihente gaya ng kaaway o predator, may kahalagahang pagpapatuloy sa pagpapalagay ng presensiya nito upang ang mga pag-iingat ay makuha. Halimbawa, kung ang isang tao ay nakakita ng isang bakas sa lupa na maaring bakas ng paa ng isang leon, mas mapapakinabangan na magkamali sa panig ng pag-iingat at magpalagay na ang leon ay umiiral. Ang mga siyentipiko ay naniniwalang ang paniniwala sa mga manlilikhang diyos ay isang resulta ng deteksiyon ng ahente.[65] Ang isang spandrel ay isang hindi-umaangkop na katangian na nabubuo bilang ikalawang epekto ng isang umaangkop na katangian. Ang katangiang sikolohikal ay "kung narinig mong naputol ang sanga sa gubat, ang isang may kamalayang pwersa ay malamang na nasa likod nito". Ang katangiang sikolohikal na ito ay pumigil sa primado na mapatay o makain bilang pagkain. Gayunpamn, ang katangiang ito ay maaaring manatili sa mga modernong tao, kaya ang mga ebolusyonaryong sikologo ay nagteoriya na "kahit pa ang pagkaputol ng sanga ay sinanhi ng hangin, ang mga modernong tao ay magagawi pa ring magturo ng tunog ng pagkaputol sa isang ahenteng may kamalayan; kanilang tinatawag ang ahenteng ito na isang diyos".[66]Iminungkahi ni Freud na ang mga malalaking utak ng mga tao na nagebolb sa ibang mga kadahilanan ay humantong sa kamalayan. Ang pasimula ng kamalayan ay pumwersa sa mga tao na makitungo sa konsepto ng kamatayang pansarili ng mga ito. Ang relihiyon ay maaaring isang solusyon sa problemang ito.[67]
Ang ilang mga mananaliksik ay nagmungkahi ng mga spesipikong prosesong sikolohikal na maaaring inangkop para sa relihiyon. Ang gayong mga mekanismo ay maaaring kinabibilangan ng kakayahan na maghinuha ng presensiya ng mga organismo na maaaring makapinsala (deteksiyon ng ahente), ang kakayahan na makatuklas ng mga nagsasanhing salaysay para sa mga pangyayari sa kalikasayan (etiolohiya) at kakayahan na makakilala na ang ibang mga tao ay may mga sariling pag-iisip na may mga sariling paniniwala, pagnanais at mga intensiyon (teoriya ng isip). Ang tatlong mga pag-aangkop na ito bukod pa sa iba ay pumapayag sa mga tao na makaisip ng mga may layuning ahente sa likod ng maraming mga oberserbasyon na hindi maipapaliwanag kung wala nito gaya halimbawa ng sa kidlat, kulog, paggalaw ng mga planeta at iba pa.[68]
Maraming mga teoriya ng relihiyon ay mga teoriya ng pagkakaisang panlipunan na nakakakita sa relihiyon bilang nag-ebolb upang palakasin ang pakikipagtulungan at pagkakaisa sa loob ng mga pangkat. Ang pagiging kasapi ng pangkat ay nagbibigay naman ng mga pakinabang na makakapagpalakas ng mga tsansa ng indibidwal na makapagpatuloy at makapagparami. Ang mga teoriyang ito ay maaaring makatulong na magpaliwanag ng mga masakit o mapanganib na kalikasan ng maraming mga ritwal na panrelihiyon. Ang teoriyang maggastos na paghuhudyat ay nagmumungkahing ang mga gayong ritwal ay maaaring magsilbi bilang pampubliko at mahirap na ipekeng mga hudyat na ang paglalaan ng sarili sa pangkat ay tapat. Dahil may malaking pakinabangan sa pagtatangkang dayain ang sistema o pagsasamantala sa mga pakinabang ng pamumuhay sa isang pangkat ng hindi kumukuha ng anumang mga posibleng paggugol, ang ritwal ay hindi isang simpleng bagay na hindi maseseryoso. Ang digmaan ay isang mabuting halimbawa ng isang gastos ng pamumuhay sa pangkat. Sina Richard Sosis, Howard C. Kress, at James S. Boster ay nagsagawa ng isang survey sa maraming mga kultura na nagpapakita na ang mga lalake sa mga lipunang nakikidigma ay sumasailalim sa sa mga pinakamagastos na mga ritwal.