Pumunta sa nilalaman

Atenas

23°43′41″E / 37.9842°N 23.7281°E / 37.9842; 23.7281
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Para sa diyosa, tingnan ang Athena.
Para sa ibang gamit, tingnan ang Athina (paglilinaw).
Atenas

Αθήνα
big city, largest city, metropolis, Free city, city-state
Eskudo de armas ng Atenas
Eskudo de armas
Map
Mga koordinado: 37°59′03″N 23°43′41″E / 37.9842°N 23.7281°E / 37.9842; 23.7281
Bansa Gresya
LokasyonAchaea
Palarong Olimpiko sa Tag-init ng 1896287 BCE (Huliyano); 404 BCE (Huliyano)
Itinatag7th milenyo BCE (Huliyano)
Ipinangalan kay (sa)Athena
Lawak
 • Kabuuan39 km2 (15 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2021)[1]
 • Kabuuan643,452
 • Kapal16,000/km2 (43,000/milya kuwadrado)
WikaWikang Griyego
Plaka ng sasakyanBK
Websaythttps://www.cityofathens.gr/

Ang Atenas (Griyego: Αθήνα, Athína; Ingles: Athens) ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng Gresya. Matatagpuan ito sa rehiyon ng Attica. Isa ang Atenas sa mga pinakamatandang lungsod sa buong mundo, na may naitalang kasaysayan sa loob ng humigit 3,000 taon. Ipinangalan ang lungsod sa dati nitong patron na si Athena noong kapanahunan ng Matandang Atenas.

Sa kasalukuyan, may populasyon ng 745,514 noong 2001 ang lungsod ng Atenas,[2] at 3.37 milyong katao sa kalakhan nito.[3] Bilang isang bantog at kosmopolitano na lungsod, ang Atenas ay nagiging sentral sa buhay pang-ekonomiya, pampananalapi, pang-industriya, pampolitika at kultural sa Gresya. Mabilis rin itong maging isang sentro ng negosyo sa Unyong Europeo.

Ang Atenas ay ang lugar na ginanapan ng pinakaunang Modernong Palarong Olimpiko noong 1896 at ang lungsod ay muling ginanapan sa ikalawang pagkakataon noong Palarong Olimpiko sa Tag-init ng 2004.

Noong unang panahon, isang malakas na lungsod-estado at bantog na sentro ng sining, kultura, edukasyon at lalo na sa pilosopiya ang Atenas. Bilang luklukan ng Akademiya ni Platon at ng Liseo ni Aristoteles,[4][5] naging lugar ng kapanganakan ang Atenas nina Socrates, Pericles, Sophocles at ibang mga importante at maka-impluwensiyang mga pilosopo, manunulat at politiko ng matandang daigdig. Kilala rin ang lungsod bilang duyan ng sibilisasyong Kanluranin at ng demokrasya[6][7] dahil sa impakto ng mga inambag nitong ideya at gawaing kultural at pampolitika noong ikalima at ika-apat na siglo BC sa ibang mga bahagi ng noong-kilalang kontinente ng Europa.[8]

Mga sanggunianbaguhin ang wikitext

Mga kawing panlabasbaguhin ang wikitext

Gresya Ang lathalaing ito na tungkol sa Gresya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

🔥 Top keywords: Main PageSpecial:SearchWikipedia:Featured picturesYasukeHarrison ButkerRobert FicoBridgertonCleopatraDeaths in 2024Joyce VincentXXXTentacionHank AdamsIt Ends with UsYouTubeNew Caledonia2024 Indian general electionHeeramandiDarren DutchyshenSlovakiaKingdom of the Planet of the ApesAttempted assassination of Robert FicoLawrence WongBaby ReindeerXXX: Return of Xander CageThelma HoustonFuriosa: A Mad Max SagaMegalopolis (film)Richard GaddKepler's SupernovaWicked (musical)Sunil ChhetriXXX (2002 film)Ashley MadisonAnya Taylor-JoyPlanet of the ApesNava MauYoung SheldonPortal:Current eventsX-Men '97