Delusyon ng kadakilaan

Ang mga delusyon ng kadakilaan o grandiose delusions (GD) o delusions of grandeur ay isang uri ng diperensiyang delusyonal (maling paniniwala) na umiiral sa mga pasyenteng dumaranas ng mga sakit sa pag-iisip kabilang ang 2/3 ng mga may diperensiyang bipolar, 1/2 ng may schizophrenia at malaking bahagi ng may diperensiya sa pag-abuso ng substansiya.[1] Ang mga mayroong delusyon ng kadakilaan ay inilalarawan ng mga paniniwalang pantastikal na sila ay napaka-sikat, napaka-yaman, napaka-talino o napaka-makapangyarihan. Ang mga delusyong ito ay may temang supernatural, science fictional o relihiyoso.

Ang mga indibidwal na may delusyon ng kadakilaan ay maling naniniwala ng kanilang kadakilaan o superioridad sa kanilang isipan.

Mga sintomas

Ayon sa DSM-IV-TR diagnostic criteria para sa diperensiyang delusyonal, ang mga sintomas ng uring-kadakilaan ay kinabibilangan ng lumabis na paniniwala ng kahalagahan ng sarili, kapangyarihan,[2] kaalaman, identidad, eksepsiyonal na ugnayan sa Diyos o isang sikat na tao.[3]Halimbawa nito ang isang pasyente na nainiwala sa kanilang sarili bilang isang hari na kailangang itratong hari.[4]

May mga iba ibang antas ng kadakilaan sa mga iba ibang pasyente. Ang ilan ay naniniwalang sila ay Diyos, tapagligtas, isang pinili, anak ng presidente, sikat na artista, dakilang imbentor at iba pa.[5]

Ang mga delusyong nagpapalawig ay maaaring napapanatili ng mga halusinasyong naririnig na napgpapayo sa kanila na sila ay mahalaga halimbawa ay nagbibigay ng paglalarawan ng kanilang koronasyon bilang hari o kasal sa isang hari.

Ang mga delusyon ng kadakilaan ay kadalasang nagsisilbing positibo para sa meron nito sa pagtustos o pagpapataas ng kanilang pagtingin sa sarili.[2]

May dalawang mga salaysay sa pagtatamo ng delusyon ng kadakilaan:[6] Ito ay maaaring

  • depensa o pagtatanggol ng isipan laban sa mababang pagtingin sa sarili o self esteem at depresyon
  • resulta ng isang lumabis na mga emosyon.

Diagnosis

Ang mga delusyon ng kadakilaan ay nangyayari sa mga pasyenteng may sindromang nauugnay sa mania gaya ng Huntington's disease,[7] Parkinson's disease,[8] at Wilson's disease.[9]

Tingnan din

Mga sanggunian