Devil (Super Junior - album)

Ang Devil ay ang espesyal na album ng bándang Super Junior, bilang paggunita sa ikasampung anibersaryo sa kanilang pasinaya. Inilabas iyon noong ika-16 ng Hulyo 2015 ng SM Entertainment, kasabay ng pagkaka-labas nito online.[1] Tampok sa album ang 9 na miyembro, tanda na rin sa pagbalik ng miyembrong si Yesung na nagmula sa kanyang pagkaka-atas sa serbisyong pang-militar.[2]

Devil
Studio album - Super Junior
Inilabas16 Hulyo 2015 (2015-07-16)
Isinaplaka2015 (SM Studios Seoul, Timog Korea)
UriK-pop, Soul, R&B, Dance, Rock, Ballad
Haba36:36
WikaKoreano
TatakS.M. Entertainment
Super Junior kronolohiya
Mamacita
(2014)
Devil
(2015)
Sensilyo mula sa Devil
  1. "Devil"
    Inilabas: 16 Hulyo 2015 (2015-07-16)

Kabuuran

Pagkatapos ipahayag na babalik ang Super Junior na may espesyal na album na Devil noong ika-16 ng Hulyo upang gunitain ang kanilang ika-10 anibersaryo, naglabas ang SM Entertainment ng comical trailer, na nagpataas sa antisipasyon ng mga fan. Binanggit ng ahensya na ang 'Pagkakaibigan at pagtitiwala sa mga kasapi, kasama ang pasasalamat sa mga fan ang pamantungan para sa album'.[1][3][4]

Produksyon at Komposisyon

Nakipag-tulungan ang pangkat pang-produksyon na The Stereotypes sa kompositor na si Kenzie sa pamagat ng awit na "Devil" para sa isang trendy na himig.[5] Tinutukoy ng mga letra ng awit ang isang lalakeng labis na umiibig sa ilalim ng disposisyon ng isang balakyot. Nilikha nila Tony Testa at ng direktor ng SM Entertainment sa pagganap na si BeatBurger ang pagganap para sa "Devil". Nagpahayag din ng kanya-kanyang pananaw ang mga kasapi ng Super Junior, na nagbigay-daan sa masayang koreograpiya na may mga simpleng pag-indak na ipinapakita pa rin ang maamong kariktan ng grupo.[6]

Mayroong 10 awit ang album kabilang ang pamagat na awit na "Devil". Kabilang sa album ang iba pang mga mang-aawit para sa mga pang-kolaborasyon na awit tulad nila Lee Seung Hwan at Kim Yoon Ah, Epitone Project at Kang Jun-Woo. Kasama si Donghae sa paglapat ng letra at pagbuo ng album.[7] Bahagyang pinag-uri-uri ang mga trak ng mga sub-unidad ng grupo, kabilang ang Super Junior-K.R.Y., Super Junior-T, Super Junior-M at Super Junior-D&E.[4]

Mga Promosyon

Ginanap ang preskonperensya ng Super Junior upang gunitain ang paglabas ng kanilang espesyal na album na Devil sa SMTOWN COEX Artium sa Samsung-dong, Seoul noong Hulyo 15, 2015.[8]

Ginawa ng grupo ang kanilang muling pagbabalik na pagtanghal sa palabas na M! Countdown sa pag-awit nila ng "Devil" at "Don't Wake Me Up" noong Hulyo 16, 2015 at patuloy pa rin ang promosyon sa Music Bank, Music Core at Inkigayo.[8]

Unang ipinakita ng Super Junior ang awit sa kanilang encore na konsyerto na Super Show 6 sa Seoul, simula noong Hulyo 11 at 12. Itinanghal nila ang apat na awit mula sa album, kabilang ang Devil", "We Can", "Don't Wake Me Up" at "Alright".[7][9]

Tala ng Awit

Blg.PamagatTitikMusikaHaba
1."Devil"KenzieKenzie, The Stereotypes, Micah Powell 3:36
2."Simply Beautiful"Cho Yoon-kyoungHyuk Shin, DK, Marco Reyes (a.k.a Mrey), Jarah Gibson, Jeffrey Patrick Lewis (a.k.a Jeffrey Lewis) 4:03
3."Stars Appear..."Epitone ProjectEpitone Project별이 뜬다3:45
4."Good Love"KenzieKenzie, Stereotypes, Micah Powell 3:20
5."We Can" (SJ-KRY)Lee Seung-hwanLee Seung-hwan, Hwang Seong Je 3:58
6."Don't Wake Me Up" (SJ-D&E)Lee Dong-hae, Team One SoundLee Dong-hae, Team One Sound 3:08
7."Love at First Sight" (첫눈에 반했습니다; SJ-T)Kang Jun-WooKang Jun-Woo 3:44
8."Forever with You" (每天; SJ-M)Zhou MiAndreas Oberg, Martin K, lLANG 3:12
9."Rock'n Shine!"Kim Yoon AhKim Yoon Ah 3:55
10."Alright"Lee Dong-hae, Eunhyuk, Team One SoundLee Dong-hae, Team One Sound 3:55
Kabuuan:36:36

Sanggunian

Kawing Panlabas