Miss Universe 2009

Ang Miss Universe 2009 ay ang ika-58 edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Imperial Ballroom sa Atlantis Paradise Island, Nassau, Bahamas noong 23 Agosto 2009.

Miss Universe 2009
Stefanía Fernández
Petsa23 Agosto 2009
Presenters
  • Billy Bush
  • Claudia Jordan
Entertainment
PinagdausanImperial Ballroom, Atlantis Paradise Island, Nassau, Bahamas
BrodkasterInternasyonal:
Opisyal:
  • ZNS-TV
Lumahok83
Placements15
Hindi sumali
  • Antigua at Barbuda
  • Dinamarka
  • Kapuluang Turks at Caicos
  • Kasakistan
  • Sri Lanka
  • Trinidad at Tobago
Bumalik
  • Bulgarya
  • Etiyopiya
  • Guyana
  • Lebanon
  • Lupangyelo
  • Namibya
  • Rumanya
  • Suwesya
  • Sambia
NanaloStefanía Fernández
Venezuela Beneswela
CongenialityWang Jingyao
 Tsina
Pinakamahusay na Pambansang KasuotanDiana Broce
 Panama
PhotogenicChutima Durongdej
 Taylandiya
← 2008
2010 →

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Dayana Mendoza ng Beneswela si Stefanía Fernández ng Beneswela bilang Miss Universe 2009. Ito ang una at sa kasalukuyan, ang tanging pagkakataon sa kasaysayan ng Miss Universe na nanalo ang isang bansa sa loob ng dalawang magkasunod na taon.[1][2] Nagtapos bilang first runner-up si Ada Aimée de la Cruz ng Republikang Dominikano, habang nagtapos bilang second runner-up si Marigona Dragusha ng Kosobo.[3][4]

Mga kandidata mula sa walumpu't-tatlong bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Billy Bush at Claudia Jordan ang kompetisyon.[5][6] Nagtanghal sina Heidi Montag, Flo Rida, Kelly Rowland, at David Guetta sa edisyong ito.[7]

Itinampok din sa edisyong ito ang bagong Diamond Nexus Crown. Sa unang pagkakataon, bumoto ang mga manonood mula sa tatlong disenyo ng bagong korona. Binoto ng mga manonood ang Peace crown, na mayroong 1,371 na gemstone, at may timbang na 416.09 carats o 83.218 g. Ito ay gawa sa isang haluang metal na naglalaman ng 544.31 gramo ng 14k at 18k na puting ginto at platinum.[8] Itinampok din sa korona ang mga synthetic ruby na kinakatawan ang pangunahing adbokasiya ng Miss Universe na HIV/AIDS education at awareness.[9]

Kasaysayan

Atlantis Paradise Island Hotel, ang lokasyon ng Miss Universe 2009

Lokasyon at petsa ng kompetisyon

May intensyon si Donald Trump, presidente ng Miss Universe Organization, na idaos ang 2009 pageant sa Dubai. Gayunpaman, ang mga negosasyon ay hindi natupad dahil sa kawalang-katatagan ng pulitika tungkol sa pagitan ng Nagkakaisang Arabong Emirato at Israel, at para rin sa mga dahilang pang-relihiyon. Interesado rin ang Kroasya sa pagdaraos ng pageant. Gayunpaman, binawi ng bansa ang kanilang bid na mag-host ng patimpalak dahil sa mga suliraning pang-ekonomiya kaugnay ng pandaigdigang Great Recession na naganap mula 2007 hanggang 2009. [10]

Noong 1 Hulyo 2008, sinubukan ng mamumuhunang si Jonathan Westbrook na maglunsad ng bid para ganapin sa Australya ang kompetisyon. Gayunpaman, ang hindi nagpatuloy ang negosasyon dahil hindi interesado ang bansa na idaos ang Miss Universe.[11] Kalaunan, inihayag ng Miss Universe Organization noong 3 Marso 2009 na gaganapin ang kompetisyon sa Atlantis Paradise Island sa Nassau, Bahamas . Ang pageant ay dapat sanang gaganapin noong Agosto 25, ngunit ito ay inilipat sa Agosto 23.[12]

