Wikipedia:Patakaran sa bot

Ang mga bot, pinaikli mula sa salitang robot ("tau-tauhan"), ay kusang gumagalaw o nagpapagalaw sa sariling mga panitik o mga proseso na nagsasagawa o nagsasakatuparan ng mga gawain o trabaho sa Wikipedia. Sa kadalasan gumagawa sila ng mga gawain na magiging matagal ang paggawa kapag wala ang bot.

Ginagawa ng mga bot ang kanilang mga gawain sa ilalim ng ibang pangalan ng tagagamit na bukod sa may-ari sa kanila, upang maging madali ang pagkakakilanlan sa kanila at mapagkaiba rin sila mula sa isa't isa. Gayundin, ang mga pamamatnugot o pagbabagong ginagawa ng mga bot ay nakatago o nakakubli mula sa pahingang katulad ng Natatangi:Kamakailang mga pagbabago upang maiwasan ang pagdagsa o pagkapuno ng talaan dahil sa kanilang mga gawain. Upang makita ang mga pagbabagong ginagawa ng mga bot, kinakamay na idagdag ang hidebots=0 sa inyong bagting ng pagtatanong (query string), o pindutin ang "ipakita ang mga pamamatnugot ng bot" ("show bot edits") sa itaas ng Pinakabagong mga pagbabago.

Ang pinakatanyag na uri ng bot ay ang tinatawag na Python Wikipedia Robot Framework o "pywikipediabot" kapag pinaikli.

Pangkasalukuyang mga bot

Pangalan ng botMay-ariTungkulin
AiraBotFelipe Airapagkakawing ng ugnayang-wiki
Albambot알밤한대pagkakawing ng ugnayang-wiki
AlexbotAlexshpagkakawing ng ugnayang-wiki, pagpapanatili
BodhisattvaBotDalibor_Bositspagkakawing ng ugnayang-wiki
CarsracBotCarsracpagkakawing ng ugnayang-wiki
ChobotChongDaepagkakawing ng ugnayang-wiki
DragonBotJacob.josepagkakawing ng ugnayang-wiki
GnawnBotStormDaebakpagkakawing ng ugnayang-wiki
Idioma-botHugo.argpagkakawing ng ugnayang-wiki
JotterbotJyothispagkakawing ng ugnayang-wiki
Luckas-botLuckas Bladepagkakawing ng ugnayang-wiki
MaskbotBluemaskpagkakawing ng ugnayang-wiki
BotMultichillMultichillpagkakawing ng ugnayang-wiki
Muro BotMuro de Aguaspagkakawing ng ugnayang-wiki
PipeBotPipeppagkakawing ng ugnayang-wiki
PtbotgourouGdgouroupagkakawing ng ugnayang-wiki
SieBotSiebrandpagkakawing ng ugnayang-wiki
StigBotStigmjpagkakawing ng ugnayang-wiki
SynthebotJulian Mendez

pagkakawing ng ugnayang-wiki

WikiDreamer BotWikiDreamerpagkakawing ng ugnayang-wiki
タチコマ robotCool Catpagkakawing ng ugnayang-wiki

Pagbibigay ng pahintulot sa bot

Upang mabigyan ng pahintulot na magpatakbo ng isang bot, iminumungkahing maging isa ka munang mabuting tagapag-ambag. Ilarawan ang bot mo sa pahina ng usapan, lumikha ng isang akawnt para rito, magsagawa ng ilang mga pagsubok sa loob ng maikling panahon, at makipagkasundo mula sa iba pang mga tagagamit na ang gawain ng bot ay isang mainam na ideya. Kapag nagawa na iyan, maaaring bigyan na ng isang bandila ang iyong bot; nagmumula ang bandila ng bot mula sa isang burokrato (para malaman kung sinu-sino ang mga burokrato, tingnan ang Wikipedia:Mga tagapangasiwa.

Pandaigidigang mga bot

Mga paghiling ng tulong mula sa bot

Kung mayroon kang isang gawain na iniisip mong makakatulong ang isang bot, makipag-ugnayan sa isang may-ari ng bot, o gumawa ng kahilingan mula sa pahina ng usapan.

Tingnan din