Ramesses X

Si hepermare Ramesses X (na isinusulat ring Ramses at Rameses) (naghari noong c. 1111 BCE – 1107 BCE)[1] ang ikasiyam na paraon ng Ikadalawampung Dinastiya ng Ehipto. Ang kanyang pangalan sa kapanganakan ay Amonhirkhepeshef. Hindi matiyak kung ang kanyang paghahari ay 3 o 4 na taon ngunit may malakas ngayong kasunduan sa mga Ehiptologo na ito ay hindi tumagal nang 9 taon gaya ng nakaraang ipinagpapalagay. Ang prenomen o pangalan sa trono na Khepermaatre ay nangangahulugang "Ang Hustisya ni Re ay Namamalagi".[2] Si Ramesses X ay hindi mahusay na nadokumentong paraon. Ang lahat ng alam sa kanyang paghahari na ang pangkalahatang walang seguridad at alon ng mga pagnanakaw ng libingan na naging laganap sa ilalim ng kanyang mga predesesor ay nagpatuloy na lumago sa ilalim ng kanyang paghahari. Ang kanyang Taong 1 at Taong 2 ay pinatutunayan ng Papyrus Turin 1932+1939 samantalang ang kanyang Ikatlong taon ay nadokumento ng isang talaarawan na pinanatili ng mga manggagawa ng Deir El Medina.[3] Ang talaarawan ay nagbabanggit ng kawalang paggawa ng mga manggagawa sanhi ng banta ng mga mananalakay na Libyan sa Lambak ng mga Hari. Ito ay nagtatala na ang mga manggagawang lalake ng El-Medina ay wala sa paggawa sa Taong 3 ikatlong buwan ng Peret(Taglamig) mga araw 6, 9, 11, 12, 18, 21 at 24 dahil sa takot ng mga mananahan ng disyerto na mga Libyan o Meshweh na ebidenteng gumala sa Itaas na Ehipto at Thebes sa kanilang kalooban.[4] Ito ay sa isang bahaging repleksiyon ng malaking pagdaloy ng mga Libyran sa Kanluraning rehiyong Delta ng Mababang Ehipto sa panahong ito. Si Ramesses X ang huli ring hari ng Bagong Kaharian ng Ehipto na ang paghahari sa Nubia ay pinatutunayan mula sa inskripsiyon sa Aniba.[5]

Ang kanyang libingang KV18 sa Lambak ng mga Hari ay iniwang hindi tapos at hindi matiyak kung siya ay kailanman inilibing dahil walang mga labi o pragmento o mga bagay na puneraryo ang natuklasan sa loob nito.

Mga sanggunian