Lamok

Ang lamok (Ingles: mosquito) ay isang espesye ng insekto ng maliliit na Diptera sa loob ng Culicidae. Mayroong 3,000 espesye ng lamok sa mundo. Ito ay itinuturing na peste na nagdadala ng mga nakakamatay na sakit sa mga tao at hayop

Lamok
Temporal na saklaw: 99–0 Ma Late Cretaceous (Cenomanian) – Recent
Female Culiseta longiareolata
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo:Eukaryota
Kaharian:Animalia
Kalapian:Arthropoda
Hati:Insecta
Orden:Diptera
Superpamilya:Culicoidea
Pamilya:Culicidae
Meigen, 1818[1]
Subfamilies
  • Anophelinae
  • Culicinae
Dibersidad
41 genera
Ang Aedes aegypti na nagsasanhi ng maraming nakakamatay na sakit sa tao kabilang ang dengue, chikungunya, Zika, Mayaro, at yellow fever.

Ebolusyon ng lamok

Ang pinakamatandang fossil ng lamok ay mula 79 milyong taon ang nakakalipas bagaman naniniwala ang mga siyentipiko na ang mga lamok ay unang lumitaw noong 226 milyong taon ang nakakalipas. Noong 2019, natuklasan ng mga siyentipiko ang sang bagong espesye ng lamok sa isang amber mula sa Myanmar at pinaniniwalaang mula sa panahong Kretaseyoso noong mga 145 hanggang 65 milyong taon ang nakakalipas. Ayon sa mga entomologo, noong 10,000 taon ang nakakalipas, ang pagkagat ng lamok sa mga tao ay walang pakinabang sa mga lamok bago ang pagunlad ng agrikultura at sedentaryong lipunan ng tao. Ayon rin sa mga siyentipiko, ang ebolusyon ng mga lamok ay nauugnay sa kasaysayan ng pag-iral ng tao. Ang mga lamok ay nag-ebolb kasabay ng pagbabago sa pamumuhay ng mga tao. Ang maliit na praksiyon ng mga lamok ay nag-ebolb ng espesyalisasyon upang kumagat sa mga tao at ito ang responsable sa karamihan ng mga sakit na dala dala ng lamok sa buong mundo.[2] Sa pagkukumpara ng mga gene ng mga lamok, ang lamok na Aedes aegypti ay nag-ebolb sa mga ninuno nito sa mga isla ng katimugang kanlurang Karagatang Indiyano noong 7 milyog taon ang nakakalipas. Ang mga lamok na ito ay lumaganap mula sa mga kapuluan tungo sa Aprika noong mga 25,000 hanggang 17,000 taon ang nakakalipas. Sa isang pag-aaral ng datos na kinabibilangan ng 1.38 bilyong baseng pares na naglalaman ng mga 15,419 genena nagkokodigo ng mga protina, ang sekwensiya ay nagpapakitang ang Aedis aegypti ay humiwalay mula sa Drosophila melanogaster hoong 250 milyong taon ang nakakalipas at ang Anopheles gambiae at ang espesyeng ito ay naghiwalay noong 150 milyogn taon ang nakakalipas.[3][4] Natuklasan nina Matthews et al. noong 2018 na ang A. aegypti ay nagdadala ng malaki at iba't ibang bilang ng mga elementong transposable. Ang analisis ay nagmumungkahing ito ay karaniwan sa lahat ng mga lamok.[5]

Mga kasapi ng lamok

Ang mga lamok ay kasapi ng pamilyang langaw na nematoceran. Ang mga subpamilya ng lamok ang Anophelinae at Culicinae. Ang mga lamok ay inuuri sa 112 genera.

Subpamilyang Anophelinae

  • Genus Anopheles Meigen, 1818
  • Subgenus Anopheles Meigen, 1818
  • Subgenus Baimaia Harbach, Rattanarithikul and Harrison, 2005
  • Subgenus Cellia Theobald, 1905
  • Subgenus Kerteszia Theobald, 1905
  • Subgenus Lophopodomyia Antunes, 1937
  • Subgenus Nyssorhynchus Blanchard, 1902
  • Section Albimanus
  • Section Argyritarsis
  • Section Myzorhynchella
  • Subgenus Stethomyia Theobald, 1902
  • Genus Bironella Theobald, 1905
  • Subgenus Bironella Theobald, 1905
  • Subgenus Brugella Edwards, 1930
  • Subgenus Neobironella Tenorio, 1977
  • Genus Chagasia Cruz, 1906

