Sahonya-Anhalt

Ang Sahonya-Anhalt o Saxony-Anhalt (Aleman: Sachsen-Anhalt [ˌzaksn̩ ˈʔanhalt]  ( pakinggan); Padron:Lang-nds) ay isang estado ng Alemanya, na nasa hangganan ng mga estado ng Brandeburgo, Sahonya, Thuringia, at Mababang Sahonya. Sinasaklaw nito ang isang lugar na 20,447.7 square kilometre (7,894.9 mi kuw)[3] at may populasyong 2.19 milyong mga naninirahan,[4] na ginagawa itong ika-8 pinakamalaking estado sa Alemanya ayon sa lugar at ika-11 na pinakamalaki ayon sa populasyon. Ang kabesera nito ay Magdeburgo at ang pinakamalaking lungsod nito ay Halle (Saale).

Sahonya-Anhalt

Sachsen-Anhalt (Aleman)
Sassen-Anholt (Low German)
Watawat ng Sahonya-Anhalt
Watawat
Eskudo de armas ng Sahonya-Anhalt
Eskudo de armas
Awit: Lied für Sachsen-Anhalt (Aleman)
"Awit para sa Sahonya-Anhalt"
Mga koordinado: 51°58′N 11°28′E / 51.967°N 11.467°E / 51.967; 11.467
BansaAlemanya
KabeseraMagdeburg
Pinakamalaking lungsodHalle
Pamahalaan
 • KonsehoLandtag of Saxony-Anhalt
 • Minister-PresidentReiner Haseloff (CDU)
 • Governing partiesCDU / SPD / FDP
 • Bundesrat votes4 (of 69)
 • Bundestag seats18 (of 736)
Lawak
 • Total20,447.7 km2 (7,894.9 milya kuwadrado)
Populasyon
 (31 December 2018)
 • Total2,208,321
 • Kapal110/km2 (280/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigo ng ISO 3166DE-ST
GRP (nominal)€64 billion (2019)[1]
GRP per capita€29,000 (2019)
NUTS RegionDEE
HDI (2018)0.917[2]
very high · 16th of 16
Websaytsachsen-anhalt.de

Ang estado ng Saxony-Anhalt ay nabuo noong Hulyo 1945 pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nang binuo ito ng administrasyong hukbong Sobyetiko sa Alyadong-okupadong Alemanya mula sa dating Prusong Lalawigan ng Sahonya at Malayang Estado ng Anhalt. Ang Sahonya-Anhalt ay naging bahagi ng Demokratikong Republikang Aleman noong 1949, ngunit binuwag noong 1952 sa panahon ng mga repormang pampangasiwaan at ang teritoryo nito ay nahahati sa mga distrito ng Halle at Magdeburg, kasama ang lungsod ng Torgau na sumali sa distrito ng Leipzig. Kasunod ng muling pag-iisang Aleman ang estado ng Sahonya-Anhalt ay muling itinatag noong 1990 at naging isa sa mga bagong estado ng Federal na Repulika ng Alemanya.

Ang Saxony-Anhalt ay kilala sa mayamang pamana nitong kultura at nagtataglay ng pinakamataas na konsentrasyon ng mga Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO sa Alemanya.

Heograpiya

Ang Saxony-Anhalt ay isa sa 16 na kinabibilangang estado ng Alemanya. Ito ay matatagpuan sa kanlurang bahagi ng silangang Alemanya. Sa laki, ito ang ika-8 pinakamalaking estado sa Alemanya at ayon sa populasyon, ito ang ika-11 na pinakamalaki.

Mga sanggunian

Mga panlabas na link

Padron:Germany districts Saxony-Anhalt