Pagpili ng mga kalahok

Ang mga kalahok mula sa walumpu't-tatlong mga bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Apat na kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang bansa/teritoryo matapos maging isang runner-up sa kanilang kompetisyong pambansa o napili sa isang casting process, habang isang kandidata ang napili matapos ang pag-urong ng orihinal na kalahok.[13][14]

Mga pagpalit at pagluklok

Iniluklok ang first runner-up ng Miss Curaçao 2009 na si Angenie Simon upang kumatawan sa kanyang bansa matapos na umurong sa kompetisyon ang orihinal na nagwagi na si Ashanta Macauly dahil sa kanyang kalusugan. Iniluklok ang first runner-up ng Miss Honduras 2008 na si Bélgica Suárez upang kumatawan sa kanyang bansa dahil sa politikal na krisis na nagaganap sa kanyang bansa.[15] Iniluklok ang first runner-up ng Miss Universe Vietnam 2008 na si Võ Hoàng Yến bilang Miss Universe Vietnam 2009 ng UNICorp, ang may hawak ng prangkisa ng Miss Universe sa Biyetnam.[16]

Mga pagbalik at mga pag-urong

Bumalik sa edisyong ito ang mga bansang Bulgarya, Etiyopiya, Guyana, Libano, Lupangyelo, Namibya, Rumanya, Sambia, at Suwesya. Huling sumali noong 1998 ang Rumanya, noong 2006 ang Etiyopiya, Lupangyelo, Namibya, at Suwesya, at noong 2007 ang Bulgarya, Guyana, at Libano.

Hindi sumali ang mga bansang Antigua at Barbuda, Dinamarka, Kapuluang Turks at Caicos, Kasakistan, Sri Lanka, at Trinidad at Tobago sa edisyong ito. Hindi sumali sina Olga Nikitina ng Kasakistan at Faith Landers ng Sri Lanka dahil sa kakulangan sa mga isponsor.[17][18] Bagama't nakasali pa sa paunang komeptisyon, bumitiw sa kompetisyon si Jewel Selver ng Kapuluang Turks at Caicos dahil ito ay nagkasakit.[19][20] Hindi sumali ang mga bansang Antigua at Barbuda, Dinamarka, at Trinidad at Tobago sa edisyong ito matapos na mabigo ang kanilang organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.

Dapat rin sanang lalahok si Sorene Maratita ng Hilagang Kapuluang Mariana, ngunit hindi ito nagpatuloy dahil sa kakulangan ng mga isponsor.[21]

Mga insidente sa panahon ng kompetisyon

Noong 1 Agosto 2009, inihayag ng mga opisyal ng Bulibya na maaaring magharap ng isang legal na hamon ang mga ito sa mga organizer ng Miss Universe dahil sa nakaplanong paggamit ng isang tipikal na Diablada ni ng Peru. Ayon sa Ministro ng Kultura ng Bulibya nasi Pablo Groux, ang paggamit ni Schwarz ng nasabing kasuotan sa pageant ay labag sa batas na apropriyasyon ng kultura at pamana ng mga Bulibyano, at nagbabantang dadalhin ang kasong ito sa International Court of Justice.[22][23]

Binanggit sa El Comercio, isang pahayagan sa Peru, na hindi ito ang unang pagkakataon na itinampok ang diablada sa kompetisyon, at na si Miss Universe Chile 1983 María Josefa Isensee ang unang gumamit nito sa Miss Universe. Sinabi ng Foreign Minister ng Peru na si José Antonio García Belaúnde na dahil mula sa Aymara ang damit na diabala, hindi ito maaaring ituring na eksklusibo sa alinmang bansa kung saan nakatira ang mga Aymara.[24][25]

Mga resulta

Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss Universe 2009 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay

PagkakalagayKandidata
Miss Universe 2009
1st runner-up
2nd runner-up
3rd runner-up
4th runner-up
Top 10
Top 15

