2009 sa Pilipinas

Ang artikulong ito ay nagbibigay ng isang pangkalahatang-ideya sa mga pinakamahahalagang mga kaganapang nangyari sa taong 2009 sa Pilipinas.

Panunungkulan

Kaganapan

Enero

Pebrero

Marso

  • Marso 1
    • Sa isang bukid sa Pandi, Bulacan ay nagsimulang piliin ang 6,000 baboy matapos matuklasan ang nakahahawang Ebolo-Reston virus.
    • Nasentensyahan ng hindi bababa sa 16 na buwang pagkabilanggo sa estado ng Chicago ang bookkeeper ng pambansang kamao ng Pilipinas na si Manny Pacquiao matapos na hindi ito kumontra sa mga pagdinig sa kaso.
  • Marso 6 - Sa mababaw na katubigan sa silangan ng Pilipinas, natuklasan ng mga mangingisda ang isang bagong panganak na butanding. Naging unang incubation ng butanding na maaaring matuklasan kailanman. Ang sanggol na butanding ay natagpuan sa dalampasigan ng Pilar, malapit sa Donsol, na kilala sa mga karaniwang mga butanding doon.
  • Marso 9
  • Marso 13 -- Naganap ang insidenteng kinasangkutan ng fashion designer na si Boyet Fajardo sa isang tindahan sa Lungsod Parañaque.[6][7]
  • Marso 25 -- Nagbanta ang mga Abu Sayyaf, isang Pilipinong militante, na pupugutan nila ang isa sa tatlong bihag na mga buluntaryo ng Kilusan ng Pulang Krus sa susunod na linggo kung hindi puwersahang iaatras ng pamahalaan ng Pilipinas ang tropang militar sa Jolo, Sulu.
  • Marso 28

Abril

  • Abril 2
    • Isang empleyado ng Philippine Red Cross na dinukot noong Enero 15 ng Abu Sayyaf ay pinalaya. Ang mga kasamahang Swiss at Italyano ay bihag pa rin. Ayon sa pamahalaan, walang pantubos na ibinayad.
    • Tinalikdan ng piskal na Dutch ang pag-uusig kay Jose Maria Sison para sa di-umano'y kinalaman niya sa dalawang pagpatay noong 2003 at 2004.
    • Ang isang maliit na pribadong eroplano na may lulang pitong katao ay nawala sa isang biyahe mula sa Lungsod ng Tuguegarao hanggang Maconacon, Isabela. Ang eroplano ay pinangangambahang bumagsak.
  • Abril 3 - Isang bomba ang sumabog sa isang restawran sa Basilan, dalawang dumaraan lamang ang namatay at walong iba pa ang nasugatan.[8]
  • Abril 7
    • Isang pagsabog sa isang pabrika sa Santa Maria, Bulacan, mga 13 manggagawa ang namatay.[9]
    • Sa pagbagsak ng isang pampanguluhang helicopter sa isang masukal at makahoy na bahagi ng Kabayan, Benguet, lahat ng hindi bababa sa walong mga pasahero ang nasawi. Isinakay ng Bell 412 ang limang mga miyembro ng kawani ng presidente sa Ifugao bilang paghahanda sa binabalak na pagbisitang pampanguluhan.[10]
  • Abril 18 -- Napalaya ng Abu Sayyaf ang Swisong manggagawa ng Pulang Krus na si Andreas Notter mula sa pagkabihag saPilipinas.[11]
  • Abril 26 - Sa Maynila, isang kaloobang quintuplets ang ipinanganak na buhay. Ayon sa mga doktor, ito ang kauna-unahang ipinanganak na buhay na quintuplets sa Pilipinas. Anim na araw na lumipas, isa sa limang mga sanggol ay pumanaw na.[12][13]
  • Abril 29 -- Tinaas ng Samahan ng Pandaigdigang Kalusugan ang alarma para sa Trangkasong pang-baboy.

Mayo

Hunyo

Hulyo

Agosto

Si Corazon Aquino ay inilibing sa tabi ng kanyang asawang si Ninoy sa Manila Memorial Park pagkatapos ng kanyang kamatayan noong Agosto 1, 2009.
  • Agosto 1 -- Pumanaw si dating Pangulong Corazon Aquino sa ganap na 3:18 ng umaga (oras sa Pilipinas), sa sakit ng kanser sa kolon, sa gulang na 76. Ipinahayag ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang sampung araw ng pambansang pagluluksa para sa pagpanaw ng dating Pangulo.[20]
  • Agosto 12 - Matagal na pakikipaglaban sa pagitan ng hukbo ng Pilipinas at mga rebeldang Abu Sayyaf sa isla ng Basilan kung saan 23 sundalo at 31 rebelde ang napatay.