Subpamilyang Culicinae

Tribong Aedeomyiini

  • Genus Aedeomyia
  • Subgenus Aedeomyia
  • Subgenus Lepiothauma

Tribe Aedini

  • Genus Abraedes
  • Genus Aedes
  • Genus Alanstonea
  • Genus Albuginosus
  • Genus Armigeres
  • Subgenus Armigeres
  • Subgenus Leicesteria
  • Genus Ayurakitia
  • Genus Aztecaedes
  • Genus Belkinius
  • Genus Borichinda
  • Genus Bothaella
  • Genus Bruceharrisonius
  • Genus Christophersiomyia
  • Genus Collessius
  • Subgenus Alloeomyia
  • Subgenus Collessius
  • Genus Dahliana
  • Genus Danielsia
  • Genus Diceromyia
  • Genus Dobrotworskyius
  • Genus Downsiomyia
  • Genus Edwardsaedes
  • Genus Eretmapodites
  • Genus Finlaya
  • Genus Fredwardsius
  • Genus Georgecraigius
  • Subgenus Georgecraigius
  • Subgenus Horsfallius
  • Genus Gilesius
  • Genus Gymnometopa
  • Genus Haemagogus[6]
  • Subgenus Conopostegus
  • Subgenus Haemagogus
  • Genus Halaedes
  • Genus Heizmannia
  • Subgenus Heizmannia
  • Subgenus Mattinglyia
  • Genus Himalaius
  • Genus Hopkinsius
  • Subgenus Hopkinsius
  • Subgenus Yamada
  • Genus Howardina
  • Genus Huaedes
  • Genus Hulecoeteomyia
  • Genus Indusius
  • Genus Isoaedes
  • Genus Jarnellius
  • Subgenus Jarnellius
  • Subgenus Lewnielsenius
  • Genus Jihlienius
  • Genus Kenknightia
  • Genus Kompia
  • Genus Leptosomatomyia
  • Genus Lorrainea
  • Genus Luius
  • Genus Macleaya
  • Subgenus Chaetocruiomyia
  • Subgenus Macleaya
  • Genus Molpemyia
  • Genus Mucidus
  • Subgenus Mucidus
  • Subgenus Lewnielsenius
  • Genus Neomelaniconion
  • Genus Ochlerotatus
  • Subgenus Acartomyia
  • Subgenus Buvirilia
  • Subgenus Chrysoconops
  • Subgenus Culicelsa
  • Subgenus Empihals
  • Subgenus Geoskusea
  • Subgenus Gilesia
  • Subgenus Levua
  • Subgenus Ochlerotatus
  • Subgenus Pholeomyia
  • Subgenus Protoculex
  • Subgenus Pseudoskusea
  • Subgenus Rhinoskusea
  • Subgenus Rusticoidus
  • Subgenus Sallumia
  • Genus Opifex
  • Subgenus Nothoskusea
  • Subgenus Opifex
  • Genus Paraedes
  • Genus Patmarksia
  • Genus Phagomyia
  • Genus Pseudarmigeres
  • Genus Psorophora
  • Subgenus Grabhamia
  • Subgenus Janthinosoma
  • Subgenus Psorophora
  • Genus Rampamyia
  • Genus Scutomyia
  • Genus Skusea
  • Genus Stegomyia
  • Genus Tanakaius
  • Genus Tewarius
  • Genus Udaya
  • Genus Vansomerenis
  • Genus Verrallina
  • Subgenus Harbachius
  • Subgenus Neomacleaya
  • Subgenus Verrallina
  • Genus Zavortinkius
  • Genus Zeugnomyia

Tribong Culicini

  • Genus Culex
  • Subgenus Acalleomyia
  • Subgenus Acallyntrum
  • Subgenus Aedinus
  • Subgenus Afroculex
  • Subgenus Allimanta
  • Subgenus Anoedioporpa
  • Subgenus Barraudius
  • Subgenus Belkinomyia
  • Subgenus Carrollia
  • Subgenus Culex
  • Subgenus Culiciomyia
  • Subgenus Eumelanomyia
  • Subgenus Kitzmilleria
  • Subgenus Lasiosiphon
  • Subgenus Lophoceraomyia
  • Subgenus Maillotia
  • Subgenus Melanoconion
  • Subgenus Micraedes
  • Subgenus Microculex
  • Subgenus Neoculex
  • Subgenus Nicaromyia
  • Subgenus Oculeomyia
  • Subgenus Phenacomyia
  • Subgenus Phytotelmatomyia
  • Subgenus Sirivanakarnius
  • Subgenus Tinolestes
  • Genus Deinocerites
  • Genus Galindomyia
  • Genus Lutzia
  • Subgenus Insulalutzia
  • Subgenus Lutzia
  • Subgenus Metalutzia

Tribong Culisetini

  • Genus Culiseta
  • Subgenus Allotheobaldia
  • Subgenus Austrotheobaldia
  • Subgenus Climacura
  • Subgenus Culicella
  • Subgenus Culiseta
  • Subgenus Neotheobaldia
  • Subgenus Theomyia

Tribe Ficalbiini

  • Genus Ficalbia
  • Genus Mimomyia
  • Subgenus Etorleptiomyia
  • Subgenus Ingramia
  • Subgenus Mimomyia

