Listahan ng mga aktibong bulkan sa Pilipinas

Sa ibaba ay ang listahan ng mga aktibong bulkan sa Pilipinas, na, batay sa pagpapakahulugan ng Surian ng Pilipinas sa Bulkanolohiya at Sismolohiya (PHIVOLCS sa Ingles), ay anumang bulkan na pumutok sa loob ng nakalipas na 600 taon, may ulat ng pagputok na naidokumento ng tao, o kaya ay pumutok sa nakalipas na 10,000 taon (epokang Holoseno).[1]

Ang Bulkang Mayon ang pinakaaktibong bulkan sa Pilipinas sa usapin ng dalas ng pagputok

Sa listahan ng PHIVOLCS, mayroong 24 aktibong bulkan sa Pilipinas, 21 sa ito ay may mga ulat ng pagputok sa kasaysayan. Ang natitirang tatlo ay walang nakasulat na rekord ngunit natitiyak na aktibo batay sa resulta ng radiocarbon dating ng mga deposito ng uson (pyroclastic material): ang Cabalian (na huling pumutok sa pagitan ng 165-105 BCE)[2], ang Leonard Kniaseff (na huling pumutok 1,800-6,000 taon na ang nakalilipas)[3], at Isarog (na huling pumutok sa pagitan ng 3500-2374 BCE ± 87).[4]

Samantala, may hiwalay na listahang minimintine ang Global Volcanism Program (GVP) ng Suriang Smithsonian.[5] Nililista ng GVP ang mga bulkan bilang bahagi ng kanilang listahan kung ang bulkan ay may malakas na ebidensya pa rin ng kasalukuyang bulkanikong aktibidad, tulad ng pagkakaroon ng mga pagsingaw, mainit na bukal, kumukulong putik, at iba pa.[6]

Listahan ng mga bulkan

Imapa lahat ng mga koordinado gamit ang: OpenStreetMap 
I-download ang mga koordinado bilang: KML

Pinapakita sa baba ang talalistahan ng 27 aktibong bulkan base sa listahan ng PHIVOLCS at ilang bulkan mula sa GVP. Hindi tiyak ang bilang na ito at nakasalalay sa kahulugan ng "aktibong bulkan" na ginagamit o sa historikal na panahon.

PangalanTaas (sa itaas ng kati (above sea level))KoordinadoLalawiganIlang beses nang pumutok
mftKasalukuyang kalagayan
Pangkat Ambalatungan2,3297,64117°18′40″N 121°06′13″E / 17.310982°N 121.103668°E / 17.310982; 121.103668 (Ambalatungan Group)Kalinga0Hindi tiyak kung pumutok noong 1952.[7] May mga pagsingaw (fyumarol at solfatara) at mainit na bukal
Babuyan Claro8432,76619°31′23″N 121°56′24″E / 19.523°N 121.940°E / 19.523; 121.940 (Babuyan Claro)Cagayan3May mga naiulat na pagputok noong 1831, 1860, at 1913. May mainit na bukal sa timog na bahagi
Banahaw2,1697,11614°04′N 121°29′E / 14.07°N 121.48°E / 14.07; 121.48 (Banahaw)Laguna, Quezon4Hindi tiyak kung may pagputok na kasabay noong nagkaroon ng pagdaloy ng putik noong 1730, 1743, 1843, at 1909.[8]
Biliran1,3404,40011°33′29″N 124°30′47″E / 11.558°N 124.513°E / 11.558; 124.513 (Biliran)Biliran1May preatikong pagputok noong 1939. May pagsingaw at mainit na mga bukal
Bulusan1,5655,13512°46′12″N 124°03′00″E / 12.770°N 124.05°E / 12.770; 124.05 (Bulusan)Sorsogon17May mga pagputok mula 1886 hanggang 2022. Tuloy-tuloy na minamanmanan
Cabalian9453,10010°17′13.2″N 125°13.25′0″E / 10.287000°N 125.22083°E / 10.287000; 125.22083 (Cabalian)Southern Leyte1Huling pumutok noong 1820 batay sa pagsukat ng radiocarbon ng deposito ng uson nito
Cagua1,1603,81018°13′19″N 122°07′23″E / 18.222°N 122.123°E / 18.222; 122.123 (Cagua)Cagayan1Pumutok noong 1860 at malakas na pagsingaw noong 1907. May mga mainit na bukal sa hilagang-kanluran at hilagang hilagang-silangang giliran
Camiguin de Babuyanes7122,33618°49′48″N 121°51′36″E / 18.83°N 121.860°E / 18.83; 121.860 (Camiguin de Babuyanes)Cagayan1Naiulat na pumutok noong 1857. May pagsingaw at mainit na bukal
Didicas8432,76619°04′37″N 122°12′07″E / 19.077°N 122.202°E / 19.077; 122.202 (Didicas)Cagayan6Pumutok noong 1773, 1856, 1900, 1952, 1969 at 1978. Nakalubog sa ilalim ng dagat ngunit lumitaw noong 1952 nang mabuo ang isang permanenteng isla[9]
Hibok-Hibok1,3324,3709°12′11″N 124°40′23″E / 9.203°N 124.673°E / 9.203; 124.673 (Hibok-Hibok)Camiguin5Pumutok noong 1827, 1862, 1871 at 1948–1952. Tuloy-tuloy na minamanmanan.
Iraya1,0093,31020°28′08″N 122°00′36″E / 20.469°N 122.010°E / 20.469; 122.010 (Iraya)Batanes1Huling pumutok noong 1454. May serye ng mga paglindol noong 1998.
Iriga1,1433,75013°27′25″N 123°27′25″E / 13.457°N 123.457°E / 13.457; 123.457 (Iriga)Camarines Sur0Ang napaulat na pagputok noong 1628 ay napatunayang hindi pala totoo[10]
Isarog1,1433,75013°39′29″N 123°22′48″E / 13.658°N 123.38°E / 13.658; 123.38 (Isarog)Camarines Sur2Huling pumutok sa pagitan ng 3500 BCE ± 125 taon at 2374 BCE ± 87 taon batay sa pagsusukat ng radiocarbon.[11][12][13]
Pangkat Jolo6202,0306°00′47″N 121°03′25″E / 6.013°N 121.057°E / 6.013; 121.057 (Jolo Group)Sulu0May pagputok sa ilalim ng dagat noong 1897. Kasama sa pangkat na ito ang bulkang Bud Dajo, isang sinderong apa o apang-baga (cinder cone) sa Isla ng Jolo, na nasa listahan ng PHIVOLCS.
Kanlaon2,4357,98910°24′43″N 123°07′55″E / 10.412°N 123.132°E / 10.412; 123.132 (Kanla-on)Negros Occidental, Negros Oriental26Pumutok nang ilang beses mula 1886 hanggang 2006. May maliit na pagputok ng singaw noong Nobyembre 2015. Tuloy-tuloy na minamanmanan
Leonard Kniaseff2006607°22′55″N 126°02′49″E / 7.382°N 126.047°E / 7.382; 126.047 (Leonard Kniaseff)Davao de Oro1Huling pumutok noong taong 120 CE.[14] Malakas ang mga mainit na bukal
Makaturing1,9406,3607°38′49″N 124°19′12″E / 7.647°N 124.32°E / 7.647; 124.32 (Makaturing)Lanao del Sur2Pumutok noong 1865 at 1882. Ang mga naiulat na pagputok nito noong 1856 at 1858 ay pagputok pala ng bulkang Ragang[15][16]
Matutum2,2867,5006°22′N 125°04′E / 6.37°N 125.07°E / 6.37; 125.07 (Matutum)South Cotabato0May pagsingaw noong Marso 7, 1911 ngunit di tiyak kung may pagputok. May mga mainit na bukal sa Akmoan at Linan.

