Giacomo Puccini

Si Giacomo Antonio Domenico Michele Secondo Maria Puccini (Italyano: [ˈdʒaːkomo putˈtʃiːni]; 22 Disyembre 1858 – 29 Nobyembre 1924), na pangkalahatang nakikilala bilang Giacomo Puccini, ay isang Italyanong kompositor na ang mga opera ay nasa piling ng pinakamadadalas na itinatanghal sa pamantayang repertoryo.[1]

Si Giacomo Puccini.

Tinawag si Puccini bilang "ang pinakamahusay na kompositor ng operang Italyano pagkaraan ni Verdi".[2] Habang ang kaniyang maaagang mga akda ay nag-ugat sa tradisyunal na romantikong opera ng Italya noong hulihan ng ika-19 daantaon, matagumpay niyang napaunlad ang kaniyang akda na nasa estilo ng 'makatotohanang' verismo, kung saan siya ay naging isa sa nangungunang mga tagapagtaguyod.

Mga sanggunian


Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Italya at Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.