The Guardian

Ang The Guardian ay isang British na pahayagang pang-araw-araw. Itinatag ito noong 1821 bilang The Manchester Guardian; at pinalitan ang pangalan nito noong 1959.[4] Kasama ng mga kapwa pahayagan nito, The Observer at The Guardian Weekly, ang The Guardian ay bahagi ng Guardian Media Group, na pagmamay-ari ng Scott Trust.[5] Inilikha ang trust noong 1936 para "patibayin ang kalayaan sa pananalapi at editoryal ng The Guardian sa walang hanggan at protektahan ang kalayaan sa pamamahayag at pamantayang liberal ng The Guardian mula sa pakikialam ng mga negosyo o pulitika".[6] Ang trust ay ginawang limited company noong 2008, na may isinulat na konstitusyon para mapanatili sa The Guardian ang parehong proteksyon na itinatag sa istruktura ng Scott Trust ng mga tagalikha nito. Muling namumuhunan ang kita nito sa pamamahayag sa halip na ipamahagi ang mga ito sa mga may-ari o shareholder.[6] Itinuturing ito na pahayagang nasa talaan sa UK.[7][8]

The Guardian
UriPahayagang Pang-araw-araw
Pagkaka-ayosBroadsheet (1821–2005)
Berliner (2005–2018)
Compact (mula noong 2018)
Nagmamay-ariGuardian Media Group
TagapaglimbagGuardian Media Group
Editor-in-chiefKatharine Viner
Itinatag5 Mayo 1821; 202 taon na'ng nakalipas (1821-05-05) (bilang The Manchester Guardian, naging The Guardian noong 1959)
Pagkakahanay na pampulitikoGitna-kaliwa[1][2][3]
WikaIngles
HimpilanKings Place, London
Sirkulasyon105,134
Kapatid na pahayaganThe Observer
The Guardian Weekly
ISSN0261-3077
OCLC60623878
Websayttheguardian.com

Mga sanggunian