Croissant

patumpik-tumpik, hugis-gasuklay na pastelerya

 

Croissant
A crescent-shaped pastry
UriViennoiserie
KursoAlmusal
Lugar
Kaugnay na lutuinPranses
Pangunahing SangkapPinaalsang masa, mantikilya
BaryasyonPain aux raisins, Pain au chocolat, Pain aux fraises

Ang croissant (Pagbigkas sa Pranses: [kʁwasɑ̃]  ( pakinggan)) ay isang pasteleryang viennoiserie na mamantikilya at matuklapin na kinasihan ng hugis ng Austriyanong kipferl ngunit gumagamit ng pinaalsang masa na istilong Pranses.[1] Pinangalang croissant ito dahil gasuklay ang hugis nito sa buong kasaysayan. Pinagpapatong-patong ang masa kung saan may pahid ng mantikilya sa pagitan ng bawat suson, nirorolyo at tinutupi nang maraming beses nang sunud-sunod. Pagkatapos, nirorodilyo ito hanggang maging napakanipis, sa pamamaraan na tinatawag na paglalamina. Humahantong ito sa teksturang susun-suson at patumpik-tumpik, katulad ng ohaldre.

Mula noong Renasimiyento, ginagawa na ang mga tinapay na hugis gasuklay, at posible noong sinauna pa ginagawa ang mga keyk na hugis gasuklay.[2] Matagal nang isteypol ng lutuing Austriyano ang kipferl, at kadalasang matatagpuan sa mga panaderya at pasteleryahang Pranses. Nabuo ang modernong croissant noong pasimula ng ika-20 siglo kung kailan pinalitan ng mga panaderong Pranses ang masang brioche ng kipferl ng laminadong masa na pinaalsa.[3]

Mga sanggunian