Camille Saint-Saëns

Si Charles-Camille Saint-Saëns (Pranses: [ʃaʁl kamij sɛ̃sɑ̃s], ayon sa kaugalian na binibigkas na Pagbigkas sa Pranses: [sɛ̃sɑ̃] sa Pranses;[n 1] (ika-9 ng Oktubre 1835  – 16 ng Disyembre 1921) ay isang pranses na kompositor, organista, konduktor at pyanista ng Romantikong panahon. Ang mga tanyag na kanyang naigawa ay ang Introduksiyon at Rondo Capriccioso (1863),ang Second Piano Concerto (1868), ang First Cello Concerto (1872), Danse Macabre (1874), ang operang Samson at Delilah (1877), ang Third Violin Concerto (1880), ang Third ("Organ") Symphony (1886) at ang Le Carnaval des Animaux (1886).

seated portrait of middle-aged man, bearded, in formal 19th-century costume
Si Saint-Saëns, kunan na Larawan ni Pierre Petit noong 1900

Mula sa pagkabata, si Saint-Saëns ay isang magaling na prodihiya ng piyano. Dahil dito, pinursige niya ang karera ng musika kung saan siya'y naging popular sa mga salon at naging sikat na improvisator ng tugtuging klasikal. Sa kagustuhang baguhin ang pamamaraan ng komposisyon lalong-lalo na sa mga kompositor na Pranses, itinaguyod ni Saint-Saëns ang Société Nationale de Musique noong 1871.[2]

Pagdating sa kanyang komposisyon, masasabi na ito ay may malakas na epekto sa mga tagapakinig pero hindi gaano kaseryoso.[2]

Mga nota

Mga sanggunian