Ahtisa Manalo

Si Maria Ahtisa Manalo ay isang Pilipinong modelo, entreprenyur at may hawak na titulo sa patimpalak ng kagandahan na kinoronahan bilang kauna-unahang Miss Cosmo Philippines 2024. Siya ang kakatawan sa Pilipinas para sa kompetisyon ng Miss Cosmo 2024. [1][2]

Ahtisa Manalo
Kapanganakan
Maria Ahtisa Manalo

(1997-05-25) 25 Mayo 1997 (edad 26)
EdukasyonManuel S. Enverga University Foundation (B.Acy)
Trabaho
  • Modelo
  • Entreprenyur
Tangkad1.75 m (5 tal 9 pul)
Titulo
  • Binibining Pilipinas International 2018
  • Miss Cosmo Philippines 2024
Beauty pageant titleholder
Major
competition(s)

Si Manalo ay dati nang kinoronahang Binibining Pilipinas International 2018 at naging kinatawan ng Pilipinas sa kompetisyon ng Miss International 2018 kung saan siya ay kinoronahan bilang Miss International 2018 first runner-up (unang karangalang banggit).[3]

Buhay at Edukasyon

Ipinanganak si Ahtisa Manalo noong Mayo 27, 1997, sa bayan ng Candelaria, Lalawigan ng Quezon, Pilipinas, sa isang ina na may kanunuang Pilipino-Espanyol at isang Pilandes-Suweko na ama.[4][5] Nag-aral siya sa Manuel S. Enverga University Foundation - Candelaria, Inc. mula elementarya hanggang kolehiyo, at nagtapos ng akademikong antas ng Batsilyer sa Agham ng Pagtutuos (Bachelor of Science in Accountancy).[6][7]

Paligsahan ng Kagandahan

Binibining Pilipinas 2018

Si Ahtisa Manalo ay lumahok sa Binibining Pilipinas 2018, noong ika-18 ng Marso 2018, na ginanap sa Araneta Coliseum. Bagama't hindi tiningnan bilang isang nangungunang kalahok sa buong pagtakbo ng patimpalak, nakakuha niya ang atensyon ng midya pagkatapos ng kanyang pagtatanghal sa presentasyon para sa midya, kung saan sinabi ng Rappler na "her peak" o "kanyang rurok"[8]. Sa rolyo ng huling katanungan at kasagutan, tinanong siya: "Paano dapat tumugon ang isang beauty queen (reyna ng kagandahan) sa malupit na kritisismo?" Sumagot si Manalo:[9]

"Ang isang beauty queen ay nararapat na laging tumutugon sa kritisismo nang konstruktibo. Tayong mga beauty queen ay mga pampublikong pigura, at nilagay natin ang mga sarili natin sa isang katayuan upang mahusgahan. Ngunit gayunpaman, dapat nating laging.. dapat nating laging salain kung.. kung aling mga komento ang dapat nating sang-ayunan o tanggapin, at kung ano ang hindi dapat."

Sa pagtatapos ng patimpalak, kinoronahan si Manalo na Binibining Pilipinas International 2018 ng susundan niyang si Maria Angelica de Leon.[10][11] Sa edad na 20, si Manalo ang pinakabatang nagwagi sa edisyong iyon.[12]

Miss International 2018

Sa pagkapanalo sa titulong Binibining Pilipinas International 2018, naging delegado ng bansa si Ma. Ahtisa Manalo sa patimpalak ng Miss International 2018, na ginanap sa Tokyo Dome City Hall noong Nobyembre 9, 2018. Sa pagsisimula ng kompetisyon, si Manalo ay nakilala bilang paboritong kalahok ng patimpalak mula sa kanyang pagganap sa mga aktibidad bago ang kompetisyon.[13]

Sa huling talumpati sa Top 8 (nangungunang walo), binigyang-diin ni Manalo ang kanyang kasabikan na manguna sa kabila ng kanyang kabataan, at nangakong patuloy na magiging "tinig ng kabataan sa pagpapakita na walang imposible sa pagsusumikap at determinasyon". Buong salaysay ni Ahtisa Manalo:[14][15]

"Ang Miss International ay isang pagdiriwang ng kabataan at pagbibigay-lakas. Palagi akong naniniwala na ang edad ay hindi hadlang upang maabot ang ating mga pangarap o magkaroon ng impluwensya sa iba. Sa edad na 15, nagsimula akong tumulong sa mga programa sa aking komunidad para sa mga batang lansangan. Sa edad na 19, nagtapos ako ng kolehiyo. Sa edad na 20, aking napagtanto na kaya kong magsalita para sa mga mabuting layunin sa mas malawak na madla kaya ako sumali sa ating pambansang patimpalak."

