Lawa ng Baikal

(Idinirekta mula sa Lawa Baikal)

Ang Lawa ng Baikal (Ruso: о́зеро Байка́л, tr. Ozero Baykal, IPA [ˈozʲɪrə bɐjˈkal]; Russian Buryat: Байгал нуур, Mongol: Байгал нуур, Baygal nuur, nangangahulugang "lawa ng kalikasan";[1]) ay isang lawa na matatagpuan sa timog ng Rusya sa rehiyon ng Siberia, sa pagitan ng Irkutsk Oblast sa hilagang-kanluran at Republika ng Buryat sa timog-silangan.

Ang Pulo ng Olkhon at Lawa ng Baikal

Ito ang lawang tabang sa daigdig na may pinakamaraming bolyum, na naglalaman ng halos 20% ng mga di-nagyeyelong tubig tabang,[2][3] at nasa lalim na 1,637 metro (5,371 talampakan),[4] ang pinakamalalim.[5] Isa rin ito sa mga pinakamalinaw[6] sa lahat ng mga lawa, at inakalang ang pinakamatandang lawa sa daigdig[7] sa 25 milyong taon.[8] Ito ang ikapitong pinakamalaking lawa sa mundo ayon sa sukat ng kalatagan nito.

Mga sanggunian


Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Rusya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.