Ang mga mahalagang lungsod ng Hilagang Korea ay may sariling-namamahalang estado na katumbas sa mga lalawigan. Pyongyang, ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito, ay iniuri bilang isang chikhalsi (capital city), habang ang isang lungsod (tingnan ang talaan sa ibaba) ay iniuri bilang t'ŭkpyŏlsi (special city). Lahat ng ibang lungsod ay iniuring si (city) at nasa ilalim ng panlalawigang pamamahala, sa kaparehong antas sa mga kondado.
Lahat ng mga numero ng populasyon ay galing sa senso noong 2008.
Ilan sa mga dating special city ay sinama muli sa mga lalawigan nito, tulad ng Chongjin, Hamhung at Kaesong.
Isinanib ang Rason sa Lalawigan ng Hilagang Hamgyong noong 2004, ngunit itinaas muli ito bilang natatanging lungsod o special city noong 2010 upang maitulong sa pamumuno nito ng dayuhang pamumuhunan.
Pinalitan ng Chosŏn'gŭl ang Hancha; hindi na ginagamit nang opisyal ang Hancha sa Hilagang Korea magmula noong dekada-1950.