Lutuing Pranses

mga pagkaing patok sa panlasa ng Pranses

Ang lutuing Pranses (Pranses: Cuisine française) ay tradisyon at gawi sa pagluluto mula sa Pransiya. Noong ika-14 na siglo, sinulat ni Guillaume Tirel, isang kusinero ng korte na kilala bilang "Taillevent", ang Le Viandier, isa sa mga pinakaunang koleksyon ng resipi ng Edad-Medyang Pransiya. Noong ika-17 siglo, nanguna sina kusinerong François Pierre La Varenne at Marie-Antoine Carême sa kilusan na nagpalayo ng lutuing Pranses mula sa mga banyagang impluwensiya nito at naglinang ng sariling katutubong istilo ng Pransiya.

Isang presentasyon ng nouvelle cuisine
Presentasyon ng Pranses na haute cuisine

Malaking bahagi ng lutuin ang keso at alak. Magkaiba ang kanilang ginagampanan sa mga rehiyon at sa buong bansa, na may samu't saring baryasyon at batas ukol sa appellation d'origine contrôlée (AOC) (reguladong pangalan).[1]

Nakatulong ang turismong pampagkain at Guide Michelin sa pagpapakilala sa mga karaniwang tao ng cuisine bourgeoise ng mga mayayaman sa lungsod at ng lutuin ng mga mambubukid simula noong ika-20 siglo. Lumaganap at nagkaiba-iba ang maraming putahe na dating rehiyonal sa buong bansa.

Malaki ang impluwensiya ng kaalamang Pranses sa pagluluto sa mga lutuing Kanluranin. Malawakang ginagamit ang pamantayan nito sa mga Kanluraning lupon ng paaralan sa pagluluto at edukasyon pangkulinaryo. Noong Nobyembre 2010, idinagdag ang gastronomiyang Pranses ng UNESCO sa talaan nito ukol sa "di-materyal na pamanang kultural" ng mundo.[2][3]

Mga sanggunian

Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.