Setyembre

Noong panahon ng Bagyong Ondoy, ang Kalakhang Maynila ay nakaranas ng pinakamataas na bagsak ng ulan sa kasaysayan, na nagdulot ng matinding pagbaha.
  • Setyembre 26 - Nagtala ng pinakamaraming bagsak ng ulan ang Bagyong Ondoy (Internasyunal na pangalan: Ketsana) sa Maynila, Pilipinas na nagdulot sa pagpapahayag ng isang "katayuan ng sakuna" (state of calamity) sa 25 mga lalawigan hinggil sa matinding pagbaha. Nakaranas ang Maynila ng pinakamatinding pag-ulan sa loob ng halos kalahating siglo, na may taas na 424.2 milimetro (16.7 talampakan) sa loob ng 12 oras.[21][22]

Oktubre

Nobyembre

Sa taong 2009, tinalo ng undisputed pound-for-pound king na si Manny Pacquiao ang Britong boksingero na si Ricky Hatton at Puerto Rican na si Miguel Cotto.
Mapa ng Lalawigan ng Cavite na nagpapakita ng kinaroroonan ng Lungsod ng Dasmariñas.

Disyembre

Iba pang kaganapan

Mga Paggunita

Mga okasyon sa italiko ay "special holidays," mga nasa bold ay ang "regular holidays."

Sa karagdagan, inoobserbahan ng maraming lugar ang mga lokal na pista opisyal, tulad ng pagkakatatag ng kanilang bayan. Ito rin ay "espesyal na araw. "

Mga Pelikula

Mga Kanta

  • Agosto 27 - Ang kantang "Where Are You Now?" na sinulat ni Tom Higgenson at kinanta ng bandang Honor Society ay pumatok at naging big-hit sa Pilipinas at na-air ang music video sa Myx.

Kapanganakan

  • Pebrero 5 - Carren Eistrup, Singer and Host of Eat Bulaga!
  • Hunyo 10 - Vito Quizon, aktor
  • Hunyo 23 – Xia Vigor, aktres
  • Hunyo 26 – Yesha Camile, aktres
  • Hulyo 12 – Lilygem Yulores, aktres
  • Agosto 28 – Jana Agoncillo, aktres
  • Setyembre 18 - Chunsa Jung, aktres

Kamatayan

  • Enero 6 - Victor Sumulong (62), alkalde ng Antipolo at dating representante
  • Enero 10 - Annabel Bosch (32), mang-aawit sa mga rock band bilang Elektrikcoolaid at Tropical Depression
  • Enero 11 - Edilberto Alegre (70), mamamahayag at kolumnista ukol sa pagluluto
  • Enero 13 - Mary Ejercito (103), ina ni dating Pangulong Joseph Estrada
  • Pebrero 5 - Roberto Gonzales (66), aktor
  • Pebrero 10 - Berting Labra (75), aktor
  • Pebrero 12 - Cris Daluz (73), aktor
  • Marso 6 - Francis Magalona (44), rapper at aktor[57]
  • Marso 15 - Miguel Bernad (91), kritiko at kolumnista
  • Marso 16 - Roland Dantes, artista at martial artist
  • Marso 18 - Pocholo Ramirez (75), racing driver at nagtatanghal sa telebisyon
  • Marso 21 - Genoveva Matute (94), manunulat at maramihang nagwagi ng Palanca
  • Marso 23 - Manuel del Rosario (93), dating obispo ng Malolos
  • Marso 24 - Figurado Otaza Plaza, Sr., alkalde ng Butuan
  • Abril 4 - Nelly Sindayen (59), mamamahayag;
  • Abril 7 - Leo Prieto (88), direktor sa palakasan at tagasanay sa basketball
  • Abril 9 - Noel Cabrera (64), diplomat at mamamahayag
  • Abril 11 - Tita Muñoz (80 o 81), artista
  • Abril 27 - Paraluman (85), artista
  • Abril 28 - Lota Delgado (87), artista
  • Mayo 16 - Prospero Amatong S. (77), politiko
  • Mayo 28 - Manuel Collantes (91), banyagang ministro at representante
  • Hunyo 2 - Vitaliano Agan (74), politiko
  • Hunyo 13 - Douglas Quijano (69), film talent manager at tagalikha ng pelikula
  • Hunyo 18 - Manuel Paradela (80), abogado at radio host
  • Hunyo 23 - Julius Fortuna (61), mamamahayag at lider-estudyante
  • Hulyo 2 - Susan Fernandez (52), mang-aawit at masugid na tao
  • Hulyo 5 - Godofredo Reyes (90), Ilokanong politiko at manunulat
  • Hulyo 28 - Emilio Gancayco (87) hukom ng Korte Suprema ng Pilipinas.
  • Agosto 1 -- Corazon Aquino (76), dating pangulo ng Pilipinas at kauna-unahang babaeng pangulo (Pebrero 25, 1986–Hunyo 30, 1992)[20][58]
  • Agosto 24 - Eduardo Roquero (59), alkalde ng Lungsod San Jose del Monte, dating representante;
  • Agosto 31 -- Eraño Manalo (84), Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo.
  • Setyembre 15 - Espiridion Laxa (79), tagalikha ng pelikula
  • Setyembre 16 - Sotero H. Laurel (90), senador
  • Oktubre 10 - Rodrigo del Rosario (92), Olympic weightlifter
  • Nobyembre 19 - Johnny Delgado (61), aktor[59]
  • Nobyembre 21 - Bernard Bonnin (70), artista

Mga Panlabas na Kawing

Sanggunian