Katholieke Universiteit Leuven

Ang Katholieke Universiteit LeuvenA (lit. Katolikong Unibersidad ng Leuven"B), dinadaglat na KU Leuven[1] at kilala rin bilang Unibersidad ng Leuven, ay isang unibersidad sa pananaliksik sa Leuven, isang bayan na nagsasalita ng Dutch sa rehiyon ng Flanders, Belhika. Ito ay nagsasagawa ng mga pagtuturo, pananaliksik, at serbisyo sa agham, inhinyeriya, humanidades, medisina, batas, at agham panlipunan.

Artes - Ladeuze Library

Bilang karagdagan sa pangunahing kampus nito sa Leuven, ito ay may mga satellite campus sa Kortrijk, Antwerp, Ghent, Bruges, Ostend, Geel, Diepenbeek, Aalst, Sint-Katelijne-Waver, at sa kabisera ng Belgium na Brussels.[2] Ang KU Leuven ay ang pinakamalaking unibersidad sa Belhika at Mabababang Bayan. (Noong 2014-15, higit sa 55,000 mag-aaral ay nakaenrol dito.) Ang pangunahing wika ng pagtuturo ay Dutch, habang ang ilang mga programa ay itinuturo sa Ingles, lalo na sa postgraduate degree.[3]

Mga sanggunian

Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.