Imortalidad

Ang imortalidad o kawalang-kamatayan ay ang buhay na walang-hanggan, ang kakayahang mabuhay ng magpakailanman.[1] Ang mga anyong biyolohikal ay may mga likas na limitasiyon na maaring hindi kayang lagpasan ng pakikialam ng medisina o inhinyeriya. Naisulong ng likas na pagpili ang isang potensiyal na imortalidad na pang-biyolohiya sa hindi bababa sa isang espesye, ang dikyang Turritopsis dohrnii.[2]

Ang Bukal ng Buhay na Walang Hanggan sa Cleveland, Ohio, Estados Unidos. Inilalarawan nito ang isang "Taong umaangat sa kamatayan, na umaabot sa Diyos at tungo sa kapayapaan".

Mga sanggunian