Nanyang Technological University

Ang Nanyang Technological University (Akronim: NTU) ay isang pampubliko at may-awtonomiyang unibersidad sa lungsod-estado ng Singapore. Ang NTU ay palaging nahahanay sa mga tanyag na pamantasan sa mundo ayon sa iba't ibang pagraranggo ng mga kolehiyo at unibersidad at kinikilala bilang isa sa pinakamahuhusay sa Asya.[1][2] Sa 2016 QS World University Rankings, ika-13 ang unibersidad sa buong mundo at ika-2 sa Asya.[3] Ayon naman sa 2016 Asia University Rankings ng Times Higher Education, ika-2 ang NTU sa Asya.

NTU Administration Building
Chinese Heritage Centre, dating administratibong gusali ng Nanyang University

Ang NTU ay komprehensibo at intensibo sa larangan ng pananaliksik, na may higit sa 33,000 mga undergraduate at postgradweyt na mag-aaral.[4][5] Organisado ang unibersidad sa walong mga kolehiyo at paaralan. Ang mga ito ay ang College of Engineering, College of Science, College of Humanities, Arts and Social Sciences, Nanyang Business School, Lee Kong Chian School of Medicine - na binuo kasama ang Imperial College London. Ang NTU din ay tahanan ng ilan sa mga may-awtonomiyang institusyon kabilang na ang National Institute of Education, S. Rajaratnam School of International Studies, Interdisciplinary Graduate School, Earth Observatory of Singapore, Singapore Centre on Environmental Life Sciences Engineering, Institute on Asian Consumer Insight, at College of Professional and Continuing Education.

Ang pangunahing kampus ng unibersidad ay sumasaklaw sa 200-ektaryang lupain, kaya ito tinuturing na pinakamalaking kampus sa buong Singapore.[6] Ang mga pangunahing lote ng kampus ay matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Singapore, sa 50 Nanyang Avenue. Bukod sa Main Campus, ang NTU ay meron ding dalawang sangay na kampus, isa sa Novena at isa pa sa One-North.

Mga sanggunian

1°20′41″N 103°40′53″E / 1.3447°N 103.6814°E / 1.3447; 103.6814