Direktor sa pelikula

Ang isang direktor sa pelikula ay isang indibiduwal na nagbibigay direksyon sa paggawa ng pelikula. Kinokontrol ng isang direktor sa pelikula ang artistiko at dramatikong aspeto ng pelikula at isinasalarawan ang senaryo (o iskrip) habang ginagabayan ang teknikal na pangkat at artista sa pagganap ng bisyon o pagsasalarawan na iyon. May pangunahing ginagampanan ang direktor sa pagpili ng mga kasapi ng mga tauhan o cast, disenyo ng produksyon, at ang malikhaing aspeto ng paggawa ng pelikula.[1] Sa ilalim ng batas ng Unyong Europeo, tinitingnan ang direktor bilang may-akda ng pelikula.[2]

Mga sanggunian