Pumunta sa nilalaman

Kagat ng aso

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kagat ng aso

Ang kagat ng aso (Ingles: dog bite, dog attack) ay ang kagat na dulot ng asong kalye o asong pagala-gala (askal). Ang kagat ng aso ay maaaring makasanhi ng rabies sa taong nakagat nito. Bukod sa aso, maaaring ring makapanghawa ng rabies ang mga pusa, mga paniki, at iba pang mga hayop.[2]

Mga dapat gawinbaguhin ang wikitext

Kabilang sa mga dapat gawin kapag nakagat ng aso ang mga sumusunod. Ang pangunahing gawain ay ang mabuting paglilinis ng sugat sa pamamagitan ng paghuhugas na gumagamit ng tubig at sabon. Pagdaka, dapat na bantayan at pagmatyagan ang asong kumagat sa tao, at isinasagawa ang pag-alam kung saan nagmula ang asong ito, at pati na ang pag-alam kung ang asong ito ay nagkaroon na dati ng bakuna laban sa rabies. Bukod sa paglilinis at paghuhugas ng sugat, ang taong nakagat ng aso ay dapat na patingnan sa manggagamot upang masuri ang sugat o kagat. Kapag ang asong nakakagat sa tao ay mayroong rabies, mayroon ito nang ganitong mga katangian o sintomas: ang aso ay wala sa sarili o parang nababaliw, na karaniwang napupuna sa loob ng 5 hanggang 10 mga araw.[2]

Mga lunasbaguhin ang wikitext

Kapag nakagat ng aso, karaniwang iniiniksiyunan ng bakunang panlaban sa tetano (antitetano) ang taong nakagat. Maaari ring bigyan ng bakuna sa rabies ang taong ito nang 3 hanggang 4 na mga ulit (isa sa araw ng pagkakagat, isa sa ikapitong araw matapos makagat, at sa ika-10 araw, at panghuli sa ika-14 na araw matapos na makagat) kapag ang asong nakakagat ay hindi nabigyan dati ng bakuna sa rabies (antirabies). Iminumungkahi ang pagpapabukang ito kahit na napakabihira ang pagkakaroon ng rabies matapos na makagat ng aso; subalit kung magkaroon ay tinatandaan ang estadistika na isa hanggang dalawa pa lamang ang gumagaling magmula sa rabies sa loob ng libu-libong mga nagkakarabies na tao.[2]

Pag-iwasbaguhin ang wikitext

Kabilang sa pag-iwas sa pagiging biktima ng rabies ang pagpapabakuna ng asong alaga, pag-uulat sa pulis o opisyal ng barangay (kung sa Pilipinas) o sa tanggapang kumokontrol ng mga asong paggala-gala at nalalamang nangangagat ng tao (kapag nasa ibang bansa).[2]

Tingnan dinbaguhin ang wikitext

Mga sanggunianbaguhin ang wikitext

🔥 Top keywords: Unang Digmaang PandaigdigEl filibusterismoNoli Me Tángere (nobela)José RizalIkalawang Digmaang PandaigdigTalaan ng mga kabanata sa Noli Me TangereFrancisco BalagtasIbong AdarnaFlorante at LauraNatatangi:MaghanapRebolusyong EDSA ng 1986Batas militarGomburzaUnang PahinaTalaan ng mga Kabanata sa Noli Me TangerePadron:Mga Kabanata ng Noli Me TangereFerdinand MarcosBatas militar sa ilalim ni Ferdinand MarcosKarapatang pantaoPang-uriAdolf HitlerCorazon AquinoPang-aabusong seksuwalKarapatang sibil at pampolitikaPandiwaPananaliksikPagkamakabansaKoridoNagkakaisang BansaPang-abayKasunduan sa VersaillesTimog-silangang AsyaPagkamamamayanAraw ng KagitinganTalaan ng mga Pangulo ng PilipinasDemokrasyaPangunang lunasFidel V. RamosArkiduke Franz Ferdinand ng Austriya