Prognosis

Ang prognosis ay ang tinatayang kalalabasan , prediksiyon, hula, o opinyon ng manggagamot hinggil sa isang karamdaman o mangyayari sa pasyenteng may karamdaman, partikular na ang pagkakataon o tsansang paggaling ng pasyente mula sa isang sakit.[1] Sa ganitong pagbibigay ng palagay ng manggagamot, maraming mga bagay-bagay ang isinasaalang-alang katulad ng reputasyon o katangian ng uri ng karamdaman, ang kalusugan ng may-sakit, ang dating mga gawi ng pasyente kaugnay ng sariling kalusugan, at ang tugon ng pasyente sa mga pagbibigay-lunas.[2]

Tingnan din

  • Diagnosis

Mga sanggunian

Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.