Miss Universe Philippines 2024

Ang Miss Universe Philippines 2024 ay ang ikalimang edisyon ng Miss Universe Philippines pageant, na magaganap sa Mall of Asia Arena, sa Pasay, Kalakhang Maynila, Pilipinas sa 22 Mayo 2024.[1] Pagkatapos ng kompetisyon, kokoronahan ni Michelle Dee ng Makati ang kanyang kahalili.

Miss Universe Philippines 2024
Petsa22 Mayo 2024
Presenters
Entertainment
  • Marina Summers
  • Lola Amour
  • Win Metawin
TemaLove For All
PinagdausanMall of Asia Arena, Pasay, Pilipinas
Lumahok53
Placements20
Hindi sumali
  • Angeles
  • Minglanilla
  • Washington
← 2023
2025 →

Mga kandidata mula sa limampu't-tatlong lokalidad ang lalahok sa kompetisyong ito. Papangunahan nina Alden Richards, Jeannie Mai, Miss Universe 2022 R'Bonney Gabriel, Gabbi Garcia, at Tim Yap ang kompetisyon.[2] Magtatanghal ang drag perfomer na si Marina Summers, bandang Lola Amour, at Win Metawin sa edisyong ito.[3]

Kasaysayan

Mall of Asia Arena, ang lokasyon ng Miss Universe Philippines 2024

Lokasyon at petsa ng kompetisyon

Noong 2 Abril 2024, inanunsyo ng Miss Universe Philippines Organization na ang araw ng koronasyon ay magaganap sa 22 Mayo 2024 sa Mall of Asia Arena, Pasay, Kalakhang Maynila.[4] Magsismula ang pagbenta ng mga tiket para sa gabi ng koronasyon sa 8 Abril 2024.[5]

Pagpili ng mga kalahok

Ilang pagbabago sa pagpili ng mga kandidata ang inanunsyo noong 11 Abril 2023 sa isang press presentation para sa Miss Universe Philippines na ginanap sa Marquis Events Hall sa Taguig. Ipinakilala sa kaganapang ito ang bagong Accredited Partners Program kung saan iba't-ibang mga accredited partner mula sa iba't-ibang mga lokalidad sa Pilipinas at sa iba pang mga bansa ang mabibigyan ng prangkisa upang magsagawa ng kanilang lokal na Miss Universe Philippines pageant. Ang magwawagi sa lokal na kompetisyon ay awtomatikong magiging kandidata sa Miss Universe Philippines.[6][7] Ito ay kaiba sa Associated Partners Program na inilunsad noong 2020 kung saan tumatanggap dadaan pa sa isang final screening ang mga kandidatang kinoronahan o niluklok ng mga Associated Partner.[8]

Bukod pa rito, noong Setyembre 2023, sa kasagsagan ng Tanner Fletcher show sa New York Fashion Week, inanunsyo ni Miss Universe 2022 R'Bonney Gabriel na napagdesisyunan ng Miss Universe Organization na tanggalin na ang age restriction para sa mga kandidatang edad 18 pataas simula sa ika-73 edisyon ng Miss Universe.[9][10] Dahil dito, maaari na ring lumahok ang mga kandidatang edad 18 pataas sa Miss Universe Philippines.

Mga pagpalit

Dapat sanang lalahok si Miss Universe Philippines-Kananga 2023 Natasha Jung sa edisyong ito. Gayumpan, bumitiw ito dahil sa personal na dahilan.[11] Siya ay pinalitan ng kanyang first runner-up na si Phoebe Arrianna Torita.[12] Bumitiw sa edisyong ito si Lorraine Ojimba ng Lungsod Quezon dahil sa problema sa kanyang kalusugan. Dahil dito, siya ay pinalitan ng kanyang first runner-up na si Camille Isabel Lagmay.[13]

Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong

Sa unang pagkakataon, nakipagsosyo ang Miss Filipina International Organization sa Miss Universe Philippines Organization upang magpadala ng tatlong kandidata nila sa edisyong ito. Tinanghal na Miss Filipina International si Matea Mahal Smith na siyang lalahok sa Miss Universe Philippines.[14] Bukod pa rito, unang sumali sa edisyong ito ang mga lokalidad ng Australya, Cabanatuan, Camiguin, Florida, Hawaii, Hilagang California, Kananga,[15] Naic, Nueva Ecija, Pulo ng Bantayan,[16] Quirino, Reyno Unido, Tacloban, Tarlac, Timog California, Toledo, Tuguegarao, at Virginia.[17][18][19][20]

