Sentrong pangkalusugan

Ang isang samahang pangkalusugan (tinatawag din bilang isang samahang kaangkupan, sentrong pangkalusugan, spa pangkalusugan, at karaniwang tinutukoy bilang isang gym) ay isang lugar na naglalaman ng mga kagamitang pang-ehersisyo para sa layuning pisikal na ehersisyo.

Tanaw ng isang sentrong pangkalusugan

Sa mga nagdaang taon, tumaas ang bilang ng mga serbisyong pangkalusugan at kaangkupan, na pinalalawak ang interes sa mga tao. Reperensya ang mga samahang pangkalusugan at sentrong kaangkupan ng serbisyong pangkalusugan, na tumataas ang pagsunod sa pisikal na aktibidad.[1]

Mga pasilidad at serbisyo

Isang gym sa Kuokkala, Jyväskylä, Finland

Pangunahng lugar ng pag-eehersisyo

Karamihang may pangunahing lugar sa pag-eehersisyo ang mga samahang pangkalusugan, na pangunahing kinabibilangan ng pabigat kabilang ang mga dambel at barbel at mga lalagyan at upuan na ginagamit ng mga kagamitang iyon, at mga makinang pang-ehersisyo, na gumagamit ng mga kambyo, kable, at mga ibang mekanismo upang maging gabay sa pag-ehersisyo. Kadalasan may mga salamin ang lugar na ito upang makita ng mga nag-eehersisyo ang tamang tindig tuwing nag-eehersisyo sila. Tinatawag minsan na black-iron gym (gym na bakal na itim) ang isang gym na mayroon lamang (o halos lahat) na mga pabigat (dambel at barbel), salungat sa mga makinang pang-ehersisyo. Pinangalan itong black-iron gym dahil sa tradisyunal na kulay ng mga plato ng pabigat.[2]

Kasaysayan

Nagsimula ang maagang himnasyo sa Paris noong 1847.[3] Marahil na nagbukas ang unang samahang pangkalusugan sa pangkalahatang publiko sa Santa Monica, California noong 1947 at binuksan ito ni Vic Tanny.[4]

Mga sanggunian