Mga iskor sa kompetisyon

Nagwagi
1st runner-up
2nd runner-up
3rd runner-up
4th Runner-up
Top 10
Top 15
Bansa/TeritoryoSwimsuitEvening Gown
Beneswela8.760 (4)8.869 (5)
Republikang Dominikano9.189 (2)9.428 (1)
Kosobo8.790 (3)9.250 (2)
Australya9.264 (1)9.039 (4)
Porto Riko8.533 (7)9.050 (3)
Pransiya8.640 (5)8.650 (6)
Timog Aprika8.460 (8)8.040 (7)
Republikang Tseko8.350 (9)8.010 (8)
Suwisa8.611 (6)7.890 (9)
Estados Unidos8.060 (10)7.550 (10)
Albanya7.900 (11)
Belhika7.870 (12)
Suwesya7.830 (13)
Kroasya7.811 (14)
Lupangyelo7.730 (15)

Mga espesyal na parangal

ParangalNagwagi
Miss Congeniality
Miss Photogenic

Best National Costume

PagkakalagayKandidata
Nagwagi
1st runner-up
2nd runner-up

Kompetisyon

Pormat ng kompetisyon

Tulad noong 2007, labinlimang semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon at ang mga closed-door interview. Lumahok sa swimsuit competition ang dalawampung mga semi-finalist, at kalaunan ay pinili ang sampung mga semi-finalist. Lumahok sa evening gown competition ang sampung mga semi-finalist at kalaunan ay pinili ang limang pinalista. Limang pinalista ang sumabak sa paunang question-and-answer round at final walk.[28]

Komite sa pagpili

Paunang kompetisyon

  • Adriana Ching – Abogado at dating real estate developer, pilantropo
  • Corinne Nicolas – Pangulo ng Trump Model Management[29]
  • David Friedman – Executive producer ng [29]
  • Rosalina Lydster Daly – Biyetnam-Amerikanong fashion designer
  • Sarah Markantonis – Ambassador ng Kerzner International Bahamas
  • Mario Mosley – Amerikanong choreographer[29]
  • Steven Schillaci – Talent producer[29]
  • Tiza Tjokroadisumarto – Director of Retail Operations para sa Michael Kors
  • Todd Winston – Vice president of sales sa Creative Promotional
  • Mark Wylie – Talent executive para sa Best Buddies[29]

Final telecast

  • Dean Cain – Amerikanong aktor at producer[30][31]
  • Colin Cowie – Amerikanong awtor, at taga-disenyo[30][31]
  • Gerry DeVeaux – Producer na Bahames[30][31]
  • Heather Kerzner – Timog-Aprikanang negosyante at pilantropo[30][31]
  • Richard LeFrak – CEO at pangulo ng LeFrak Organization[30][31]
  • André Leon Talley – Amerikanong fashion journalist[30][31]
  • George J. Maloof, Jr. – Propesyonal na sports mogul at hotelier[30][31]
  • Valeria Mazza – Arhentinang modelo[30][31]
  • Matthew Rolston – Amerikanong litratista at direktor[30][31]
  • Farouk Shami – Tagapagtatag at tagapangulo ng CHI Hair Care[30][31]
  • Tamara Tunie – Amerikanang aktres[30][31]
  • Keisha Whitaker – Tagapagtatag ng Kissable Couture Lip Gloss line[30][31]

Mga kandidata

Walumpu't-tatlong kandidata ang lumahok para sa titulo.[32]

