Putbol sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008
Putbol sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008 |
---|
Paligsahan |
lalaki babae |
Mga kuponan |
lalaki babae |
Gaganapin sa Beijing ang Putbol sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008 at iba pang mga lungsod ng Republikang Popular ng Tsina mula Agosto 6 hanggang Agosto 23. Inanyayahan ang mga kapisanan na kasanid sa FIFA na magpadala ng buong pambansang kupunang pambabae at kupunang U-23 panlalaki upang lumahok. Ang mga kuponan ay pinapayagan na dagdagan sa kanilang tilap na may tatlong manlalaro na may humigit sa 23 taong gulang.
Ukol sa palarong ito, ang mga kalalakihan ang mananaligsa sa isang 16-na-kuponang paligsahan, at ang mga kababaihan ay mananaligsa sa isang 12-na-kuponang paligsahan. Ang mga paunang laro ng putbol ay karaniwang nag-uumpisa nang dalawang araw bago ang seremonya ng pagbubukas ng Palaro sa Agosto 8.
Mga lugar ng pagdadausan
Tangi sa punong-abalang lungsod ng Beijing, ang mga laban ng putbol ay nakatakda sa mga ibang apat na lungsod:
- Beijing: Pambansang Istadyum ng Beijing
- Beijing: Istadyum ng mga Manggagawa
- Qinhuangdao: Istadyum ng Sentrong Pampalakasan ng Olimpiko ng Qinhuangdao
- Shanghai: Istadyum ng Shanghai
- Shenyang: Istadyum ng Sentrong Pampalakasan ng Olimpiko ng Shenyang
- Tianjin: Istadyum ng Sentrong Pampalakasan ng Olimpiko ng Tianjin
Mga tilap
Ukol sa paligsahang panlalaki, bawat bansa ay dapat magpasa ng isang tilap ng 18 manlalaro, 15 na sinuman ay dapat ipinanganak sa o pagkatapos ng petsang 1 Enero 1985, at ang 3 ng sinuman ay maaaring mas matanda o "lampas sa taon" na manlalaro, sa 23 Hulyo 2008.[1]
Ang paligsahang pambabae sa kabila ng lahat ay isang buong pandaigdigang pampalakasan na walang hangganan pagdating sa taon. Bawat bansa dapat magpasa ng isang tilap ng 18 manlalaro sa 23 Hulyo 2008.
Ukol sa parehong mga kalalakihan at kababaihan, ang pinakamababa ng dalawang tagapagbantay ng lambat (may dagdag nang hindi sapilitan na pamalit na tagapagbantay ng lambat) ay nararapat ibilang sa tilap.[1]
Mga lumalahok na bansa
Mga lalaki
Mga babae
Mga nanalo sa medalya
Lalaki
Kaganapan | Ginto | Pilak | Tanso |
Panlalaking putbol | Argentina (ARG) Oscar Ustari Ezequiel Garay Luciano Fabián Monzón Pablo Zabaleta Fernando Gago Federico Fazio José Ernesto Sosa Éver Banega Ezequiel Lavezzi Juan Román Riquelme Ángel Di María Nicolás Pareja Lautaro Acosta Javier Mascherano Lionel Messi Sergio Agüero Diego Buonanotte Sergio Romero Nicolas Navarro Tagapamahala: Sergio Batista | Nigeria (NGR) Ambruse Vanzekin Chibuzor Okonkwo Onyekachi Apam Dele Adeleye Monday James Chinedu Obasi Sani Kaita Victor Nsofor Obinna Promise Isaac Solomon Okoronkwo Oluwafemi Ajilore Olubayo Adefemi Peter Odemwingie Efe Ambrose Victor Anichebe Emmanuel Ekpo Ikechukwu Ezenwa Oladapo Olufemi Tagapamahala: Samson Siasia | Brazil (BRA) Diego Alves Renan Rafinha Alex Silva Thiago Silva Marcelo Ilsinho Breno Hernanes Anderson Lucas Ronaldinho Ramires Diego Thiago Neves Alexandre Pato Rafael Sóbis Jô Tagapamahala: Dunga |
Babae
Event | Ginto | Pilak | Tanso |
Pambabaeng putbol | United States (USA) Hope Solo Heather Mitts Christie Rampone Rachel Buehler Lindsay Tarpley Natasha Kai Shannon Boxx Amy Rodriguez Heather O'Reilly Aly Wagner Carli Lloyd Lauren Cheney Tobin Heath Stephanie Cox Kate Markgraf Angela Hucles Lori Chalupny Nicole Barnhart Tagapamahala: Pia Sundhage | Brazil (BRA) Andréia Simone Andreia Rosa Tânia Renata Costa Maycon Daniela Formiga Ester Marta Cristiane Bárbara Franciele Pretinha Fabiana Erika Maurine Rosana Tagapamahala: Jorge Luiz Barcellos | Germany (GER) Nadine Angerer Kerstin Stegemann Saskia Bartusiak Babett Peter Annike Krahn Linda Bresonik Melanie Behringer Sandra Smisek Birgit Prinz Renate Lingor Anja Mittag Ursula Holl Célia Okoyino da Mbabi Simone Laudehr Fatmire Bajramaj Conny Pohlers Ariane Hingst Kerstin Garefrekes Tagapamahala: Silvia Neid |
Mga sanggunian
- "Talatakdaan ng Paligsahan sa Palakasan". BOCOG. 2006-04-17. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2006-08-10. Nakuha noong 2006-08-10.
{{cite web}}
: Check date values in:|date=
(tulong) - "Athletics". (Sports). Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko. 2006. Nakuha noong 2006-08-10.
{{cite web}}
: External link in
(tulong)|work=
- "Programa ng Palaro ng Ika-XXIX na Olimpiko, Beijing 2008" (PDF). Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko. Inarkibo mula sa ang orihinal (pdf) noong 2006-08-20. Nakuha noong 2006-08-10.
- Federation Internationale de Football Association
- RSSSF