Talaan ng mga lungsod sa Afghanistan

Ang tanging lungsod sa Afghanistan na may populasyong higit sa isang milyong katao ay ang kabisera nito, Kabul. Ang mga natitira ay mga mas-maliit na lungsod at bayan. Ayon sa CIA, tinatayang may 31,822,848 katao ang nakatira sa bansa. Sa numerong ito, mga anim na milyon ay iniulat na nakatira sa mga pook urbano at ang natitira'y sa pook rural o kanayunan.[1]

Kabul, ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng Afghanistan.
Mazar-i-Sharif
Kandahar
Herat
Kunduz
Jalalabad

Talaan

Ang talahanayan sa ibaba ay nagpapakita ng mga 19 na lungsod ng Afghanistan sa pamamagitan ng populasyon.

PangalanLalawiganPopulasyon (pinakahuling tantiya)
KabulKabul3,589,000 [2]
KandaharKandahar491,500 [3]
HeratHerat436,300 [4]
Mazar-i-SharifBalkh368,100 [5]
KunduzKunduz304,600 [6]
TaloqanTakhar219,000 [7]
JalalabadNangarhar206,500 [8]
Puli KhumriBaghlan203,600 [9]
CharikarParvan171,200 [10]
SheberghanJowzjan161,700 [11]
GhazniGhazni157,600 [12]
Sar-e PolSar-e Pol150,700 [13]
KhostKhost133,700 [14]
ChaghcharanGhor131,800 [15]
MihtarlamLaghman126,000 [16]
FarahFarah108,400 [17]
Puli AlamLowgar102,700 [18]
SamanganSamangan100,500 [19]
Lashkar GahHelmand100,200 [20]

Mga sinaunang pangalan

Mga sinaunang pangalan ng ilang lugar sa Afghanistan:

Lungsod o rehiyonSinaunang pangalan
BalkhBactra, Bokhdī
GhazniGhaznīn, Ghazna
HeratHaraiva Harī, Aria
JalalabadAdinapur[21]
KabulChabolo, Kophene,[22] Gaofū, Kābūrā
KandaharArachosia[22]
LaghmanLampaka [22]
Lashkar GahBost o Bust

Mga retrato ng mga iba pang piling lungsod

Tingnan din

Mga sanggunian

Mga ugnay panlabas