Bansa/TeritoryoKandidataEdad[a]Bayan
AlbanyaHasna Xhukiçi21Fier
AlemanyaMartina Lee[33]24Meinerzhagen
AnggolaNelsa Alves[34]22Luanda
ArhentinaJohanna Lasic[35]23Buenos Aires
ArubaDianne Croes22Oranjestad
AustralyaRachael Finch[36]21Townsville
Bagong SilandiyaKatie Taylor[37]22Auckland
BahamasKiara Sherman[38]26Freeport
BelhikaZeynep Sever[39]20Bruselas
BeneswelaStefanía Fernández[40]18Mérida
BiyetnamVõ Hoàng Yến[41]20Lungsod ng Ho Chi Minh
BrasilLarissa Costa[42]25São Gonçalo Do Amarante
BulgaryaElitsa Lubenova[43]19Dve Mogili
BulibyaDominique Peltier[44]22Cochabamba
CuraçaoAngenie Simon24Willemstad
EhiptoElham Wagdy[45]26Cairo
EkwadorSandra Vinces[46]19Portoviejo
El SalvadorMayella Mena[47]21San Salvador
EslobakyaDenisa Mendrejová[48]23Bratislava
EslobenyaMirela Korač[49]22Ljubljana
EspanyaEstíbaliz Pereira[50]23Santiago de Compostela
Estados UnidosKristen Dalton[51]22Wilmington
EstonyaDiana Arno[52]25Tallin
EtiyopiyaMelat Yante[53]19Adis Abeba
GanaJennifer Koranteng[54]23Accra
Gran BritanyaClair Cooper[55]27Londres
GresyaViviana Zagorianakou Campanile[56]19Atenas
GuamRacine Manley[57]24Dededo
GuwatemalaLourdes Figueroa[58]21Lungsod ng Guatemala
 GuyanaJenel Cox[59]19Georgetown
HamaykaCarolyn Yapp[60]25Montego Bay
HaponEmiri Miyasaka[61]25Tokyo
HeorhiyaLika Ordzhonikidze[62]19Tbilisi
HondurasBélgica Suárez[63]23Tegucigalpa
IndiyaEkta Chowdhry[64]23New Delhi
IndonesyaZivanna Letisha[65]20Jakarta
IrlandaDiana Donnelly[66]20Dublin
IsraelJulia Dyment20Haifa
ItalyaLaura Valenti[67]25Arezzo
KanadaMariana Valente[68]23Richmond Hill
Kapuluang KaymanNicosia Lawson[69]26George Town
KolombyaMichelle Rouillard[70]22Popayán
KosoboMarigona Dragusha[71]18Pristina
Kosta RikaJessica Umaña[72]21Moravia
KroasyaSarah Ćosić[73]20Split
LibanoMartine Andraos[74]19Byblos
LupangyeloIngibjörg Egilsdóttir[75]24Reikiavik
MalaysiaJoannabelle Ng[76]21Kota Kinabalu
MawrisyoAnaïs Veerapatren[77]23Curepipe
MehikoKarla Carrillo[78]21Guadalajara
MontenegroAnja Jovanović[79]20Podgorica
NamibyaHappie Ntelamo[80]20Katima Mulilo
NiheryaSandra Otohwo[81]20Asaba
NikaragwaIndiana Sánchez[82]22Managua
NoruwegaEli Landa[83]25Stavanger
OlandaAvalon-Chanel Weyzig[84]19Zwolle
PanamaDiana Broce[85]23Las Tablas
ParagwayMareike Baumgarten[86]19Asunción
PeruKaren Schwarz[87]25Lima
PilipinasBianca Manalo[88]21Maynila
PinlandiyaEssi Pöysti[89]22Jyväskylä
PolonyaAngelika Jakubowska[90]20Lubań
Porto RikoMayra Matos[91]20Cabo Rojo
PransiyaChloé Mortaud[92]19Bénac
Republikang DominikanoAda Aimée de la Cruz[93]23Villa Mella
Republikang TsekoIveta Lutovská[94]26Třeboň
RumanyaElena Bianca Constantin[95]20Piatra-Neamt
RusyaSofia Rudieva[96]18San Petersburgo
SámbiaAndella Chileshe Matthews21Ndola
SerbiyaDragana Atlija[97]22Belgrado
SingapuraRachel Kum[98]24Singapore
SuwesyaRenate Cerljen[99]21Staffanstorp
SuwisaWhitney Toyloy[100]19Yverdon
TansaniyaIlluminata James[101]24Mwanza
TaylandiyaChutima Durongdej[102]23Bangkok
Timog AprikaTatum Keshwar[103]25Durban
Timog KoreaNa Ry[104]23Seoul
TsinaWang Jingyao18Qingdao
TsipreKielia Giasemidou20Nicosia
TurkiyaSenem Kuyucuoğlu[105]18İzmir
UkranyaKhrystyna Kots-Hotlib[106]26Donetsk
UnggaryaSuzann Budai21Budapest
UrugwayCintia D'ottone[107]21Montevideo

Mga tala

Mga sanggunian

Panlabas na kawing