Hipon

Ang hipon (Ingles: shrimp; Kastila: camaron[1]) ay kahit na anong maliliit at hindi gaanong kalakihang[1] mga hayop mula sa dagat at ilog (mga krustasyanong kinbibilangan ng inpra-ordeng Caridea). Ito ay kamag-anak ng ulang (Ingles: lobster).[2][3][4]

Hipon
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo:Eukaryota
Kaharian:Animalia
Kalapian:Arthropoda
Subpilo:Crustacea
Hati:Malacostraca
Orden:Decapoda
Suborden:Pleocyemata
Infraorden:Caridea
Dana, 1852
Superfamilies

Alpheoidea
Atyoidea
Bresilioidea
Campylonotoidea
Crangonoidea
Galatheacaridoidea
Nematocarcinoidea
Oplophoroidea
Palaemonoidea
Pandaloidea
Pasiphaeoidea
Procaridoidea
Processoidea
Psalidopodoidea
Stylodactyloidea

Larawan ng tatlong hipon.
Lutong hipon

Uri ng Hipon

  • Alamang - (Acetes sp.) ito ay isang uri ng hipon na bihirang lumagpas ng isang pulgada ang haba.
  • Tagonton - (Palaemon sp.) ay napakaliit na hipon na malapad ang ulo kaysa sa kanyang katawan.
  • Suahe - (Metapanaeus ensis) ang katawan nito ay mababalutan ng di pantay-pantay ng pinong buhok na may batik.
  • Sugpo - (Panaeus monodon) ang katawan nito ay umaabot ng labing-tatlong pulgada (13 inches) ang haba.
  • Hibi - ito ay maliit at tuyong hipon.

Tingnan din

Mga sanggunian