Asterids

Sa sistema ng APG II (2003) na para sa klasipikasyon ng mga halamang namumulaklak, ang pangalang asterids ay tumutukoy sa isang klade (isang pangkat na monopiletiko).[1]

Asterids
Impatiens balsamina mula sa Ericales
Klasipikasyong pang-agham e
Kaharian:Plantae
Klado:Tracheophytes
Klado:Angiosperms
Klado:Eudicots
Klado:Superasterids
Klado:Asterids
Mga clade
  • Cornales
  • Ericales
  • Euasterids I
  • Euasterids II

Ang karamihan ng taxa na nasa kladeng ito ay dating tinutukoy bilang Asteridae sa sistemang Cronquist (1981) at sa Sympetalae sa loob ng mas maagang mga sitema.[kailangan ng sanggunian] Marahil,Padron:Whom ang pangalang "asterid" ay nabigyan ng inspirasyon ng mas maagang pangalang pambotanika nito subalit may layunin ito na maging pangalan ng isang klade sa halip na isang pormal na pangalang pangranggo, na nasa diwa ng ICBN. Ang kladeng ito ay isa sa dalawang mga pinaka maraming espesye (speciose sa Ingles) na mga pangkat ng mga eudikota, na ang isa pa ay ang mga rosid. Binubuo ito ng mga sumusunod:[1]

  • kladeng asterids:
    ordeng Cornales
    ordeng Ericales
    kladeng euasterids I
    pamilyang Boraginaceae
    pamilyang Icacinaceae
    pamilyang Oncothecaceae
    pamilyang Vahliaceae
    ordeng Garryales
    ordeng Solanales
    ordeng Gentianales
    ordeng Lamiales
    kladeng euasterids II
    pamilyang Bruniaceae
    pamilyang Columelliaceae (+ pamilyang Desfontainiaceae)
    pamilyang Eremosynaceae
    pamilyang Escalloniaceae (+ pamilyang Tribelaceae)
    pamilyang Paracryphiaceae (+ mga pamilyang Sphenostemonaceae at Quintiniaceae)
    pamilyang Polyosmaceae
    ordeng Aquifoliales
    ordeng Apiales
    ordeng Dipsacales
    ordeng Asterales

Paunawa: “ + ....” = opsiyonal (maaaring hindi) bilang isang kahiwalay ng nauunang pamilya.

Mga kawing na panlabas

Mga sanggunian