The Blue Marble

Ang The Blue Marble (literal na salin: Ang Bughaw na Holen) ay isang letrato ng Daigdig na kinuha noong Disyembre 7, 1972, mula sa distansyang humigit-kumulang na mga 29,000 kilometro (o 18,000 milya) mula sa ibabaw ng lupa.[1][2][3] Kinuha ito ng mga astronaut na lulan ng misyong Apollo 17 patungong Buwan, at isa ito sa mga pinakatanyag na larawan sa kasaysayan.[4][5]

Ang opisyal na pagtatalaga ng NASA sa larawang ito ay AS17-148-22727[6] at ipinapakita ang Daigdig mula sa Dagat Mediteraneo hanggang Antartiko. Kasama ng Tangway ng Arabia at Madagascar, malinaw na kita ang halos buong baybayin ng Aprika.

Mga sanggunian