Fire (kanta ng BTS)

Ang "Fire"[1] (Koreano불타오르네; RRbultaoreune), lit. na Apoy, ay isang kantang ni-record ng Timog Koreanong boy band na BTS para sa kanilang unang compilation album, The Most Beautiful Moment In Life: Young Forever (2016). Ang orihinal na Koreanong bersyon ay inilabas ng Big Hit noong 2 Mayo 2016 sa Timog Korea at ang bersiyong Hapones ay inilabas noong 7 Setyembre 2016 sa kanilang buong album na Youth, sa ilalim ng Universal Music Japan at Virgin Music-Def Jam Recordings.

"Fire"
Single ni BTS
mula sa album na The Most Beautiful Moment In Life: Young Forever at Youth
Nilabas2 Mayo 2016
IstudiyoDogg Bounce
Haba3:23
Tatak
  • Big Hit
Manunulat ng awit
ProdyuserPdogg
BTS singles chronology
"Epilogue: Young Forever"
(2016)
"Fire"
(2016)
"Save Me"
(2016)
Music video
"Fire" sa YouTube

Music video

Ang music video para sa "Fire" ay inilabas noong Marso 2.[2] Ang video ay ginawa at idinirek ni Lumpens[3] at GDW.[4] Sinabi ni Fuse ang cut na "[nadama] na parang isang upgraded na bersiyon ng "Dope" " at ipinapakita ang "banda na nagpapamalas ng pianakamatindi nilang koreograpo noon".[5] Noong Mayo 9, inilabas ng BTS ang bersiyong sayaw ng "Fire" na video bago ang kanilang promosyon sa mga programang pangmusika.[6] Ang sayaw ay kinoreograpo nina Keone Madrid[7] at Vinh Nguyen.[8][9]

Komersyal na larga

Nanguna ang BTS sa Billboard World Digital Songs chart sa pamamagitan ng single,[10] Ang mga video para sa "Save Me" ay nakatanggap ng unang puwesto sa Pinakapinanood na mga Video na K-Pop sa Amerika, sa Buong Mundo: Mayo 2016 list na inihayag ng Billboard.[11]

Promosyon

Nagpasya ang BTS na ipakilala sa mga palabas pangmusika ang kanta sa loob lamang ng isang linggo,[12] itinanghal sa Mnet, KBS, MBC, at SBS gaya ng binalak upang payagan ang mga indibidwal na aktibidad, pagtatanghal, at mga iskedyul sa ibang bansa, simula sa M! Countdown noong Mayo 12.[12] Ang kanta ay ipinakilala sa SBS Gayo Daejeon noong Disyembre 2018.[13]

Mga kredito at tauhan

Ang mga Koreanong kredito ay hinango mula sa CD liner notes ng The Most Beautiful Moment In Life: Young Forever.[14]

  • Pdogg - prodyuser, keyboard, synthesizer, koro, pagsasaayos ng boses at rap, inhinyero ng recording @ Dogg Bounce
  • "hitman" bang - prodyuser
  • RM - prodyuser
  • SUGA - prodyuser
  • Devine Channel- prodyuser
  • Jungkook - koro
  • Jimin - koro
  • James F. Reynolds - inhinyero ng mixing

Mga papuri

Mga parangal
taonOrganisasyonparangalResultaSang.
2017Taunang Gawad Soompistyle="background: #FDD; color: black; vertical-align: middle; text-align: center; " class="no table-no2"|Nominado[15][16]
Mga parangal sa programa ng musika
ProgramaPetsaRef.
M! Countdown12 Mayo 2016
Music Bank13 Mayo 2016
Inkigayo15 Mayo 2016

Mga benta

TalaanBenta
Timog Korea[17]856,373
Estados Unidos[18]100,000

Mga sanggunian