Dapat sanang sasali si Nica Zosa Nabua ng Lungsod ng Minglanilla, ngunit bumitiw ito upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.[21] Bumitiw sa edisyong ito si Joanne Thornley ng Angeles dahil sa problema sa kanyang kalusugan.[22][23][24] Bumitiw na rin si Kiara Landon ng Washington dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.[25]

Mga resulta

Mga espesyal na parangal

ParangalMga nagwagi
Acqua Boracay Angels
Arete Tagaytay Ambassadors

Mga pre-pageant event

Swimsuit Challenge

Naganap ang Swimsuit Challenge sa Acqua Boracay Resort sa Boracay noong 20 Abril 2024, at naganap ang botohan para sa hamon mula noong 22 Abril hanggang 4 Mayo 2024 sa pamamagitan ng MUPH App.[27] Inanunsyo ang Top 5 ng hamon noong 5 Mayo,[28] at ang nagwagi ay inanunsyo sa final competition sa 22 Mayo kung saan ang nagwagi ay awtomatikong mapapabilang sa Top 20.[29][30] Bukod pa rito, walong kandidata ang pinarangalan bilang Acqua Boracay Angels sa pagtatapos ng kompetisyon, at isa sa walo ang itinanghal na Miss WeSportz by Acqua. Labindalawa pang kandidata ang itinanghal bilang mga ambasador ng Arete Tagaytay, sa gabi ring iyon.[26]

  •      Nakapasok sa Top 20 sa pamamagitan ng Swimsuit Challenge
PagkakalagayKandidata
Top 5

Personal Interviews

Naganap ang Up Close & Personal Interviews noong 2 Mayo 2024, kung saan ang mga kandidata ay binigyan ng tatlumpung segundo kada tanong upang sagutin ang tatlong tanong na ibinigay ng MUPH Executive Vice President na si Voltaire Tayag. Naganap ang botohan para sa hamon mula noong 2 Mayo hanggang 5 Mayo 2024 sa pamamagitan ng MUPH App.[31] Inanunsyo ang Top 5 ng hamon noong 6 Mayo, at ang nagwagi ay inanunsyo sa final competition sa 22 Mayo kung saan ang nagwagi ay awtomatikong mapapabilang sa Top 20.[32][33]

  •      Nakapasok sa Top 20 sa pamamagitan ng Personal Interviews
PagkakalagayKandidata
Top 5

Runway Challenge

Naganap ang Runway Challenge sa Sultan Kudarat Provincial Capitol noong 7 Mayo 2024, at naganap ang botohan para sa hamon mula noong 8 Mayo hanggang 11 Mayo 2024 sa pamamagitan ng MUPH App. Inanunsyo ang Top 5 ng hamon noong 12 Mayo,[35] at ang nagwagi ay inanunsyo sa final competition sa 22 Mayo kung saan ang nagwagi ay awtomatikong mapapabilang sa Top 20.[36]

  •      Nakapasok sa Top 20 sa pamamagitan ng Runway Challenge
PagkakalagayKandidata
Top 5

National Costume competition

Naganap ang National Costume competition sa Sultan Kudarat Gymnasium and Cultural Center sa Isulan, Sultan Kudarat noong 28 Abril 2024.[38] Ang tema ng paligsahan sa pambansang kasuotan ng edisyong ito ay Flora at Fauna. Pinangunahan nina Miss Universe 2022 R'Bonney Gabriel at aktor na si Marco Gumabao ang kaganapan. Pagkatapos ng kaganapan, inihayag ang Top 3 para sa parangal na Best National Costume.[39]

ParangalMga nagwagi
Best in National Costume

Mga kandidata

Limampu't-tatlong kandidata ang lalahok sa edisyong ito.[41][42]