[17][18]

Mayon2,4608,07013°15′25″N 123°41′06″E / 13.257°N 123.685°E / 13.257; 123.685 (Mayon)Albay54Ilang beses nang pumutok mula 1616 hanggang 2023. Tuloy-tuloy na minamanmanan.
Mélébingóy1,7845,8536°06′47″N 124°53′31″E / 6.113°N 124.892°E / 6.113; 124.892 (Mount Melibengoy)South Cotabato1Pumutok noong Enero 4, 1641 at bumuo ng kaldera
Musuan6462,1197°52′37″N 125°04′05″E / 7.877°N 125.068°E / 7.877; 125.068 (Musuan)Bukidnon2May mga pagputok noong 1866 at 1867. May malakas na serye ng paglindol noong 1976.
Pinatubo1,4454,74115°08′N 120°21′E / 15.13°N 120.35°E / 15.13; 120.35 (Pinatubo)Zambales, Tarlac, Pampanga4Muling pumutok noong 1991 na nagdulot sa ikalawang pinakamalaking pagputok ng bulkan sa ika-20 siglo. Sinundan ng mahihinang pagputok noong 1992 at 1993. Tuloy-tuloy na minamanmanan.
Ragang2,8159,2367°42′N 124°30′E / 7.70°N 124.50°E / 7.70; 124.50 (Ragang)Lanao del Sur, Cotabato7Ilang beses na pumutok noong 1765 hanggang 1873. Di tiyak kung pumutok noong 1915 at 1916.
Bulkanikong Parang ng San Pablo (San Pablo Volcanic Field)1,0903,58014°07′N 121°18′E / 14.12°N 121.30°E / 14.12; 121.30 (San Pablo Volcanic Field)Laguna, Batangas0Ang huling pagputok noong taong 1350 CE +/- 100 taon ay bumuo sa Lawa ng Sampaloc[19]
Smith6882,25719°32′02″N 121°55′01″E / 19.534°N 121.917°E / 19.534; 121.917 (Smith)Cagayan6Ilang beses pumutok sa pagitan ng 1652 hanggang 1924. Itinuturing na kasama ito ng Babuyan Claro sa GVP
Taal3111,02014°00′07″N 120°59′35″E / 14.002°N 120.993°E / 14.002; 120.993 (Taal)Batangas38Ilang beses nang pumutok mula pa noong 1572 hanggang sa kasalukuyan. Tuloy-tuloy na minamanmanan
Di pa napapangalanang bulkan
(Ibugos)
−24−7920°20′N 121°45′E / 20.33°N 121.75°E / 20.33; 121.75 (Unnamed volcano (Ibugos))Batanes3Pumutok sa ilalim ng dagat noong 1773, 1850, at 1854.

Mga Larawan

Basahin din

Mga sanggunian