Unibersidad ng Jilin

Ang Unibersidad ng Jilin (Ingles: Jilin UniversityJLU; Tsinong pinapayak: 吉林大学; Tsinong tradisyonal: 吉林大學; pinyin: Jílín Dàxué; madalas dinaglat na JLU o 吉大) na matatagpuan sa lungsod ng Changchun sa lalawigan ng Jilin, ay itinatag noong 1946. Ito ay isa sa  nangungunang pambansang unibersidad sa pananaliksik sa ilalim ng direktang hurisdiksyon ng Ministri ng Edukasyon ng Tsina.[1] Ito ay isang Chinese Ministry of Education Class A Double First Class University.[2] Ang Unibersidad ng Jilin ay laging nararanggo bilang isa sa pinakaprestihiyosong unibersidad sa Tsina,[3][4] at kinikilala sa buong mundo sa mga proyekto nito sa pananaliksik sa automobile engineering, kimika, agham pangkompyuter, electrical engineering at biolohiya.[5][6][7] Kasama sa mga nagtapos sa JLU ang Vice Premier ng Tsina na si Liu Yandong, at 2010 Nobel Peace Prize winner na si Liu Xiaobo.

Mga sanggunian

43°52′48″N 125°18′04″E / 43.88°N 125.3011°E / 43.88; 125.3011 Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.