Eumetazoa

Ang Eumetazoa na tinatawag ring mga Diploblast, Epitheliozoa, o Histozoa ay isang iminungkahing kladong hayop na basal na isang kapatid na pangkat ng mga Porifera.[5][6][7][8][9] Ang mga kladong basal na Eumetazoan ang Ctenophora at mga ParaHoxozoa. Ang Placozoa ay nakikita rin ngayon bilang isang Eumetazoan sa ParaHoxozoa.

Eumetazoans
Temporal na saklaw: Ediacaran - Kasalukuyan, 635–0 Ma
MolluscaScyphozoaChordataArthropodAnnelida
Iba't ibang uri ng mga eumetazoa
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo:Eukaryota
Klado:Amorphea
Klado:Obazoa
(walang ranggo):Opisthokonta
(walang ranggo):Holozoa
(walang ranggo):Filozoa
Kaharian:Animalia
Subregnum:Eumetazoa
Buetschli, 1910
Phyla
Kasingkahulugan
  • Enterozoa Lankester, 1877, em. Beklemishev[1][2]
  • Epitheliozoa Ax, 1996
  • Diploblast Lankester, 1873
  • Histozoa Ulrich, 1950[3][4]

Ang ilang mga ekstinkte o hindi pa alam na anyo ng buhay gaya ng Iotuba at Thectardis ay tila lumitaw sa pangkat na ito.[10] Ang mga katangian ng mga eumetazoa ay kinabibilangan ng tunay na mga tisyu na nakaayos sa mga patong na germ, presensiya ng mga neuron at isanng embryo na sumasailalim sa yugtong gastrula.

Mga pinagmulang ebolusyonaryo

Iminungkahi na ang isang ur ng orasang molekular at isang pakikitungo sa interpretasyon ng fossil record ay parehong naglalagay sa pinagmulang ebolusyonaryo sa Ediacaran.[11] Gayunpaman, ang pinakaunang mga eumetazoan ay maaaring hindi nag-iwan ng maliwanag na epekto sa fossil record at ang ibang mga interpretasyon ng mga orasang molekular ay nagmumungkahi ng posibilidad ng mas maagang pinagmulan.[12] Ang mga nakatuklas ng Vernanimalcula ay naglarawan dito bilang fossil ng isang hayop na bilateral triploblastic na lumitaw sa wakas ng pagyeyelong Marinoan bago nang panahong Ediacaran na nagpapahiwatig nang mas maagang pinagmulan ng mga eumetazoan.[13]

Mga sanggunian


Ang lathalaing ito na tungkol sa Hayop ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.