Lalawigan ng Phang Nga

Ang Phang Nga (Thai: พังงา, binibigkas [pʰāŋ.ŋāː]) ay isa sa mga lalawigan sa timog (changwat) ng Taylandiya, sa baybayin ng Dagat Andaman sa kanluran at Look ng Phang Nga sa timog. Ang mga karatig na lalawigan ay (mula sa hilaga, pakanan) Ranong, Surat Thani, at Krabi. Sa timog ay ang lalawigan ng Phuket, na konektado ng Tulay Sarasin.

Phang Nga

พังงา
Mula sa kaliwa pakanan, taas pababa: Look ng Phang Nga, Kapuluang Surin, Kapuluang Similan, Ko Panyi, Pambansang Liwasan ng Khao Lak–Lam Ru
Watawat ng Phang Nga
Watawat
Opisyal na sagisag ng Phang Nga
Sagisag
Mapa ng Taylandiya na nagpapakita ng lalawigan ng Phang Nga
Mapa ng Taylandiya na nagpapakita ng lalawigan ng Phang Nga
BansaTaylandiya
KabeseraPhang Nga
Pamahalaan
 • GobernadorChamroen Thipphayaphongthada
(simula Oktubre 2019)[1]
Lawak
 • Kabuuan4,171 km2 (1,610 milya kuwadrado)
Ranggo sa lawakIka-53
Populasyon
 (2018)[3]
 • Kabuuan268,240
 • RanggoIka-72
 • Kapal64/km2 (170/milya kuwadrado)
 • Ranggo sa densidadIka-68
Human Achievement Index
 • HAI (2017)0.5649 "somewhat low"
Ranked 59th
Sona ng orasUTC+7 (ICT)
Postal code
82xxx
Calling code076
Kodigo ng ISO 3166TH-82
Websaytphangnga.go.th

Heograpiya

Ang lalawigan ay nasa kanlurang bahagi ng Tangway ng Malaya at kabilang ang mga isla ng Look ng Phang Nga. Ang pinakasikat ay maaaring ang pares ng Khao Phing Kan at Ko Ta Pu, ang tinaguriang Pulong James Bond mula sa 1974 na pelikulang The Man with the Golden Gun, ang Khao Phing Kan ay ang home base ng kontrabida, na may hugis-karayom na batong kalisa ng Ko Ta Pu, 20 metro (22 yd) sa labas ng pangunahing dalampasigan, kitang-kitang itinampok. Ang Pambansang Liwasang Ao Phang Nga (Look Phang Nga) ay itinatag noong 1981 upang protektahan ang maraming isla.[5] Ang Kapuluang Similan at Kapuluang Surin, dalawa sa pangunahing destinasyon ng diving ng Taylandiya, ay bahagi rin ng lalawigan ng Phang Nga.[6] Ang kabuuang pook ng kagubatan ay 1,778 square kilometre (686 mi kuw) o 32.4 porsyento ng sakop ng lalawigan.[7]

Mga pagkakahating pampangasiwaan

Mapa ng walong distrito

Pamahalaang panlalawigan

Ang Phang Nga ay nahahati sa walong distrito (amphoes), na nahahati pa sa 48 subdistrito (tambon) at 314 na nayon (muban).

  1. Mueang Phang Nga
  2. Ko Yao
  3. Kapong (Malay: Kampung)
  4. Takua Thung
  5. Takua Pa
  6. Khura Buri
  7. Thap Put
  8. Thai Mueang

Mga sanggunian

Mga panlabas na link

8°26′23″N 98°31′5″E / 8.43972°N 98.51806°E / 8.43972; 98.518068°26′23″N 98°31′5″E / 8.43972°N 98.51806°E / 8.43972; 98.51806