Pangkat ng Maute

kapisanang pang-terorismo sa Pilipinas
(Idinirekta mula sa Maute group)

Ang Pangkat ng Maute ([mɐʔutɪ] o [mɐʔute̞]), na kilala rin bilang Islamikong Estado ng Lanao, ay isang radikal at Islamistang pangkat na binubuo ng mga dating gerilya ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at ilang banyagang mandirigma na pinamumunuan ni Abdullah Maute, ang sinasabing tagapagtatag ng isang Dawlah Islamiya, o Islamikong estado na nakabase sa Lanao del SurMindanaoPilipinas. Naging kilala ang pangkat noong naganap ang isang labanan sa mga tropa ng Hukbong Katihan ng Pilipinas noong Pebrero 2016 na nauwi sa pagbihag ng kanilang punong tanggapan sa bayan ng Butig, Lanao del Sur. May mga ulat na napatay ang kapatid ni Abdullah na si Omar Maute sa nasabing labanan. Mayroon ding mga ulat na salungat, at sinasalaysay na nakatakas siya bago nilusob ang kampo at buhay pa rin. Magmula noon ang pangkat, na tinuring ng isang brigadang komandante ng Hukbong Katihan ng Pilipinas bilang terorista, ay nagsasagawa ng protection racket sa mga malalayong pamayanan ng Butig. Matapos ang pagkamatay ng mga pinuno nito na sina Omar at Abdullah Maute at ang pagkatalo nito sa labanan sa Marawi, tuluyan nang nawala sa pagkairal ang pangkat pang-terorismo na ito.[5]

Pangkat ng Maute
PinunoOmar Maute †
Abdullah Maute †[1][2]
Pagkatatag2012
Mga petsa ng operasyon2013 (2013) – Oktubre 23, 2017[3]
Nabuwag2017
BansaPilipinas
Mga aktibong rehiyonLanao del Sur
IdeolohiyaRadikal na Islamismo
Mga bantog na pag-atakePagatake sa Butig noong Pebrero at Nobyembre 2016
2016 pambobomba sa lungsod ng Dabaw
2017 Krisis sa Marawi
Laki25 (Mayo 2019)
← Naunahan ng
Khilafah Islamiyah Movement[4]

Mga sanggunian

Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.