LokalidadKandidataEdad[a]BayanMga tala
AlbayElaine Bernales[42]23Daraga
 AustralyaKymberlee Street[20]26SydneyTop 10 semi-finalist sa Miss Universe Australia 2022[43]
BacolodYvonne Catamco[44]22Mansilingan
BacoorKim Victoria Vincent[45]28BacoorNagwagi bilang Miss Universe Philippines Charity 2021[46]
BaguioJustine Tarah Marie Valencia[42]22Baguio
BatangasMariztella Lat[42]23Lungsod ng Batangas
BoholBianca Gaviola[42]24Tagbilaran
BukidnonNatasha Jane Bajuyo[42]21Valencia
BulacanChelsea Anne Manalo[47]25MeycauayanTop 15 semi-finalist sa Miss World Philippines 2017[48]
CabanatuanDaniella Villar[49]25Cabanatuan
Cagayan de OroLynn Eirene Lomongo[50]18Cagayan de Oro
CaintaStacey Daniella Gabriel[51]25CaintaSecond runner-up sa Binibining Pilipinas 2022[52]
CamiguinRethiana Rosa[20]20Mambajao
CebuKris Tiffany Janson[53]34Lungsod ng CebuNagwagi bilang Binibining Pilipinas Intercontinental 2014[21]
Second runner-up sa Miss Intercontinental 2014[54]
DavaoJoanna Puyod Yulo[55]39Digos
FloridaMatea Mahal Smith[56]21Coral Springs
HawaiiPatricia Bianca Tapia[57]26Makati
Hilagang CaliforniaKayla Jean Carter[58]28Los AngelesLumahok sa Too Hot to Handle: Season 2[59]
KabiteDeanna Marie Mate[60]22Kawit
KanangaPhoebe Arrianna Torita[61]18Kananga
LagunaAlexandra Mae Rosales[42]27CalambaIsang kandidata sa Binibining Pilipinas 2021[62]
LeyteAngel Rose Tambal[63]24La Paz
LucbanRikki Mae Dela Peña[64]25Lucban
Lungsod ng DabawMaria Isabel Pelayo[65]23Lungsod ng Dabaw
Lungsod ng IloiloAlexie Mae Brooks[66]23LeonAtleta sa heptathlon sa Palaro ng Timog Silangang Asya[66]
Lungsod QuezonCamille Isabel Lagmay[67]26Lungsod Quezon
MandaueVictoria Leslie Ingram[68]26Mandaue
MarivelesElle Hollman[69]28Mariveles
MaynilaKeana Ysabel Macuja[42]25Maynila
MiamiMary May Yasol[42]32MiamiIsang kandidata sa Mutya ng Pilipinas 2011[70]
NaicMary Rose Guiral[42]23NaicIsang kandidata sa Miss World Philippines 2021[71]
Nueva EcijaMaica Martinez[42]28CabanatuanIsang kandidata sa Miss World Philippines 2022[72]
Occidental MindoroZoleil Mellane Taño[42]25San Jose
PagadianHershey Mhae Senit[73]19Pagadian
PalawanRaven Hate Doctor[74]18Puerto Princesa
PampangaCyrille Payumo[75]26PoracFirst runner-up sa Mutya Pilipinas 2019[76]
Nagwagi bilang Miss Tourism International 2019[77]
Iniluklok bilang World Top Model Philippines 2022[78]
Isang kandidata sa Binibining Pilipinas 2022[79]
PangasinanGrace Jineah Lumague[42]23Pozzorubio
PasigSelena Alexis Antonio-Reyes[80]38PasigIsang kandidata sa Binibining Pilipinas 2010[81][82]
Pulo ng BantayanJuvel Ducay[53]28Santa Fe
QuezonMaria Ahtisa Manalo[83]26CandelariaNagwagi bilang Binibining Pilipinas-International 2018[84]
First runner-up sa Miss International 2018[85]
QuirinoStephanie Faye Gerona[86]32Cabarroguis
Reyno UnidoChristina Chalk[42]30DunblaneFirst runner-up sa Miss Universe Great Britain 2016[87]
Iniluklok bilang Miss Earth Scotland 2017[88]
Top 15 semi-finalist sa Miss Universe Great Britain 2019
First runner-up sa Miss Universe Great Britain 2021[89]
San PabloEunice Deza[42]23San Pablo
SiargaoJoshell de Ocampo[42]26Del Carmen
SydneyJenina Lui[90]21Sydney
TaclobanTamara Ocier[42]23Tacloban
TaguigChristi Lynn McGarry[91]34TaguigFirst runner-up sa Miss New Jersey Teen USA 2008[92]
Nagwagi bilang Mutya ng Pilipinas Asia Pacific 2010[93]
Top 15 semi-finalist sa Miss Intercontinental 2010[94]
Top 15 semi-finalist sa Top Model of the World 2010[95]
Nagwagi bilang Binibining Pilipinas-Intercontinental 2015[96]
First runner-up sa Miss Intercontinental 2015[97]
TalisayMary Josephine Paaske[53]21Talisay
Timog CaliforniaJanet Lyn Hammond[98]25Los Angeles
ToledoKim Irish Placibe[99]19Toledo
TuguegaraoZhyra Mae Cabalza[100]20Tuguegarao
VirginiaDenise Nicole Yujuico[42]25Alabang
ZambalesAnita Rose Gomez[101]23OlongapoIsang kandidata sa Miss Philippines Earth 2021[102]

Mga tala

Mga sanggunian