Kuryang Romano

Ang Kuryang Romano (Latin: Romana Curia ministerium suum implent) ay binubuo ng mga nangangasiwang institusyon ng Banal na Luklukan at ang sentrong katawan kung saan isinasagawa ang mga gawain ng Simbahang Katolika. Ito ay gumaganap sa pangalan ng papa at na may kanyang kapangyarihan para sa ikabubuti at ukol sa paglilingkod ng mga natatanging simbahan at nagbibigay ng sentral na organisasyon para sa simbahan upang maisulong ang mga layunin nito.[1][2][3]

Ang istraktura at organisasyon ng mga pananagutan sa loob ng Kurya ay sa kasalukuyang kinokontrol ng apostolikong saligang-batas Pastor bonus, na inilabas ni Papa Juan Pablo II noong Ika-28 ng Hunyo, 1988.[4] Isang reporma ng Kuryang Romano sa ilalim ni Papa Francisco,[5][6][7] na may isang bagong apostolikong saligang-batas, ay kasalukuyang binabalangkas.[8]

Ang iba pang mga lupon na gumaganap ng isang administratibo o pagsangguning tungkulin sa ugnayang pang-eklesya ay minsan nagkakamaling nakikilala sa Kurya, tulad ng Sinodo ng mga Obispo at mga kumperensyang panrehiyon ng mga obispo. Isinulat ni Kardinal Gerhard Müller, dating prepekto ng Konggregasyon ukol sa Doktrina ng Pananampalataya noong 2015 na "ang Sinodo ng mga Obispo ay hindi isang bahagi ng Kuryang Romano sa mahigpit na kahulugan: ito ay ang pagpapahayag ng pagiging magkakasama ng mga obispo sa pakikipag-isa sa Santo Papa at sa ilalim ng kanyang direksyon. Ang Kuryang Romano sa halip ay tumutulong sa Santo Papa sa pagganap ng kanyang kahigtan sa lahat ng mga simbahan."[9]

Tingnan din

  • Kurya (Simbahang Katolika)
  • Sambahayan pampapa
  • Pulitika ng Lungsod Batikana
  • Mga reporma ni Papa Pablo VI ng Kuryang Roman

Mga sanggunian

Mga karagdagang babasahin

Mga panlabas na kawing