Bronx Zoo

Ang Bronx Zoo ay isang zoo na nasa boro ng The Bronx ng Lungsod ng New York na nasa loob ng Liwasan ng Bronx sa Estados Unidos. Ito ang pinakamalaking metropolitan zoo,[4] na binubuo ng 265 acre (107 ha) ng lupaing pangliwasan at naturalistikong habitat o tahanang makakalikasan, kung saan lumalagos ang pagdaloy ng Ilog ng Bronx.

Bronx Zoo
Pasukang tinatawag na Asia Gate ("Tarangkahang Asya")
Petsa noong binuksanNovember 8, 1899 [1]
Kinaroroonan2300 Southern Boulevard, Bronx Park, Bronx, New York, 10460, USA
Mga koordinado40°51′02″N 73°52′31″W / 40.850581°N 73.87538°W / 40.850581; -73.87538
Sukat ng lupain265 acre (107 ha)
Bilang ng mga hayop4,000 [2]
Bilang ng mga espesye650 [2]
KasapianAZA [3]
Pangunahing mga eksibitCongo Gorilla Forest, JungleWorld, Wild Asia Monorail, Madagascar!, Tiger Mountain, African Plains, World of Birds, World of Monkeys, World of Reptiles, Zoo Center
Websaythttp://www.bronxzoo.com/

Ang Bronx Zoo ay kabahagi ng isang integrado o magkakasamang sistema ng apat na mga zoo at isang akwaryum na pinangangasiwaan ng Wildlife Conservation Society (WCS), at akreditado ng Association of Zoos and Aquariums (AZA, "Asosasyon ng mga Zoo at mga Akwaryum).

Mga sanggunian

Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya, Soolohiya at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.