Ezhou

Ang Ezhou (Tsino: 鄂州; pinyin: Èzhōu) ay isang antas-prepektura na lungsod sa silangang bahagi ng lalawigan ng Hubei, Tsina. Sang-ayon sa senso 2010, mayroon itong populasyon na 1,048,668 katao, 668,727 sa kanila ay nakatira sa pusod distrito ng Echeng. Ang kalakhang pook (o "built-up area") ng Ezhou - Huanggang ay tahanan ng 1,035,496 katao mula sa mga distrito ng Echeng sa Ezhou at Huangzhou sa Huanggang.

Ezhou

鄂州市
Antas-prepektura na lungsod
Isang tanawin ng sentro ng Ezhou (Distrito ng Echeng) mula sa tuktok ng Toreng Wuchang, West Hill
Isang tanawin ng sentro ng Ezhou (Distrito ng Echeng) mula sa tuktok ng Toreng Wuchang, West Hill
Kinaroroonan sa Hubei at sa Tsina
Kinaroroonan sa Hubei at sa Tsina
Ezhou is located in Hubei
Ezhou
Ezhou
Kinaroroonan sa Hubei
Mga koordinado: 30°24′N 114°53′E / 30.400°N 114.883°E / 30.400; 114.883
BansaRepublikang Bayan ng Tsina
LalawiganHubei
Lawak
 • Antas-prepektura na lungsod1,504 km2 (581 milya kuwadrado)
 • Urban
 (2017)[2]
247.00 km2 (95.37 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso 2010[3])
 • Antas-prepektura na lungsod1,048,668
 • Kapal700/km2 (1,800/milya kuwadrado)
 • Urban
 (2017)[2]
441,599
 • Densidad sa urban1,800/km2 (4,600/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+8 (Pamantayang Tsina)
Kodigo ng ISO 3166CN-HB-07
Mga unlapi ng plaka ng sasakyan鄂G
Websayt鄂州市政府门户网站 (sa Pinapayak na Intsik)
Ezhou
Pinapayak na Tsino鄂州
Tradisyunal na Tsino鄂州

Kasaysayan

Buhat pa sa dinastiyang Han (206 BK – 220 PK) ang pangalang "Ezhou," na hango sa kalapit na sinaunang Estado ng E na isang basalyong estado sa ilalim ng dinastiyang Zhou (1046 – 256 BK). Bagamat magkailang besee na lumipat-lipat ang luklukang administratibo ng lungsod, hindi nagbago ang pangalan hanggang sa panahon ng Tatlong Kaharian (220−280) kung kailang ito ay naging kabisera ng estado ng Silangang Wu na pinamunuan ni Sun Quan. Binago sa "Wuchang" ang pangalan ng lungsod, at nanatili ito noon lamang 1915 na naging punto ng pagkalito sa mga manlalakbay, dahil katunog nito ang mas-malaking lungsod ng Wuchang, ngayon ay bahagi ng Wuhan.[4]

Sa buong kasaysayan ng Tsina nanatiling isang mahalagang lungsod ang Ezhou sa larang pampolitika, pang-ekonomiya, at pangmilitar dahil sa estratehikong kinaroroonan nito sa gitnang kahabaan ng Ilog Yangtze. Isa rin itong napakahalagang lokasyon sa kasaysayan ng Sektang Dalisay na Lupain ng Budismo.[kailangan ng sanggunian]

Mga paghahating pampangasiwaan

May tatlong mga distrito ang antas-prepektura na lungsod ng Ezhou:[1][5][6]

#PangalanWikang Tsino (Pinapayak na mga panitik)
Mga distrito
1Distrito ng Echeng鄂城 (ang sentral na pook urbano)
2Distrito ng Huarong华容
3Distrito ng Liangzihu
(Distrito ng Lawa ng Liangzi)
梁子湖
Mapa
Echeng
Huarong
Liangzihu

Mga sanggunian

Mga panlabas na link

30°24′N 114°50′E / 30.400°N 114.833°E / 30.400; 114.833