Mary-Kate at Ashley Olsen
Mga kagamitan
Pangkalahatan
I-print/I-export
Sa iba pang proyekto
Mary-Kate Olsen Ashley Fuller Olsen | |
---|---|
Kapanganakan | (1986-06-13) 13 Hunyo 1986 (edad 37) |
Website | http://www.mary-kateandashley.com |
Sina Mary-Kate at Ashley Olsen (buong pangalan: Mary Kate Olsen at Ashley Fuller Olsen) ay mga artista at mangangalakal na Amerikano. Ipinanganak sila noong ika-13 ng Hunyo 1986 sa Sherman Oaks, California sa Estados Unidos. Sila ay kilala rin bilang Olsen Twins.
Sina Mary-Kate at Ashley ay kambal anak nina David at Jarnette Olsen. Apat ang kapatid nila…sina Trent, Elizabeth (Lizzie), Taylor at Jake. Nagsimulang mag-artista sina Mary-Kate at Ashley noong 1987 nang gumanap sila bilang Michelle Tanner sa programang pantelebisyon na Full House sa edad na siyam na buwan. Sa programang ito naging tanyag ang dalawa.
Habang patuloy na pinapalabas ang Full House, nakipagtamabalan sina Mary-Kate at Ashley kay Robert Thorne upang itaguyod ang kompanynag Dualstar Entertainment Group. Sa tulong ng Dualstar ay naglabas sina Mary-Kate and Asley ng mga album at video na pambata tulad ng Brother For Sale at Our First Video. Dahil sa kanilang katanyagan, sina Mary-Kate at Ashley ay naging milyonaryo sa gulang na sampung taon.
Di kalaunan ay lumabas din sina Mary-Kate and Ashley sa mga pelikula tulad ng It Takes Two at mga pantelebisyong programa tulad ng Two of a Kind at So Little Time.
Nang naging teenager sina Mary-Kate at Ashley, sila ay nakilala sa larangan ng pananamit. Naging tanyag sila sa estilong boho-chic na ginaya ng iba’t ibang artista at musikero sa Hollywood.
Ngayong may sapat na edad na sina Mary-Kate and Ashley, sila na mismo ang namamahala ng kompanyang Dualstar. Dahil dito, maraming proyekto ang itinaguyod ng dalawa tulad ng paggawa ng damit, pabango, kagamitang pampaganda, kalendaryo, libro, video at pati na rin mga posturyosong alpombra. Sila rin ang gumagabay sa isa pang tanyag na kambal na artista na sina Dylan at Cole Sprouse.