Anekdota

Ang isang anekdota (Ingles: anecdote[1][2]) ay "isang salaysay na may punto",[3] tulad ng pagbabatid ng isang ideyang mahirap unawain tungkol sa isang tao, lugar, o bagay sa pamamagitan ng konkretong mga detalye ng isang maikling kuwento o upang kilalanin sa pamamagitan ng paglalarawan ng isang partikular na ugaling hindi inaasahan o mga katangian.[4]

Maaring totoo o kathang-isip ang mga anekdota;[5] karaniwang tampok ng mga gawang pampanitikan ang anekdotikong paglilihis[6] at kahit ang mga anekdotang pasalita ay tipikal na kinakasangkutan ng banayad na pagpapahigit sa katotohanan at drama upang libangin ang mga nakikinig.[7] Laging pinapakita ang anekdota bilang ang pagsasalaysay ng isang insidente na kinabibilangan ng aktuwal na mga tao at kadalasang sa isang tukoy na lugar. Sa mga pananalita ni Jürgen Hein, nagpapakita sila ng "isang natatanging realismo" at "isang inangking dimensyong makasaysayan."[8]

Mga sanggunian