Emilia-Romaña

Ang Emilia-Romaña (pagbigkas [eˈmiːlja roˈmaɲɲa], Romagnol: Emélia-Rumâgna) ay rehiyong administratibo sa rehiyon ng Hilagang Italya, na binubuo ng rehiyong pang-kasaysayan ng Emilia at Romagna. Ang kabesera nito ay Bolonia.

Emilia-Romagna
Watawat ng Emilia-Romagna
Watawat
Eskudo de armas ng Emilia-Romagna
Eskudo de armas
Map
Mga koordinado: 44°45′N 11°00′E / 44.75°N 11°E / 44.75; 11
Bansa Italya
LokasyonItalya
KabiseraBologna
Bahagi
Pamahalaan
 • president of Emilia-RomagnaStefano Bonaccini
Lawak
 • Kabuuan22,123.09 km2 (8,541.77 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2019)[1]
 • Kabuuan4,459,477
 • Kapal200/km2 (520/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+01:00, UTC+02:00
Kodigo ng ISO 3166IT-45
Websaythttp://www.regione.emilia-romagna.it

Ang Emilia-Romaña ay isa sa pinakamayaman at pinakamaunlad na rehiyon sa Europa, na may ikatlong pinakamataas na kabuuang domestikong produkto per capita sa Italya.[2] Ang Bolonia, ang kabesera nito, ay may isa sa pinakamataas na mga indeks ngkaledad ng buhay ng Italya[3] at mga abaneteng serbisyong panlipunan. Ang Emilia-Romaña ay isa ring sentrong pangkultura, pang-ekonomiya, at panturista, na tahanan ng Unibersidad ng Bolonia, ang pinakamatandang unibersidad sa mundo;[4] naglalaman ng mga lungsod Romaniko at Renasimyento (tulad ng Modena, Parma, at Ferrara) at ang dating Imperyong Romanong kabesera na Ravena; sumasaklaw sa labing-isang pamanang pook ng UNESCO;[5] pagiging sentro para sa produksiyon ng pagkain at sasakyan (tahanan ng mga kompanya ng sasakyan tulad ng Ferrari, Lamborghini, Maserati, Pagani, De Tomaso, Dallara, at Ducati); at pagkakaroon ng mga sikat na resort sa baybayin tulad ng Cervia, Cesenatico, Rimini, at Riccione. Noong 2018, pinangalanan ng gabay ng Lonely Planet ang Emilia-Romaña bilang pinakamagandang lugar na makikita sa Europa.[6]

Mga pagkakahating pampangasiwaan

Ang Emilia-Romaña ay binubuo ng siyam na lalawigan. Bukod sa pagkakabuo ng Kalakhang Lungsod ng Bolonia, ang mga plano upang ang siyam na lalawigan ay gawing apat ay hindi itinuloy.

LalawiganSakop (km2)PopulasyonDensidad (naninirahan/km2)Rehiyon
Kalakhang Lungsod ng Bolonia3,7021,011,291262.9Emilia - Romaña
Lalawigan ng Ferrara2,632357,471135.8Emilia
Lalawigan ng Forlì-Cesena2,377387,200162.9Romaña
Lalawigan ng Modena2,689686,104255.1Emilia
Lalawigan ng Parma3,449431,419125.1Emilia
Lalawigan ng Plasencia2,589284,885110.0Emilia
Lalawigan ng Ravena1,858383,945206.6Romaña
Lalawigan ng Reggio Emilia2,293517,374225.6Emilia
Lalawigan ng Rimini863325,219377.0Romaña

Mga sanggunian

Ang lathalaing ito na tungkol sa Italya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.