"Kung ako ay magiging Miss International, ipagpapatuloy kong maging tinig ng kabataan, sa pagpapakita na walang imposible sa pagsisikap at determinasyon. At kapiling ang mga magagandang binibini ngayong gabi, isang pamilya ng mga beauty queen — na magagandang kabataang nangangarap at mga mapagtagumpay, ipapakita namin sa mundo na pag-ibig, kapayapaan, at kagandahan ang tunay nating nililingap. At sama-sama—gagawa tayo ng kaibahan."[14]

Sa pagtatapos ng kaganapan, nagtapos si Manalo bilang first runner-up (unang karangalang banggit) kay Mariem Velazco ng Venezuela.[16] Sa pagtatapos ng kanyang pangangasiwa bilang Binibining Pilipinas International, kinoronahan ni Manalo si Bea Magtanong bilang kanyang kasunod sa patimpalak ng Binibining Pilipinas 2019.[17]

Miss Universe Philippines 2024

Kasunod ng kanyang pagtatapos sa patimpalak ng Miss International, si Ahtisa Manalo ay nakilala bilang isang malakas na potensyal na kandidato para sa hinaharap na mga pambansang patimpalak.[18]  Noong Enero 31, 2020, nagsumite siya ng kanyang aplikasyon para sa kompetisyon ng Miss Universe Philippines 2020, gayunpaman, binawi niya sa ilang sandali ang aplikasyon dahil sa mga isyung medikal.[19][20] Ang kanyang pagbawi ay nag-udyok ng mga akusasyon ng isang publisidad na palabas, gayunpaman, nilinaw niya na siya ay nagpasa ng aplikasyon nang huli hangga't maaari dahil hindi siya sigurado sa kanyang desisyon na makipagkumpetensya.[21]

Noong Enero 27, 2024, inihayag ng Miss Universe Philippines Quezon Province ang pagkahirang kay Ahtisa Manalo bilang delegado ng lalawigan sa patimpalak ng Miss Universe Philippines 2024.[22][23]

Sa prelimaryang kompetisyon ng Miss Universe Philippines 2024, nagsimula ang pangingibabaw ni Manalo, kung saan kinilala siya bilang Miss Smilee, Miss Fairy Skin, Miss Great iColor Plus, Miss Hello Glow, Miss Danielito's Home Kitchen, Miss Zonrox Color Safe, Miss Queen of Hearts Sleepwear, at Miss Aqua Boracay. 

Sa pagtatapos ng patimpalak, nagtapos siya bilang Miss Universe Philippines 2024 2nd runner-up at kinoronahan bilang kauna-unahang Miss Cosmos Philippines 2024.[24]

Mga adbokasiya at plataporma

Si Ahtisa Manalo ay isang nag-aadbokasiya para sa LGBTQ.[25] Bilang isang entreprenyur, si Manalo ay nakipagtrabaho sa organisasyon ng Alon Akademie, na nakatuon sa pagbibigay-lakas sa mga bata o kabataang Pilipino upang magpatuloy sa kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng edukasyong entreprenyuryar.[26]

Personal na buhay

Kasunod ng kanyang pangangasiwa bilang Binibining Pilipinas International, sinabi ni Manalo na siya ay nagpapatakbo ng dalawang café sa Australia—Cafe Noun at Call Me Harris. Nabanggit din niya na nagpasimula siya ng isang kumpanya ng pagkain at inumin, at ngayon mayroong humigit na isang libong empleyado. May papel din si Manalo sa paglikha at pagpapalawak ng mga tatak ng pagkain tulad ng Koomi, Oh My Greek, Zig Foods at Salt and Ice.[27][28]

Mga sanggunian