Richie Rich
Mga kagamitan
Pangkalahatan
I-print/I-export
Richie Rich | |
---|---|
Impormasyon ng paglalathala | |
Tagapaglathala | Harvey Comics |
Unang paglabas | Little Dot #1 (Setyembre. 1953) |
Tagapaglikha | Alfred Harvey Warren Kremer |
Impormasyon sa loob ng kwento | |
Buong pangalan | Richard $ Rich Jr. |
Kasaping pangkat | Rich Industries |
Si Richard "Richie" $ Rich, Jr. (iniistilo minsan bilang Ri¢hie Ri¢h)[1][2][3] ay isang kathang-isip na karakter sa komiks na lumabas sa Harvey Comics. Una siyang lumabas sa isyu ng komiks na Little Dot #1, na may petsa sa pabalat na Setyembre 1953. Nilikha ito nina Alfred Harvey at Warren Kremer. Binansagan sa wikang Ingles bilang "the poor little rich boy" (ang kawawang maliit na batang mayaman), si Richie ay bugtong na anak ng isang hindi kapani-paniwalang mayayaman na mga magulang at siya ang pinakamayaman na bata sa buong sanlibutan. Napakamayaman niya na ang kanyang gitnang pangalan ay ang simbolo ng dolyar, $.[4]