Mahabang Muog ng Tsina

Ang Mahabang Muog ng Tsina o Dakila't Maringal[1][2] na Tabiki ng Tsina (Great Wall of China sa Ingles), ay isang kahanayan ng mga bato at harang sa Republikang Popular ng Tsina, itinayo, muling ipinaayos, at pinanatili sa pagitan ng ika-5 at ika-6 na dantaon upang ipananggalang ang mga paligid na nasasakupan ng Imperyong Tsina noong nanunungkulan ang mga nagpapalitang mga dinastiya. Maraming mga tabiki, na tinaguriang Magiting na Tabiki ng Tsina, ay itinayo mula pa noong ika-5 dantaon BK. Ang pinakatanyag ay ang dinding na itinayo sa pagitan ng 200 BK - 220 BK na ipinasagawa ng unang Emperador ng Tsina, si Qin Shi Huang; kaunti na lamang nito ang natitira; higit na malayo ang abot nito pahilaga kaysa sa pangkasalukuyang dinding, at itinayo noong kapanuhan ng Dinastiyang Ming noong ika-15 siglo.[3]

Mahabang Muog ng Tsina
Dakilang Pader ng Tsina
Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO
PamantayanPangkalinangan: i, ii, iii, iv, vi
Sanggunian438
Inscription1987 (ika-11 sesyon)

Umaabot ang haba ng Mahabang Muog[1][2] ng Tsina ng higit sa may 6,508 km (4,000 milya)[4] mula Shanhaiguan sa silangang hanggang Lop Nur sa kanluran, sa may kahabaan ng isang arkong magaspang na humahati sa katimugang gilid ng Panloob na Mongolya, subalit umaabot ng higit sa 6,700 km (4,160 milya) ang kabuuan.[5] Sa panahon ng katanyagan nito, ang Tabiking Ming ay tinatanuran ng higit sa isang milyong mga tauhan.[6] Tinatayang may 2 hanggang 3 milyong Tsino ang namatay sa loob ng panahon ng daan-daantaong proyekto ng pagtatayo ng tabiki.[7]

Mga sanggunian