Tribong Hodgesiini

  • Genus Hodgesia

Tribong Mansoniini

  • Genus Coquillettidia
  • Subgenus Austromansonia
  • Subgenus Coquillettidia
  • Subgenus Rhynchotaenia
  • Genus Mansonia
  • Subgenus Coquillettidia
  • Subgenus Mansonioides

Tribong Orthopodomyiini

  • Genus Orthopodomyia

Tribong Sabethini

  • Genus Isostomyia
  • Genus Johnbelkinia
  • Genus Kimia
  • Genus Limatus
  • Genus Malaya
  • Genus Maorigoeldia
  • Genus Onirion
  • Genus Runchomyia
  • Subgenus Ctenogoeldia
  • Subgenus Runchomyia
  • Genus Sabethes
  • Subgenus Davismyia
  • Subgenus Peytonulus
  • Subgenus Sabethes
  • Subgenus Sabethinus
  • Subgenus Sabethoides
  • Genus Shannoniana
  • Genus Topomyia
  • Subgenus Suaymyia
  • Subgenus Topomyia
  • Genus Trichoprosopon
  • Genus Tripteroides
  • Subgenus Polylepidomyia
  • Subgenus Rachionotomyia
  • Subgenus Rachisoura
  • Subgenus Tricholeptomyia
  • Subgenus Tripteroides
  • Genus Wyeomyia
  • Subgenus Antunesmyia
  • Subgenus Caenomyiella
  • Subgenus Cruzmyia
  • Subgenus Decamyia
  • Subgenus Dendromyia
  • Subgenus Dodecamyia
  • Subgenus Exallomyia
  • Subgenus Hystatamyia
  • Subgenus Menolepis
  • Subgenus Nunezia
  • Subgenus Phoniomyia
  • Subgenus Prosopolepis
  • Subgenus Spilonympha
  • Subgenus Wyeomyia
  • Subgenus Zinzala

Tribong Toxorhynchitini

  • Genus Toxorhynchites
  • Subgenus Afrorhynchus
  • Subgenus Ankylorhynchus
  • Subgenus Lynchiella
  • Subgenus Toxorhynchites

Tribong Uranotaeniini

  • Genus Uranotaenia
  • Subgenus Pseudoficalbia
  • Subgenus Uranotaenia

Tagapagdala ng sakit

Ang mga lamok ay mga vector o tagapagdala o nagpapasa ng maraming mga sakit na sanhi ng mga virus at parasito. Kabilang sa mga sakit na dala dala ng mga lamok ang malaria, dengue, West Nile virus, chikungunya, yellow fever, filariasis, tularemia, dirofilariasis, Japanese encephalitis, Saint Louis encephalitis, Western equine encephalitis, Eastern equine encephalitis,[7] Venezuelan equine encephalitis, Ross River fever, Barmah Forest fever, La Crosse encephalitis, and Zika fever,[7] gayundin ang bagong natukoy na Keystone virus at Rift Valley fever. Walang ebidensiya na ang COVID-19 ay maipapasa ng kagat ng lamok sa tao o kahit ang HIV.[8][9]

Ang kagat ng mga babaeng lamok ng genus na Anopheles ay nagdadala ng parasitong malaria. Ang apat na espesye ng protozoa na nagsasanhi ng malaria ang Plasmodium falciparum, Plasmodium malariae, Plasmodium ovale at Plasmodium vivax[10] (see Plasmodium). Sa buong mundo, ang malaria ang pangunahing sanhi ng maagang kamatayan lalo na sa mga bata sa ilalim ng edad na lima na may 207 milyong kaso ang higit sa kalahting milyong kamatayan noong 2012. Ang kamatayan sa kagat ng lamok na nagsanhi ng malaria ay umabot ng isang milyong noong 2018 ayon sa American Mosquito Control Association.[11]

Ang ilang espesye ng lamok ay nagsasanhi ng uod na filariasis na isang parasitong nagsasanhi ng elephantiasis na nagdudulot ng kapansanan sa mga tao.

Ang mga sakit na virus na yellow fever, dengue fever, Zika fever at chikungunya ay dulot ng kagat ng mga lamok naAedes aegypti mosquitoes.

Ang ibang mga sakit gaya ng epidemic polyarthritis, Rift Valley fever, Ross River fever, St. Louis encephalitis, West Nile fever, Japanese encephalitis, La Crosse encephalitis at ilang encephalitis ay sanhi ng ilang lamok. Ang Eastern equine encephalitis (EEE) at Western equine encephalitis (WEE) ay nangyayari sa Estados Unidos na nagsasanhi ng sakit sa mga tao, kabayo at ibon. Dahil sa mataas na kamatayan sa mga sakit na ito, ang EEE at WEE ay itinuturing na pinakaseryosong sakit sa Estados Unidos. Ang mga sintomas nito ay transkaso, coma at kamatayan.[12]


Mga sanggunian

Ang lathalaing ito na tungkol sa Kulisap ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.