Wikipedia:Patungkol
Ang Wikipedia ay isang ensiklopedya na may malayang nilalaman na magkasamang sinulat ng mga tagapag-ambag mula sa buong mundo. Isang itong wiki - ibig sabihin, maaaring makapag-edit ang kahit sino ng mga artikulo sa pamamagitan ng pagpindot sa Baguhin (biswal na pagpapatnugot) o Baguhin ang wikitext (klasikong pagpapatnugot).
Ang Wikipedia ay isang tatak at pagmamay-ari ng Wikimedia Foundation, Inc. o Pundasyong Wikimedia.
Sakop ng lisensiyang unported (walang hurisdiksyon, hal. bansa) na Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 (CC BY-SA) ang lahat ng mga teksto sa Wikipedia, pati na rin ang karamihan sa mga larawan at iba pang nilalaman. Pag-aari pa rin ng mga lumikha ang kanilang mga inambag, samantalang tinitiyak naman ng lisensiyang GFDL na malayang maipapamahagi at mailalabas ang mga nilalaman nito (pakitingnan ang Karapatang-ari at ang Mga Pagtatanggi para sa karagdagang impormasyon).
Tungkol sa Wikipediang Tagalog
Ang Wikipediang Tagalog ay ang edisyon ng Wikipedia sa wikang Tagalog. Sang-ayon sa ibang mga Wikipedista ng mga Tagalog at Ingles na Wikipedia, ang Wikipediang ito na rin ang kumakatawan sa wikang Filipino.[1][2][3] Bagaman orihinal na ginamit ang Baybayin noong sinaunang panahon bilang sistema ng pagsusulat ng Tagalog, sulating Latin lamang ang ginagamit ng edisyong ito dahil ito ang pinakamalaganap na alam ng nakakarami sa nagsasalita ng Tagalog. At kahit yaong marunong magsulat ng Baybayin sa ngayon ay marunong din naman na magbasa ng Tagalog na sinulat sa alpabetong Latin. Ang pangunahin layunin ng Wikipedia ay mapalaganap ang kaalaman sa lahat, at hindi ang pagpepreserba ng wika o sistema ng pagsusulat tulad Baybayin.
Kasaysayan
Sinimulan ang Tagalog Wikipedia, Ang Malayang Ensiklopedya, noong 1 Disyembre 2003. Sa kasalukuyan, mayroon na itong 47,515 mga artikulo.[4]. Naging ika-10,000 artikulo ang Bantayan, Cebu noong 20 Oktubre 2007, samantalang ang Pasko sa Pilipinas ang naging ika-15,000 noong 24 Disyembre 2007.[5] Naabot ang ika-16,000 artikulo nang malathala ang Pandaka pygmaea noong 11 Marso 2008.[6] Nakumpleto sa Betawiki (o Translatewiki.net) ang pagsasapook o lokalisasyon ng pagsasalinwika ng mga mensaheng pangsopwer ng Tagalog Wikipedia noong 6 Pebrero 2009.[7]
Estadistika
- 30 Hunyo 2008: Silindro - ika-17,000 artikulo[8]
- 5 Agosto 2008: Unang Aklat ng mga Macabeo - ika-18,000 artikulo[9]
- 2 Oktubre 2008: Heriyatriko - ika-19,000 artikulo[10]
- 1 Nobyembre 2008: Anak ng tao - ika-20,000 artikulo[11]
- 22 Marso 2010: Sky Girls - ika-25,000 artikulo[12]
- 20 Hulyo 2010: Charlottenburg-Wilmersdorf - ika-30,000 artikulo[13]
- 25 Oktubre 2010: 1714 Sy - ika-40,000 artikulo[14]
- 9 Nobyembre 2010: Ekonometriks - ika-45,000 artikulo[15]
- 15 Enero 2011: Yu-Gi-Oh! Zexal - ika-50,000 artikulo[16]
Dahil sa pagbura ng mga maiikling artikulo na nagsimula noong 2018, bumaba sa baba ng 45,000 ang bilang ng artikulo ayon noong Disyembre 2022.
Mga unang hakbang ng Tagalog Wikipedia
- Ang unang naikargang artikulo ay Wikipedia (maliban sa Unang Pahina), noong 25 Marso 2004.
- Noong maluwag pa ang pamantayan ng Tagalog Wikipedia, ang pinaka-unang Napiling Artikulo ay ang Livestrong wristband, ngunit napalitan ito ng artikulong Kimika (ayon sa nabagong pamantayan).[17] Ngunit napalitan din ang Kimika dahil sa isang proseso ng pagsusuri at pagbabalik-tanaw.[18]
- Gayundin, ang unang Napiling Larawan ay ang Image:Flutterbye.jpg para sa artikulong Paru-parong Viceroy, subalit napalitan ng Image:St Vitus stained glass.jpg na para sa artikulong Katedral ng San Vitus.[19]
- Ang tatlong unang artikulong pang-Alam Ba Ninyo? ay ang Web browser, Wikang Bulgaro at Pilipinas.[20]
- Naaprubahang may kundisyon ang Tagalog Wikinews (Wikibalita) noong 19 Disyembre 2007.[5]
- Nagkaroon ng seksiyong Sa Araw na Ito sa Unang Pahina noong 2 Abril 2008, ngunit pansamantalang itinago ito noong 3 Mayo 2008 dahil sa kakulangan ng taga-ambag sa bahaging ito.[21][22]
Tingnan din
Paanyaya
- Kawing sa aming paanyayang nalilimbag.
Ibang mga wika sa Pilipinas na may Wikipedia
Mga panlabas na kawing
Mga kawing patungo sa ibang mga edisyon ng Wikipedia sa ibang mga wika ng Pilipinas
- Bikol Wikipedia
- Cebuano Wikipedia
- Ilocano Wikipedia
- Kapampangan Wikipedia
- Pangasinan Wikipedia
- Waray-Waray Wikipedia
- Zamboangueño Wikipedia
Mga kawing sa iba pang mga Wikipedia na nasa ibang mga wika
Iba pang mga kaugnay na kawing
- Google Search Engine Filipino-language edition, kinuha noong: 23 Hunyo 2007
- Wikimedia Philippines (English)
- Wikimedia Philippines (Tagalog)
- Wikimedia Philippines (Chavacano/Zamboangueño)