Hukbong Katihan ng Pilipinas

bahagi ng puwersa ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas

Ang mga kawal ng Hukbong Katihan ng Pilipinas (Ingles: Philippine Army) ang nagtatanggol sa bansa ng Pilipinas sa oras ng labanan o digmaan. Si Tiyente Hen. Victor Ibrado ang pumalit kay Hen. Alexander Yano, dating heneral ng Hukbong Katihan na pinalitan ni Hermogenes Esperon noong Mayo 12, 2008. Si Hen. Ibrado ang dating namumuno sa Armed Forces Central Command (Centcom) Visayas. Noong Abril 30, 2008 pinalitan ni Pangulong Gloria Arroyo si Tinyente Hen. Delfin Bangit bilang bagong heneral ng hukbo at naging ika-39 na Chief of Staff.

Hukbong Katihan ng Pilipinas
Philippine Army

Sagisag ng Hukbong Katihan ng Pilipinas
Pagkakatatag22 Marso 1897; 127 taon na'ng nakalipas (1897-03-22)[1]
Bansa Pilipinas
UriHukbong Katihan
Sukat120,000

170,000+ (Reserba)

Bahagi ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas
Garison/Punong himpilanFort Bonifacio, Taguig City, Metro Manila, Philippines
Motto"Serving the people. Securing the land" "For our country we will give all"
MaskotaMusang (Civet)
Mga anibersaryoMarch 22, Army Day
Mga pakikipaglaban
Philippine Revolution
Spanish–American War
Philippine–American War
World War II
* Philippines Campaign (1941–1942)
* Japanese Occupation of the Philippines (1942–1945)
* Philippines Campaign (1944–1945)
Hukbalahap Rebellion
Korean War
Vietnam War
Iraq War[2]
Operation Enduring Freedom – Philippines
Communist Insurgencies
Islamic Insurgencies

Battle of Camp Abubakar

Mga komandante
Pinuno ng SandatahanRodrigo Duterte
Kalihim ng Tanggulang PambansaDelfin Lorenzana
Hepe ng SandatahanHen. Rey Leonardo Guerrero, AFP
Command Liuetenant GeneralTin. Hen. Rolando Joselito Bautista, AFP
Insigniya
Flag
Battledress identification patch

Ang kasalukuyang heneral ng hukbong katihan ng Pilipinas ay si Roberto D. Jimenez PA.

Mga Layunin

Pangunahing Layunin ng Hukbong Katihan ng Pilipinas ang pagtataguyod ng kapayapaan sa bayan. Sila ang nagiging tanod ng bayan sa oras na ang sinumang tao, Pilipino man o dayuhan, ay naghahangad na maghasik ng kaguluhan sa dako ng Pilipinas. Ito rin ang nagtatangol sa Pilipinas sa panahon ng pakikipagbakahan at labanan.

Mga sanggunian

Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.